Kean pov:
“Oh shit! At talagang pinatayan pa niya ako ng tawag?” singhal ko habang nakatitig sa phone, muli itong tumunog pero hindi na tawag kundi text nalang.
From: panget
“Pumasok ka nalang po sir, hindi ho ako makatayo ng maayos, masama talaga ang pakiramdam ko. Pakisara nalang ng pintuan, marami pong mga tsismusa sa paligid baka mamaya mapagtripan ka pa diyan.”
Aligaga akong napatingin sa paligid, nakadungaw ang ilan sa may bintana nila, at may ilang nagkukunwaring nagwawalis pero nakikipag tsismisan naman, may apat na lalakeng malalake ang mga katawan na nag iinuman at nakatutok ang mata sa direksyon ko.
Naasiwa ako sa pagmumukha nila kaya dali-dali akong nagtungo sa may gate nila Mady, hindi naman yon nakasara ng maayos, isa pa kaya ko naman siyang mabuksan mababa lang kaya madaling pasukin.
“Mady?” tawag ko nung makapasok, maliit lang ang espasyo ng bahay niya pero malinis ito kahit may kalumaan na ang bahay at medyo kupas narin ang kulay ng pintura ng mga wall nito. “Where are you?” tawag ko parin, napansin kong nakaawang ang pintuan kaya pumasok na ako. Madilim ang loob nito dahil nakasarado ang mga kurtina ng bintana nito.
Aswang ba siya o bampira?
Takot lang sa liwanag?“S-sir, kayo na po ba yan?” bigla akong napaatras, halos sumigaw na ako sa sobrang pagkagulat nung mabuksan ko ang ilaw at nakita ko ang panget na hitsura nito. Buhol-buhol na buhok, may mga pikas sa mukha na halatang-halata, yong mga ngipin niyang malalaki ang unahan, makapal na kilay at malaking ilong at ang mas nakakaagaw pansin ay yong malalaki niyang salamin na parang kay miss tapia.
“Grabe namang reaksiyon niyo sir.” tumayo ako ng maayos ng mapansing parang nanlambot ako base sa reaction ko “Ahm...bakit kasi diyan ka natulog?” sasagot na sana ito ng unahan ko “Di bale na nga lang, parating na ang doctor na tinawagan ko para tignan ka.” buntong hiningang sabi ko saka ako umupo sa lumang sofa nito na halatang hindi na halos mapalitan ng sapin dahil masyado na itong luma.
“Ang weird, natitiis mong tumira dito? Parang bahay ng daga na to ah.” puna ko “Mas okay na ang ganitong tirahan kaysa manirahan ako sa kalye.” walang pasintabing sabi niya “Bakit po pala kayo napunta rito sir?” napaisip naman ako “Wala, na miss kasi kita.” “Ano ho sir? Diko po narinig, masyado ho kasing mahina ang boses mo.” parang nakagat ko bigla ang dila ko ng marealize ang sinabi ko. “Ahm...ang sabi ko may meeting tayo ngayon sa German ambassador pero dika pumasok kaya inalam ko kung anong nangyari? Akala ko kasi nagdadahilan kalang.” pagpapalusot ko.
Di na ako nakarinig pa ng kahit anong salita mula rito hanggang sa dumating ang doktor at tinignan siya. Sinabi naman ng doctor na bumaba na ang lagnat nito, over fatigue kaya nagkasakit siya. Napabuntong hininga naman ako habang pinagmamasadan itong natutulog, at dahil kanina pang masakit ang ulo ko, hinayaan ko na munang ipikit ang mga mata bago ako bumalik ng opisina.
_ _ _
Mady pov:
Matapos akong makainom ng gamot, tuluyan na nga akong nakatulog. Siguro nga over fatigue kaya din siguro masama ang pakiramdam ko. Nagising ako nung tumunog ang cellphone ko kaya dali-dali ko iyong sinagot habang nakapikit pero laking gulat ko ng mapansing hindi pala cellphone ko ang tumunog kundi cellphone ni sir at ang malala boses ko ang ginawa nitong ringtone.
“Sir, may tawag po kayo.”
Yon ang boses na naririnig ko, “Baliw ba to?” patayo na sana ako nung mapansing parang may mabigat na bagay na nakadagan sa may tiyan ko kaya hindi ako makagalaw. Nanlaki ang mata ko ng makitang nakayakap si sir Kean mula sa likuran ko habang mahimbing ang tulog nito.
BINABASA MO ANG
GIRL BEHIND THE MASK
Adventure"GIRL BEHIND THE MASK" (MY HANDSOME LOVER) -Isang bilyonarya ang magpapanggap bilang isang ordinaryong tao at magtatago sa likod ng maskara bilang isang nerd na sekretarya ng isang CEO. Pagkakatiwalaan ni Kean si Mady dahil buong akala niya inosente...