Chapter 120: Small world!

39 5 2
                                    

Bryan Casfer pov:
(lasts part)

.

.

Matapos ng tagpong yon, hindi na kami muling nagkita pa. Ni hindi ko na rin ito makita pa sa dati niyang pinapasukang trabaho. Hanggang isang gabi, muling magtagpo ang mga landas namin. Muli kaming nagkita sa hotel kong saan ituturn over na ni Lolo ang dating posisyon ni Marco na pinapangarap ko kay Kean. Dun ko lang din narealize kung gaano ko siya kamahal. Nabulag ako sa ambisyon kong makuha ang posisyon ng pagiging isang CEO, nakalimutan ko ang isang gaya niya na walang ibang ginawa kundi ibigay sa akin lahat ng nais ko. Oras niya at lalo na ang pagmamahal. Too late to say how much I love her dahil sa tingin ko ngayon wala na itong planong mahalin pa ako. Gagawin ko ang lahat para lang ibigay sa kanya ang mga bagay na hindi ko naibigay noo sa kanya. Napaka-cold na niya sa akin, parang hindi ko na siya ko kilala, pakiramdam ko ibang tao na siya. Pero sa nakikita ko mukhang nanadya lang naman siya. Kahit ilang beses man niyang ipagkaila, I know it was her. I remember the night I saw her at the bar wearing a red dress, yon din ang damit na suot niya nung unang beses din kaming nagkita sa parehong bar. Marami akong gustong itanong sa kanya, gusto kong malaman sa kanya kung anong nangyari sa baby namin. Naduwag lang naman ako nung mga panahong nag confess siya sa akin about sa baby namin. Babawi ako sa mga panahong nagkulang ako, gagawin ko ang lahat para muling makuha ang tiwala niya. This time, hindi ko na hahayaang muli pa kaming magkalayo. I'll do everything kahit isumpa man niya ako, siya lang naman ang babaeng nagpabago sakin at minahal ang isang tulad kong gago.

I will not let happen again na mawala pa siyang muli sa mga kamay ko. Pag nakuha ko ng muli ang loob niya, saka ko naman siya papakasalan gaya ng pinapangarap niya...

_ _ _

Kean pov:

Hinabol ko si Mady Lean, mabilis pa ito sa kidlat bigla nalang siyang nakalabas, ang sabi ng mga ka officemate niya umiiyak daw ito habang kumakaripas ng takbo. At hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang intindihin ang isang tulad niyang bastos at walang kwenta? Sa ginawa nya sakin kanina parang gusto ko siyang sisantihin dahil sa ginawa niya pero bakit parang gusto ko paring malaman ang sides niya at hindi ko alam kung bakit kailangan kong gawin pa to? Hindi ko ma-imagine ang sariling maging stalker lalo na sa isang tulad niyang pangit na babae.
Pero kahit ilang beses ko pang sabihing wala akong pakialam sa isang tulad niya kung itong sarili ko naman ang ayaw makinig at hindi ko alam kong bakit mas pinili ko paring lumabas para sundan lang ito.

I was driving the whole way habang sinisipat ang bawat paligid, wala akong pinalalagpas bawat parke na nadadaanan ko tinitignan ko ng mabuti, sinisigurado at nagbabakasakaling makita siya agad. Until I saw a familiar faces, I stop the car saka sila pinagmasdan sa di kalayuan gusto kong makasigurado kong tama ba ang nakikita ko o hindi? Kumunot ang noo ko sa nakita, I saw Mady Lean kasama ang dalawang lalake. Naniningkit ang mata ko habang sinisigurado kong tama ang nakikita ko. Halos tumilapon ang kaluluwa ko ng marealize na si Bryan Casfer ang isa sa mga lalakeng kasama ni Mady Lean.

Bakit sila magkasama? Magkakilala ba sila? Pero paano?

Binuksan ko ang pintuan para sana bumaba ng bigla namang tumunog ang cellphone ko ayaw ko pa sanang sagutin pero si Mommy na ang tumawag at hindi ko pwedeng hindi sagutin to. Wala akong kinatatakutan maliban sa ina ko pagka ito ang tumawag alam kong pinapauwi ako nito at kapag hindi ako sumunod sigurado akong patay ako. Dahil kahit saan ako magtago alam na alam kong mahahanap at mahahanap niya parin ako. About kay Mady Lean bahala na siya sa buhay niya, at kung anumang mayron sa kanila ng pinsan ko malalaman ko rin yon.

Mabilis kong niliko ang sasakyan, panigurado akong patay ako kapag hindi ko siya pinuntahan.
Wala pang isang oras ng makarating ako sa mansiyon. “Hello mom!” bati ko agad “Hi son, good thing you're here.” kumunot ang noo ko, nahihiwagaan ako sa naging reaction nito, imbis na hampasin kasi nito ang braso ko nagulat pa ako dahil bigla nalang niya akong niyakap na tila tuwang-tuwa pa.

“Anong nakaen mo?” takang tanong ko “Nothing son, pero may ipapakilala ako sayo mamaya.” mas lalong kumunot ang noo ko “Nandito ba si Grace?”tanong ko “Uhm, hindi ko siya ininvite eh. Bakit gusto mo ba nandito siya?” mas lalo pang kumunot ang noo ko “First time atang hindi mo siya ininvite mom” pang-iiba ko “Yes bro, I don't know why mom act like that!” biglang sulpot ni Katelyn “Hayaan niyo na ako, sa buong buhay ko ngayon lang ako naging ganito kasaya.” nagkatinginan kami ni Katelyn, pareho ang tumatakbo sa isipan namin. Nahihiwagaan kaming pareho kay mommy.

Dinala niya kami sa dining room, halos mabulunan ako ng makita ang napakaraming pagkaen na pinahanda ni mommy dahil may bisita raw siya ngayon. Umupo na kami ni Katelyn, saka nagsimulang kumaen. “Sino ba kasi yang bisita mo mom? Ngayon mo lang ata hindi inimbitahan yong future daughter in law mo mom?” panimula ni katelyn.

A minutes ago, biglang tumunog ang cellphone ni mom, para siyang teenager biglang lumabas para sagutin ang tawag “Mom acting so weird. Kailangang sagutin niya ang tawag sa labas? Hindi kaya may boyfriend na siya?” natigilan ako sa sinabi ni Katelyn “I actually thought they same, bigla kasing naging iba ang kinikilos ni mom ngayon.” we both staring each other saka ulit sumubo.

“Come in?” hindi ako lumingon ng magsalita si Mommy pero napatitig ako kay katelyn ng bigla itong mapatayo mula sa pagkakaupo, nasipa pa kasi niya ang bente ko. Ayoko sanang pansinin kaso biglang... “Kristine?” nung marinig ko ang pagtawag ni Katelyn sa pamilyar na pangalan bigla nalang akong napalingon. Gaya ni Katelyn, nagulat din ako sa nakita. Hindi ko alam paano ipapaliwanag yong nararamdaman ko ngayon.

“Anong.../Its nice to see again Kean?” nakangiting sabi nito pakiramdam ko nakakita ako ng maring bituin sa langit nung banggitin niya ang pangalan ko “What is the meaning of this?” biglang singit ni Katelyn “Mom, do you know her?” gulat na tanong ni Katelyn, sandaling nagkatitigan sila ni Kristine “Anak, siya kasi yong sinasabi kong bisita sayo. Siya yong nagtanggol sa akin nung may magnanakaw. Yong kinikwento ko sa inyo.” masiglang sabi ni mommy “You mean, nagkita na kayo mom?” gulat na tanong ko “Oo anak, and I like her” nakakagulat yong reaksyon ni mommy kasi bigla pa itong pumulupot sa braso ni Kristine but at they same time masaya parin ako kasi muli ko siyang nakita.

“Can we talk?” pareho kaming natigilan ni mommy sa sinabi ni Katelyn “Bisita ko siya, kaya pwede bang huwag mo siyang tratuhin na parang girlfriend ng kuya mo?” parang may kung anong bumara sa lalamunan ko sa narinig.
Sa huli, wala ring nagawa si Katelyn sa disisyon ni mommy. Hindi ko alam para akong nasa first day high na nag memelt satwing nagtatagpo ang mga mata namin ni Kristine. Nakakagulat ang pangyayari, ilang araw na siyang hindi nagpapakita sakin tapos malalaman ko na ma magkakilala pala sila ni mommy? Yong mas nakakagulat, sobra pa nilang mag clossed na para bang ang tagal na nilang magkakilala.


I miss her pero wala akong magawa, sa mata nila mommy hindi kami magkakilala ni Kristine at higit sa lahat alam nilang malapit na akong ikasal.



_ _ _

.

Update:

Sorry natagalan, medyo busy lang. Hope you still waiting until it finished!

Labmwach😘😘

GIRL BEHIND THE MASKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon