Chapter 76: Unknown person

34 1 0
                                    

Mady pov:

Ilang segundo na kaming nagkakatitigan ng lalake, hindi ko maipaliwanag ang expresyon sa mukha nito pero makikita ang lungkot sa mata nito at pangungulila "Kris, alam kong galit ka sakin" Ano bang pinagsasabi niya? Pano niya nalaman ang totoong pangalan ko? Nagkita na ba kami nito?

"Paano mo nalaman ang totoong pangalan ko?" walang pasamid na tanong ko, halatang nagulat ito sa tanong ko "Mababaliw na ata ako sa nangyayari. Hinahanap kita kung saan-saan tapos tatanungin mo ako paano ko nalaman ang totoong pangalan mo?" napatitig ako sa seryosong mukha nito "Galit ka nga, halata naman eh. Pero sana wag ka namang magpanggap na parang may amnesia ka" mas lalo akong naguluhan. Nahihilo ako hindi dahil sa madami akong nainom kundi dahil pinipilit kong alalahanin pano kami nagkakakilala ng lalakeng to.

Ano ba talagang pinagsasabi nito? Diko naman talaga siya kilala ah' pero bakit pakiramdam ko nangyari na samin ang ganitong eksena? Parang nagkita na kami hindi ko lang alam kong saan at kung kailan?

Tinatagan ko ang kalooban, baka isa siya sa mga kasamahan ni Red Chimni para ma corner ako. Palinga-linga ako i check the place baka bukod samin may palihim palang nagmamanman. "May problema ba?" walang pasintabing tanong niya. Umiling ako bago magsalita ulit. "Alam mo kung sinuman yang Kris na sinasabi mo, mahahanap mo rin siya. At hindi rin malinaw sakin pano mo ako nasundan dito" kumunot ang noo nito na tila naguguluhan sa naririnig. "Isa lang ang masasabi ko sayo, hindi Kris ang pangalan ko. Kaya pwede ba wag na wag mong mababanggit ang pangalan na yon sakin!" seryosong sabi ko naalala ko nung magkita kami ni Ray, alam kong siya lang ang nakakaalam at si Shane bukod samin ni Floyd sa totoong pangalan ko at hindi malabong kasabwat siya ng mga yon.

Natigilan ako ng hawakan niya ang pulsuhan ko at tintigan ako ng mariin sa mata. Makikita ang kakaibang kislap sa mata nito, punong-puno ng pagmamahal at pangungulila "Alisin mo ang kamay mo, at wag kang mag feeling clossed sakin hindi kita kilala" seryoso ko siyang tinitigan, awtomatiko naman itong bumitaw na tila di makapaniwala.

"Kasalanan ko to kung bakit ganyan mo ako kausapin. Ako ang nagtulak sayo palayo sakin!" may lungkot na saad nito, napatitig ako sa kabuuang hitsura nito. He looks familiar.

Napatanga ako ng marealize na siya si Green Greek o hacker man. "Anong kailangan mo? Bakit mo ako sinundan? Sino nag utos sayo?" gigil na sabi ko habang pinang gigilan ang paghawak sa braso nito "Ano bang pinagsasabi mo? Magpanggap kaman na hindi mo ako naalala, hindi mo maitatago ang takbo ng puso mo" ngiting ganti niya na parang natutuwa pa sa naging reaksyon ko. Tinanggal niya ang kamay ko na nakahawak sa braso niya saka hinawakan ang mga kamay ko at pinipisil-pisil.

"Nagpalit kana ba ng number?" mabilis kong tinanggal ang kamay mula sa pagkakahawak nito "Alam ko na, modus to. Kunwari kakilala mo ako tapos anong sunod? Hoholdapin mo ako?" "No...nagkakamali ka, wala akong gagawing masama sayo!" umatras na ako. Wala akong tiwala sa lalakeng nasa harapan ko ngayon. Gwapo lang siya but still diko parin siya kilala baka kong anong gawin niya sakin at baka diko mapigilan ang sarili, baja may magawa pa akong hindi maganda.

"Huwag kang lalapit" napahinto naman ito sa paghakbang habang humahangos ako "Pambihira, ayos karin nuh? Paano ka nakapasok sa isang exclusive na bar na to? Hindi mo ba alam na bawal ang mga kriminal dito?" kabadong tanong ko "Kris, dimo ba talaga ako makilala?" nagsusumamong tanong nito "Huwag mo sabi akong tatawaging Kris" kahit tinatatagan ko ang kalooban diko parin maitatanggi na natatakot ako lalo pa't bukod sa hindi ko to kilala baka isa siya sa mga inutusan ni Red Chimni para kunin ang impormasyon ko. "Kris..." kumuha ako ng matulis na bagay sa bag ko saka ko tinutok sa kanya, habang umaatras ako buti nalang at may gunting ako sa bag.

"Kris, its me Bryan." sunddenly my world has stop nung marinig ang pangalan nito "Bryan? Sinong Bryan hu?" histyrical na tanong ko. Humakbang ito palapit sakin, ramdam kong unti-unti naring nawala ang kalasingan ko "Huwag kang lalapit, hindu ako magdadalawang isip na isaksak sayo ang matulis na gunting na to" matapang na sabi ko habang tinututok ang gunting.

"Haha kaluka ka!" tila hibang niyang sabi saka ulit humakbang palapit sakin. Dina ako nakapagpigil, tinapon ko ang mga gamit sa kung saan kasama ang gunting, nakatingin lang ito sakin na tila nag iisip sa kung anong ginagawa ko. Pinunit ko ang laylayan ng red dress na suot ko. "Anong ginagawa mo?" takang tanong nito "Sinabi ko ng wag kang lalapit pero ayaw mong makinig. Kaya sorry sa gagawin ko." isang hakbang pa ang ginawa niya kaya naman buong pwersa ko siyang hinawakan sa leeg pabaligtad, nasa likuran na nito ang mga bente ko, napaluhod ito sa ginawa ko kaya nasa tuhod niya ang katawan ko at nakahawak ang mga kamay sa may leeg nito saka ako kumilos dahilan para magkabaligtad kami. Parehas kaming bumagsak sa lupa, namimilipit ito sa sobrang sakit ng pagbalibag ko sa kanya. Akmang babangon siya nung pilipitin ko ang magkabilang braso nito. Nasa ibabaw niya ako habang nakatalikod ito at pinilipit ang magkabilang braso nito mula sa likuran. Dinig ko ang pagmamakaawa nitong bitawan siya.

"I warning you pero dika nakinig" baritonong saad ko, umaaray parin ito "Are you fucking kidding me?" murang sabi niya habang nagpupimiglas na makawala mula sa mga kamay ko "Almost 2years din na naging tayo. Bigla ka nalang naglahong parang bola tapos ngayong nagkita tayo ganito ang gagawin mo? At ang mas malala dimo pa ako makilala? Ano to lukuhan?" sandali akong napasip, medyo nawala ako sa sarili kaya diko namalayang nakakilos na pala ito.

Buong pwersa siyang gumalaw dahilan para magkabaligtad kami ulit, pero di ako nagpatalo, pinilipit ko ang leeg nito gamit ang mga bente ko. Magkabaligtad ang posisyon naming dalawa, nasa may paanan ko ang ulo nito at pinipilipit yon gamit ang mga bente ko habang hinahawakan ko naman ng buong lakas ang mga braso nito. Diko maitatanggi na malakas siya kaya ayaw kong magpatalo, "Tumahimik ka, at wag mo akong susubukan baka hindi lang yan ang mangyari sayo" banta ko "Ah ganun! Gusto mo pala ganitong laro. Diko alam na ganito ka na pala katapang at kalakas para makipaglaban sa damuhan" panunudyo niya pero diko parin siya binitawan.

Wala akong pakialam sa sinasabi niya.

"Kaso, ayaw ko ng ganitong klasing laro." ngising sabi niya "Anong ibig mong sabihin?" nagulat ako ng bigla nitong kinagat ang bente ko, sa sobrang sakit nabitawan ko ito pero bago yon nasira ko pa ang mukha nito kaya tumama sa may bandang ilong niya ang takong ng sandal ko. Napamura ito at hinihingal na tumayo habang hawak ang ilong.

"My goodness, ibang-iba kana talaga" tila manghang sabi niya saka inabot ang kamay para makatayo ako pero tinabig ko lang ang mga kamay nito saka ako humakbang palayo pero bago paman hinila niya ako palapit dahilan para magkayakap kami. Nagpupumiglas ako para makawala masyadong mahigpit ang pagkakayakap niya sakin. "I miss you a lot! I'm so sorry for everything, pleased forgive me." naramdaman kong nabasa ang balikat ko habang sinasabi ang mga katagang yon.

Umiiyak ba siya? Pero bakit niya ako iniiyakan? Paano niya ba nalaman ang totoong pangalan ko? Ano pang alam niya bukod dun?

_ _ _

.
Update:

Hello!

Sorry now lang ulit hehe😊
Pleased leave comments down there to know your feedback para mas ganahana pa ako hehe.

Labyah!
Tenchu always sa mga masuging readers ko😘

GIRL BEHIND THE MASKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon