Mady pov:
Napasandal nalang ako sa likod ng pintuan habang yakap ang paper bag na niya. Kinuha ko ito saka pasimpleng sinipat ang kabuuang hitsura sa salamin habang sinusukat ang damit n binigay niya “Kahit anong ganda ng damit, panget ka parin talaga Mady!” napapabuntong hininga pa ako habang iniisip kong hanggang kailan pa ako magiging ganito sa harap ng CEO?
“Parang kagaya din naman pala to ng uniform nila Cicil, iba nga lang ang kulay ng damit ko. Ano to color coding? Pambihira talaga ang taong yon, andaming pakulo.” para akong timang kausap ang sarili sa harap ng salamin.
Napadako ang tingin ko nung tumunog ang cellphone ko.
1 message
From: Uncle
“Ano bang ginagawa mo? Kailangan ba talaga ako ang maglabas ng baho ni Leon para lang maipakulong ito? Alam mo na kung sinu-sino ang target bakit wala ka pang ginagawa?”
Napabuntong hininga nalang ako habang pinipilit na itaboy ang mensaheng natanggap. Akala ko tapos na kaso bigla naman itong tumawag, at ayaw niyang hindi sinasagot ang tawag lalo pa't minsan lang itong tumawag at bilang kung magsalita.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ito sagutin. “Hello, Uncle–” “Alam mo bang may ginagawang plano ang anak ni Manuel Cruz laban sayo.” parang tatlong beses na nag zoom ang mukha ko sa salamin sa narinig “Sinong anak? Wala naman pong anak si Manuel Cruz.” depensa ko “Yon ang malaking pagkakamaling nagawa mo, parehong-pareho kayo ng kapatid mo kaya kayo natatalo ng kalaban mabilis makuha ang tiwala niyo. Anak ka nga ng kuya ko, masyado kayong mabait sa kalaban.” napasuklay ako ng buhok na tila di ako makapag isip ng maayos.
“Hindi mo ba alam na nag alaga ka ng mga ahas? Si Red Chimni na pinagkatiwalaan mo na mapapangasawa ng tagapagmana ng Medines Empire na kinilalang si Grace Shane Segovia ay anak ni Leon Ledezma, alam mo ba na ang gaya mo gumamit din siya ng pangalan dahil yon ay para ma proteksyunan siya sa mga kaaway.” “Ano hong ibig niyong sabihin?” naguguluhang tanong ko.
“Si Katherine Ledezma ang totoong pangalan ni Grace Shane Segovia.” “Katherine Ledezma? Teka, narinig ko na ang pangalan na yon. Hindi, imposible yang sinasabi niyo Uncle nakilala ko si Katherine Ledezma noon at kasama ko si Grace nung mga sandaling yon.” paliwanag ko “Isa kang malaking tanga, napasok ka na nga ng mga kaaway nagbubulag-bulagan ka pa? Hanapin mo si Lavinia Carpio dahil siya ang malaking alas natin huwag kong sinu-sinong pinagkakatiwalaan mo.” ngingit nito.
Akmang babaan na niya ako ng pigilan ko “Ano yon? Huwag mong sabihin gusto mo pang magdagdag ng kaaway sa mundo mo?” napaihip ako sa hangin “Gamitin mo nga ng tama yanh utak mo. Paano ka naman magigustuhan ng tagapagmana ng empire kung isang panget na nerd ang ginamit mong identity.” sabay mura nito sa kabilang linya gamit ang lengwahe ng japanese.
“Uncle, sino ba ang anak ni Manuel Cruz?” ilang sandaling katahimikan ang nanaig samin ni Uncle bago niya binigkas ang pangalan. Para naman akong mag c-collapsed sa narinig habang paulit-ulit na nag p-play sa utak ko ang sinabi ni Uncle bago tuluyang maputol ang tawag.
“Kapangalan mo siya, siya si Cassandra Martin ang binigyan mo ng pangalan na si Brown Berry na kasintahan ni Kristoper Pedrosa na pinapasok mo sa mundo mo bilang Assits na si Silver moon.”... Naikuyom ko ang kamao habang nagpipigil na hindi magwala pero hindi ko talaga kinaya, nasuntok ko ng malakas ang salamin habang nanlilisik ang mga matang nakatitig sa sariling reflection.
“Ang tanga-tanga ko.” para akong sasabog sa sobrang galit, hindi ko inaasahang nakuha pala ni Grace ang mga tiwala nila. Hawak niya ang kasintahan ni Silver moon kaya nagpapailalim ito sa mga kamay niya. “Mga walanghiya!” halos maiyak na ako sa sobrang sama ng loob.
BINABASA MO ANG
GIRL BEHIND THE MASK
Adventure"GIRL BEHIND THE MASK" (MY HANDSOME LOVER) -Isang bilyonarya ang magpapanggap bilang isang ordinaryong tao at magtatago sa likod ng maskara bilang isang nerd na sekretarya ng isang CEO. Pagkakatiwalaan ni Kean si Mady dahil buong akala niya inosente...