Kean pov:
“Hello chummy? Where are you?” tanong ni Rebecca “On the way na papasok sa office, why?” tanong ko sa kabilang linya “Tumawag ang Chairman, pinapapunta ka sa office niya. May sasabihin daw siyang importante” i heared her voice na parang may bahid ng takot “Why? Bakit daw? Biglaan naman ata.” “Oo nga eh, sabi ni Chairman may malaking problema daw at kailangan mong pumunta dun ngayon din” pabalik kong inikot ang sasakyan “Okay, papunta na ako kay lolo, ahm...pag dumating si Mady pakisabi hintayin niya kamo ako sa opisina, yong pinapagawa kong report sa kanya. Pakisabing kailangan ko na yon.” sabi ko “Okay, pero diba may business meeting ka ngayon? Papuntahin ko narin ba siya para sa business meeting para sa German ambassador?” pahabol na sabi ni Rebecca. “Ok–kay? Pero bakit si Mady Lean? I mean, bakit siya pupunta? Ano naman ang gagawin ng isang panget na gaya niya sa exclusibong meetings?” angil ko. “Malaki ang maitutulong ni Mady Lean at huwag mo siyang mamaliitin, alam mo kung paano siya magtrabaho?” napabuntong hininga nalang ako bago tuluyang pinutol ang tawag.
.
.
Mabilis akong nakarating sa mansiyon ni Lolo, agad naman akong sinalubong ng mga body guards nito. “Kanina ka pa po hinihintay ng Chairman, master.” tumango lang ako. Sumakay ako sa glass elevator dahil nasa 3rd floor ang office unit ni Lolo. Nadatnan ko itong nakatingin sa labas , dahil salamin ang wall nito kaya malayang makikita ang kabuuang hitsura ng syudad.
“Lolo,Good morning po!” bati ko, humarap naman ito sakin mula sa pagkakatalikod “Buti naman dumating ka, nasa conference room na ang lahat. Kailangan kita dito, ikaw lang naman ang mas mapagkakatiwalaan.” he tap my shoulder pagkatapos sabay na kaming lumakad papuntang conference room.
Pinagbuksan kami ng body guard ni Lolo. Nung makapasok na kami tumambad sakin, labindalawang kinatawan at may posisyon sa Empire. Umupo si Lolo sa gitna bilang Chairman, ako naman ang katabi niya bilang CEO at running for President. “Here's the lists of thosed officers.” inabot ng isang sekretarya ang isang papel isa-isa sa mga cabinet members including the group of empires. Napatingin ako sa babae, napansin kong parang umiiwas itong hindi magtama ang mga paningin namin, pero bakit pakiramdam ko kilala ko siya?
“Thank you Miss Javier.” saad ni Marco, palabas na sana ito ng tawagin ni Lolo, muli kaming nagkatitigan parang kilala ko siya pero hindi ko alam kung saan at kung paano kami nagkita. “Samantha Javier?” napatitig ito kay lolo bago yumuko sign of respect “Yes po!” sagot nito “Long time no see hija.”nakangiting sabi ni Lolo “Isa ka ng ganap na dalaga ngayon” napatitig ako kay Marcelo Fajardo, siya yong head director nung mapansin ang mga titig nitong parang may pagnanasa maging si Marco ay ganun din ang nakita pero binaling lang nito ang tingin sa ibang parte. Parang may gusto siyang sabihin na hindi niya masabi sakin.
“What did you want to tell Marco?” sigaw ng utak ko.
“Siya nga pala, Kaano-ano mo si Wilmer Javier?” tanong ni Manuel Cruz sa seksretarya “Si Wilmer javier, hindi ba't siya yong dating Deputy kaya lang namatay sa heart attact?” enteresadong tanong ni Leon Ledezma step dad ni Grace. Nakita kong ngumisi ang sekretarya sa congressman bago ito magsalita.
“Pamangkin niya po ako, pero tinuring niya akong parang anak dahil di naman po sila nagkaanak ni Auntie Zenaida.” magalang nitong sagot.
“Wala na ba kayong itatatanong sa dalaga? Baka gusto niyong magdagdag?” pagpuputol ni Lolo, napatikhim naman ang ilan at nagkunwaring busy sa pagtingin sa mga papel na nasa harapan nila.“You can sit at the back hija, mukhang kailangan ka ni Marco para sa minutes.” saad ni Lolo na tinugunan naman ng sekretarya. Pakiramdam ko, kilala ko talaga siya.
_ _ _
“Pinatawag ko kayong lahat ngayon para pag usapan ang kinikita ng negosyo.” panimula ni Lolo “Sisimulan ko sa bagong Deputy, Narciso Baltazar kumusta ang paghawak sa site? Balita ko nagpadagdag ka ng bagong materials para ma concreate ng maayos ang condominiums na nasa Cavite.” tanong ni Lolo, si Narciso Baltazar ay isang handler ng site at nabalitang siya ang nakakita sa pagkamatay ng dating Deputy na si Welmer at dahil siya ang kanang kamay ni Welmer, siya ang ipinalit ni Lolo sa pwesto.
BINABASA MO ANG
GIRL BEHIND THE MASK
Adventure"GIRL BEHIND THE MASK" (MY HANDSOME LOVER) -Isang bilyonarya ang magpapanggap bilang isang ordinaryong tao at magtatago sa likod ng maskara bilang isang nerd na sekretarya ng isang CEO. Pagkakatiwalaan ni Kean si Mady dahil buong akala niya inosente...