Chapter 84:Complicated

53 2 0
                                    

Mady pov:

“Ay naku besh, ganito ba dapat ang suot natin?” di mapakaling tanong ni Cicil habang papunta kami sa area ni Floyd although may cardigan kami pero pag tinanggal na ito makikita ang totoong suot namin ngayong gabi. Nakasuot kami ng silver na bra at panty tapos may tali sa gitna para mag konek sa suot na bra at panty, tapos yong boots namin silver din may ribbon na puti sa leeg namin na ginawang kwentas at gloves na hanggang siko ang haba. Naka eyemask kami, pero mamaya pa namin yon susuotin pag nasiguro n naming hawak nila Floyd ang mga babaeng papalitan namin. Kailangan namin silang hawakan para makapitan namin ng malaya ang Congressman. Kaya exposed ang mga katawan namin ngayon. Lalo na si Cicil na malaki ang hinaharap. Medyo malaman ang katawan nito, mala Kim Dominggo ang katawan  nito, si Lavander naman maganda rin ang katawan nito. Sexy din kaso di gaanong malaki ang hinaharap parang kasing sexy niya si Sam pinto. While me? Di naman sa nagmamayabang, mala darna naman ang ganda ng katawan ko kahit papano. Hindi lang talaga ako ganon kataas. Sa tulong ng work out nung mawala si Ate kinailangan kong i-maintain na maging maganda ang katawan ko para mapanatili ang ganda nito at magamit sa mga kalaban. “Parang di ako makagalaw ng maayos. Diko alam kong kaya ko to” tila nangangating sabi ni Cicil “Huwag ka ngang maarte diyan. Feeling ko nga, nasa Charles angel. Masyadong maganda ang mission na to para sakin.” sabat ni Sydney. “Tingin mo?” parang biglang mawala ang pagkaereta ni Cicil sa suot, panay kasi ang pag uusap nila mukhang nagkasundo agad sila. Si Cicil kasi kalog talaga minsan walang utak kausap pero mapagmahal pa siya sa mapagmahal kaya ayaw kong nagmamahal siya baka di nya kayanin pag nasaktan siya samantalang medyo boyish at shy type si Lavander pero madaldal ito pag nagustuhan niya ang ugali. Masyado kasi itong pihikan at mapili sa kausap.

“Hello, Orage Cocktail ano na balita diyan?” i talk to him habang nilalandas ang daan papunta sa direksyon nila Floyd “I saw Red Chimni, kaalis palang. May mga bago silang recruit at nakita ko ring nakabuntot sa kanila si White empty, tingin mo ba boss mapagkakatiwalaan siya?” napahinto ako sa narinig saka ko pinatay ang tawag dahilan para mabunggo sila si Cicil sa likuran ko dahil nasa unahan nila ako. “Anong problema?” gulat na tanong ni Lavander “Si white empty, talagang sinusbukan niya ako.” gigil kong sabi. Inagaw naman ni Sydney ang cellphone ko saka tinignan sa call history kong sino ang huli kong nakausap. “Anong binalita ni Millan sayo?” may bahid ng takot na tanong nito “Oras na para tawagin mo si Golden Eagle at papagharapin sila ngayon ni White empty.” namutla bigla si Sydney sa narinig “Teka, Blue Lady anong ibig mong sabihin?” “Mukhang si Mateo ang magpapatino sa kanya para bumalik siya sakin.” seryosong saad ko “Teka, paano kong ayaw ng bagong Vice president?” hinarap ko ito “Si millan ba ang inaalala mo? Paano naman ang mga tauhan ko? Isantabi niyo muna ang issue niyo. Isipin mong kaparehas ng sitwasyon mo sa naging sitwasyon ko. Lucky kalang na nakatagpo ka ng gaya ni Millan. Kumakapit kasi si Lavinia o white empty kay Red Chimni dahil iniisip niya na hawak nito si Golden Eagle wala siyang alam na matagal ng nagpakita si Mateo sakin at nagmamakaawang tanggapin siya dahil gusto niyang iligtas si White empty.” napaisip ito “Kung ganon, delikado ang buhay ni White empty?” tumango ako. “Ikaw at si Orange cocktail mismo ang kukumbinsi sa kanila. Gagawin niyo ang utos ko alang-alang sa organisasyong pinabayaan niyong pabagsakin ni Red Chimni.” matapos kong sabihin yon nauna na akong lumakad.

_ _ _

Other person:

Nasa venue na ako ng event dahil birthday ng step dad ni Grace ngayon ng makita ko ang isang familiar na tao sa di kalayuan. Kahit malayo palang siya alam kong siya yon at hindi nga ako nagkamali. “Bakit crew ka ngayon?” walang anu-anong tanong ni Grace “Wala akong panahong makipag-plastikan sayo kahit anak kaman ng uncle ko, huwag kang umastang parang clossed tayo.” “Ay wow, ang suplado mo naman ata. Ikaw na nga itong kinakausap ng maayos ganyan ka pa? What a cheap service crew?” tumawa pa ito na sinabayan pa ng iba “Kung anong ginagawa ko, ginusto ko to” matapos kong sabihin yon tinalikuran ko na ito. Lumabas muna ako para magpahangin ng makita ang imahe ni White empty na nasa harapan ko na. “Isang taon na ang nagdaan, dimo parin ba ako napapatawad?” may bahid ng lungkot na sabi nito “Sa tingin mo ba ganun lang kadali yon? Malapit na tayong ikasal Lavinia, saka ko lang malalaman na may relasyon pala kayo ni Golden Eagle na itinuring ko pang isang matalik na kaibigan.” may bahid ng pait na sagot ko “Alam kong nagkamali ako, pero matagal ko ng pinagsisihan yon. Hanggang ngayon pinarurusahan ako. Dahil hindi ko pa mahanap si Golden Eagle.” nakaramdam ako ng awa nung mag iba bigla ang tuno ng boses nito. “Bakit nasa panig ka parin nila Red Chimni? Eh diba siya ang ang nagpadukot kay Golden Eagle para takutin ka at pumanig sa kanya?” hindi ito makatingin ng diretso at nanatiling nakayuko. “Ginawa ko yon dahil promised ni Red Chimni na ipapakita niya ulit sakin si Mateo.” “At naniwala ka naman? Tingin mo ba tutupad siya sa usapan niyo? Kapali ng pag sspiya mo kay Blue Lady? Naisip mo ba na kapag nalaman ni Blue lady ang ginagawa mo bubuhayin ka pa niya?” hindi ito nagsalita “Bamalik kana bago ka pa isama sa mga listahan ng mga taong babalikan ni Blue lady. Kung hindi man siya ang gagawa nun 100% sure akong ang Uncle Roi niya ang gagawa ng mga hakbang na hindi kayang gawin ni Blue Lady. Kaya kang ipaligpit ni Blue lady ng walang ibang nakakalam.” umiyak lang ito “At kung mayron mang makaalam na gagawan agad nila ng paaran. Kahit mga prosecutor, attorney, pulis kaya nilang mabayaran buhay mo pa kaya?” mas lalo itong nalungkot “Kakapalan ko na ang mukha ko.” nag aalangang sabi nito “Alam kong diko dapat sayo sinasabi to pero nagmamakaawa akong tulungan mo akong mahanap siya. Alam kong matutulungan mo ako, pag kakaalam ko kasi may alam ang pinsan mong si Katherine na step sister ni Red Chimni kung nasaan si Mateo.” napabuntong hininga nalang ako “Talagang minahal mo siya nuh?” walang emosyong tanong ko “Sorry, hindi ko naman sinasadyang mahalin siya ng sobra. Alam ko kung gaano kalaki ang naging kasalanan ko sayo lalo na kay Sydney. Inagaw ko sa kanya ang lalakeng pinakamamahal niya.” napangiti ako sa narinig pero may bahid ng pait parin. “Alam mo bang nagpapasalamat akong niluko mo ako at inagawan mo ng boyfriend si Sydney.” napatitig ito sakin na may halong pagtataka “Dahil kong hindi niyo nagawa yon, baka hindi ko nakikita ang isang tulad ni Sydney. Dati kasi wala akong ibang nakikita kundi ikaw lang. Pero nung nakilala ko siya, ibang saya yong naramdaman ko sa piling niya mas sumaya pa ako lalo.” tumulo na ang luha nito “Sorry, naiyak na ako. Alam mo bang masaya akong narinig yan mula sayo. Buong akala ko naging miserable ang buhay mo gaya nung nangyari kina Blue lady at Red Chimni na umabot sa paghihiganti ang lahat dahil sa pagtataksil ng mga taong labis niyang pinagkatiwalaan.” napaisip ako sa sinabi nito “Aaminin kong, hanggang ngayon may puwang ka parin sa buhay ko. Umaasa kasi akong magiging okay pa tayo pero ngayong nakausap na kita naging malinaw na sakin ang lahat. Yong puwang na sinasabi ko forgiveness paka yon at hindi na pagmamahal.” sunod-sunod kong nakitang dumaloy ang mga luha sa mga mata nito. “Dati ginusto kong pahirapan kayo gaya ng ginagawa ni Blue lady pero naisip ko may pagkukulang din ako kung bakit nawala ka sa piling ko.” “Kung sakaling hindi ako nakagawa ng kasalanan tayo pa kaya hanggang ngayon?” napaihip ako sa hangin sa tumingin sa kawalan “Di natin hawak ang future, kung hindi tayo hindi magiging tayo. Kasi kong dika nakagawa ng pagkakamali baka ako ang nakagawa. Matagal ko ng gusto si Blue lady pero masyadong mahirap siyang maabot.” “Alam ko naman yon, halos lahat ata ng lalake gusto siya. Pero lagi niyang sinasabi na kung sino ang makakatalo sa kanya sa karate o judo siyang papasa pero ni minsan wala pang nakatalo sa kanya kaya siguro hanggang ngayon di pa siya nagkakarelasyon ulit.” ilang sandaling nanatili ang katahimikan nung mag vibrate ang cellphone ko. Isang mensahe ang natanggap ko mula kay Blue lady about Golden Eagle. Napatingin ako sa direksyon ni White empty “Lavinia, gusto mo bang tulungan kita? Hahanapin ko siya para sayo pero maging spiya ka kay Red Chimni wag ka ring magpapahalata  nasa panig niya lahat ng bihasa sa pakikipag away lalo na ang paghawak sa baril kaya hangga't maari mag iingat ka. Magkikita kayo ulit. Tulungan mo muna ako sa nais ko hanggang sa bumalik muli ang tiwala ni Blue lady sayo.” hindi ako nakarinig ng anumang salita mula rito malamang iniisip nito ang mga sinabi ko.

Well, dapat lang mahirap na kalaban si Blue lady kaya niyang wasakin ang mundo mo ngayon pa ba na determinado siyang pabagsakin ang mga taong tumatraydor sa kanya.

_ _ _

.
Update:

After ng mission niya balik tambalan ulit sila ng boss niyang yummy na si Kean kaya tutok lang besh para updated sa mga kaganapan.

Salamwach😘

GIRL BEHIND THE MASKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon