Chapter 83:Find ways

40 2 0
                                    

Mady pov:

"Come in" manghang nilibot nila kuya Richard at Floyd ang bahay ko "Basho o kakuho shi, kyokanaku dare mo tachiiranaide kudasai. Rikai suru?" (Secured the place, don't let anyone come in without my permission. Understand?) utos ko "Koppībosu" (Coppy boss) sagot ni Karashi "Anata wa ima iku koto ga dekimasu, arigatō!" (you can go now, thank you!), dagdag ko pa kay Semon at karashi bago tuluyang isinara ang pintuan at hinarap ang mga bisita.

"So, anong iu-update mo?" tanong ko kay Floyd, pinaupo ko na sila "Besh, nagugut-tom...kuya." mabilis na lumundag si Cicil sa pag upo katabi ni Kuya Richard saka nagsumiksik sa braso ng kapatid. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Kuya Richard "Ey, ikaw anong ginagawa mo dito?" balik na tanong nito sa kapatid. Nakatingin lang kami ni Floyd sa dalawa "Alam mo ba kuya, ang laki ng kwarto ni Beshy, tapos may malaking machine don sa loob, may nakalagay na sources ata...ah basta parang ganun. Diko alam kong para saan yon eh." madaldal na kwento nito sa kapatid. Natigil lang ang pagkkwento nito nung may mag doorbell. Kinuha ko ang remote saka binuksan ang entercom "Who the hell are you?" supladang tanong ko, napatingin silang lahat sakin, nagtaka ata sila bakit bigla akong nagsalita "Anata wa tabemono no bosu o tsukamaemasu ka? Soto no dareka, kare wa anata ga tabemono o chūmon suru to iimashita ka? Kare o irerubekidesu ka?" (You grab food boss? Someone outside, he said you order the food? Should i let him in?) "Hala ano yon? May Alien ba dito beshy?" gulat na tanong ni Cicil habang nagsusumiksik sa braso ng kapatid nung umalingawngaw sa paligid ang boses ni Semon.

Natawa naman kami ni Floyd sa naging reaction nito, para kasi itong takot na bata si Kuya Richard tinutulak siya palayo na mas lalo naman itong nagsusumiksik. "Anata mo taberunara, kare o-chū ni irete kudasai." (Let him in, should you eat too.) sagot ko saka ko hinila si Cicil para utusan na buksan ng pintuan. Pabagsak akong umupo sa tabi ni Floyd.

"Ako talaga besh? Diba sila nangangain?" inosenteng tanong nito nung makatayo "Depende, kung type ka nila." pabirong sabi ko, namutla naman ito at tila ayaw ng umalis sa kinatatayuan "Puntahan mo na, gutom kana diba?" panunudyo naman ng kapatid niya "Ayaw ko" parang batang nagmamaktol ito "Sige na, pag pinag antay mo si Semon, kakainin ka talaga nito ng buhay." taranta naman itong nagtungo ng pintuan para kunin ang pagkaen "annyeonghaseyo! gamsahabnida!" (Hello! Thank you!) pare-pareho kaming napalingon sa direksyon ni Cicil ng magsalita ng korean kay Semon na magkasalubong naman ang kilay habang pinagmamasdan ito.

"Mukhang hindi sila nagkaintindihan." natatawang sabi ko, si Kuya Richard namula bigla parang nahihiya na iwan samantalang si Floyd nakangiti lang na parang tuwang-tuwa habang pinagmamasdan ang reaction ni Cicil.

Ngingiti-ngiting bumalik si Cicil samin "Nag korean ka?" untag ni Floyd "Oo, para maintindihan ako nila, anong tingin nila sila lang ang marunong? Hmm...akala lang nila yon, di nila ako maluluko nuh' ako pa ba?" feeling ko humaba bigla ang panga ko sa narinig na sagot nito. Proud pa talaga siyang hindi naman silan nagkaintindihan nun! Baliw talaga tong babaeng to kahit kailan.

"Ay, di niyo ba ako tatanungin pano ako nakapag Korean?" masiglang tanong nito, nung hindi siya makatanggap ng sagot mula samin, siya na mismo ang sumagot "Nalaman ko yon sa pinapanood kung Movie ni Park min young eh. Diba ang galing ko, sa palabas nila ni Lee min ho yong City Hunter ba yon? Oo tama yon nga." tila proud pa niyang sagot. Sanadaling katahimikan bago kami nagtawanan na ikinagulat niya. "Buti nalang marunong ako sa salita ni Semon" napapakamot batok na sabat ni Kuya Richard "Ba't kayo tumawa?" takang tanong niya "Bakit hindi? Nag korean ka eh mas lalong hindi kayo nagkaintindihan ni Semon." natatawang sabat naman ni Floyd "Bakit hindi? Eh diba ganon din sila mag salita?" pakikipagbangayan nito "Eh japanese yon tapos nag korean ka? Tingin mo ba nagkaintindihan na kayo? Buploks lang." gigil na nilapag ni Cicil ang pagkaen saka binatukan si Floyd na tawang-tawa parin. Kahit kami ni Kuya Richard nakikisabay narin sa tawa ni Floyd na mas lalong ikinainis ni Cicil.

GIRL BEHIND THE MASKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon