Chapter 114: Broken heart

34 2 2
                                    

Kean pov:

“Bakit mo naman kasi ginawa yon Mady Lean?” inis na tanong ni Rebecca “Dahil pinaiyak niya kayo” maangas na sagot ni Mady “Fuck! Tinanong mo ba kung bakit siya umiyak? Hindi yong basta ka nalang nanapak” gigil na singit “Oo nga naman Mady, hindi ka dapat nanapak agad ng walang matibay na ebidensya at matinong dahilan” pagsang-ayon ni Rebecca sakin.

“Eh bakit ho ba kayo umiiyak? Dahil ba hiniwalayan kana ni sir? Bakit hinahayaan mong saktan ka niya? Matuto ka namang lumaban at ipagyanggol ang sarili mo ma'am. Hindi yong iiyak ka nalang.” dire-diretsong sagot nito. “Teka, what did you say? Hiniwalayan ko siya?” paglilinaw ko “Oo, hiniwalayan mo siya. Gusto mo pa bang ulitin ko pa?” matapang na sagot niya sakin.

“Ano bang kalukuhang pinagsasabi mo? Are you out of your mind? Paano ko siya hihiwalayan, hindi naman naging kami.” paliwanag ko “Ganyan naman kayong mga lalake, pag nakuha niyo na ang gusto niyo saka niyo ipagdidiinang walang namagitan sa inyo. Pare-pareho lang kayo mga manluluko.” sunggab nito saka ako mariing tinitigan sa mata as in sobrang lapit na ng mukha nito sa mukha ko.

Kunting galaw nalang, maari ng magpalit ang mga mukha namin. At hindi pwedeng mangyari yon, “You crazy, bitch!” iritang sabat ko “You punch me, tingin mo ba palalampasin ko ang ginawa mo to? I will never fired you dahil pag ginawa ko yon hindi na ako makakaganti sa ginawa mo. Pero sisiguraduhin kong mas masakit pa ang mararamdaman mo sa sapak na ipinagkaloob mo sakin.” saka ako dumistansya dito.

“Palibhasa hindi mo nararamdaman yong sakit na nararamdam ko ngayon. Hindi mo alam kong gaano ako nasasaktan satwing umiiwas ako sa taong mahal ko at pinagtutukakan niya ako palayo sa kanya.” bigla nalang itong umiyak.

Ano bang problema ng mga babaeng to? Bakit sila umiiyak sa harapan ko ngayon?

Hui panget, huwag kang magdrama sa harapan mo ngayon. Kung broken hearted ka hindi ko na kasalanan yon. Dun ka magdrama sa taong nanakit sayo wag sakin. Siraulo!” angil ko “Ayaw ko lang naman na may nasasaktan, alam ko yong pakiramdam na iwanan ka ng taong mahal mo at kahit anong gawin mo malabong maging kayo sa huli.” protesta nito.

“Hindi ako nag dadrama, alam ko kung anong mga lumalabas sa bibig ko. Kung hindi mo yon maramdaman problema mo na yon? Wala ka kasing alam, tinitiis ko lahat. Kailangan kong isantabi ang pu**ng inang pagmamahal kong to para lang hindi niya ako tuluyan layuan. Alam mo kung anong masakit?” napatitig ako sa kanya. Hindi ko alam kong bakit nasasaktan ako satwing nakikita itong umiiyak.

“Masakit mabaliwala, pero mas masakit ang mahalin mo siya kahit alam mo sa sariling may mahal na siyang iba. Naiinitindihan mo na ako ako? Nagmahal lang naman ako ng gagong tulad niya, tulad niya na inakala kong kaya akong mahalin at ipaglaban. Pero sa nakikita ko ngayon, malinaw na sakin ang lahat. Malabong mahalin niya ako.” nagpunas na ito ng luha pero nakatitig lang ito sakin na parang sa akin niya sinasabi ang lahat ng yon.

Hindi ko alam kong bakit sa mga sandaling to, hindi ko na naramdaman ang sakit ng pagsapak at pagsipa niya sa mukha ko. Wala akong ibang gustong gawin kundi ang ang yakapin sana ito pero may pumipigil sa akin na wag kong gawin yon.

“Mady, may gusto ka ba kay Kean?” pareho kaming napatanga sa sinabi ni Rebecca. Yong pakiramdam na ang bilis bigla ng tibok ng puso ko. Naeexcite akong sabihin niyang ang totoo pero natatakot akong malamang mali ang iniisip ko.
Ilang segundo niya akong tinitigan sa mata ng hindi manlang kumukurap bago siya ulit magsalita ng hindi manlang bumabaling sa ibang paningin “Kung sabihin kong mahal ko siya may magbabago ba?” matapos niya itong sabihin, pakiramdam ko matutunaw ako mula sa kinatatayuan ko.

Tama ba ang narinig ko?
Gusto ako ng panget na sekretarya ko? Pero bakit hindi ako nagalit? Bakit pakiramdam ko masaya akong nalaman yon. Bakit pakiramdam ko matagal ko na dapat na tinanong yon mula sa kanya.


Mady...” yon nalang ang tanging lumabas sa mga bibig namin ni Rebecca nung makita itong kumaripas ng takbo palabas ng opisina ko. “Naguguluhan ako, what's wrong with her? Ano bang problema niya? Bakit siya nagwawala ng ganon? At ano yong sinabi niya, she likes me tama ba?” sunod-sunod na tanong ko nung humarap ako kay Rebecca. “Bakit nasasaktan akong makita siyang nagkakaganon?” dagdag ko pa.

“Masasaktan ka talaga, dahil hindi mo ugaling nanakikitang may nasasaktan. Alam ko yon dahil ganon ka rin sakin. Once i had a problem parang mas problemado ka pa kaysa sakin. Parang gusto mong saluhin ang problemang dala ko.” paliwanag na sabi ni Rebecca.
“Pero nakit namumuo ang galit at pighating nararamdam niya sa kaibuturan ng kaluluwa ko na para bang iisang tao lang kami. Bakit parang may tumatatak sa utak ko na siya yong babaeng matagal ko ng hinahanap at gusto kong makasama habang buhay? Ang weird” naguguluhang sabi ko.

“Yum, maybe its normal. Sa mga sinabi ni Mady Lean parang tumagos rin sa puso ko. Yong bigat na dinadala at sakit na nararamdaman niya ramdam ko yon yum. At naawa ako para sa kanya.” sagot nito.
“This stranger's feelings fucking killing me.” kumawala ako ng malalim na buntong hininga bago ako tuluyang bumalik sa upuan ko at sinandal ang ulo habang tumatakbo sa isipan akong hitsura ni Mady Lean na sobrang nasasaktan.

Bakit nasasaktan din ako?

.

.

Mady pov:

Ano bang ginagawa ko? Bakit ako nagkakaganito? Ano namang pakialam ko kung maghiwalay sila, at kung may relasyon ba sila? Bakit pa ba ako nangialam? Bakit ko sinabi ang mga yon?

Ang dami kong tanong sa sarili habang tumatakbo ako palabas ng opisina nito.
Akala ko kaya kong makita siyang may kasamang iba maliban kay Grace pero hindi ko pala kaya. Nasasaktan ako ng sobra, pakiramdam ko gusto ko ng pumatay dahil sa sobrang sama ng loob ng makita itong kayakap si Rebecca.

Hindi ko na kaya to, paano ko ba pipigilan ang put**g inang nararandaman ko para sa kanya?” tumakbo lang habang panay ang pagdaloy ng mga luha sa mata ko. Wala na akong pakialam sa mga taong nakakasalubong ko sa daan, ang gusto ko lang gawin ay makalayo sa lugar na to. Kung saan malayo sa kanya, at hindi ko alam kong saan ako dapat pumunta?
Ang gusto ko lang gawin sa ngayon ay ang pagsisihan ang mga nagawang pagkakamali.

Nahihiya ako sa ginawa ko, hindi ko alam kong tama bang sinabi ko ang lahat ng yon sa kanya? Ang tanga-tanga ko.....


.

_ _ _

.

Update:

Feedback naman diyan.
Para naman alam ko if nagustuhan niya ang part na to o hindi?

Salamwach😘😘


GIRL BEHIND THE MASKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon