Mady pov:
Tahimik lang ako habang nasa biyahe, nasa likuran ng sasakyan si sir kean may kausap ito sa celphone. Mukhang masaya sya !
Ibinaling ko nalang ang paningin sa labas, bakit pakiramdam ko naninikip ang dibdib ko? May sakit na ba ako sa puso? Shit, wag naman sana.
"Ms. Mady, pwede ko bang malaman kong saan ka nakatira?" tanong ng dryber na ikinalingon ko. "Bakit naman ho manong?"kunot noong tanong ko.
Dapat si sir ang nagtatanong niyan hindi ikaw! Kainis !
"Wala lang gusto ko lang malaman, para alam ko din kung saan ka pupuntahan sakaling dumalaw ako para bisitahin ka!" kinikilig pa siya hu? Kadire .... Kahit naman ganito ako may taste naman ako manong nuh.
"Manong talaga..." sita ko habang pilit na nginingitian ito kahit halatang plastic "Sus, wag mo na akong tawaging manong di naman nagkakalayo agwat ng edad natin!" masiglang sabat nito.
Edi wow !
Napaismid ako, tapos nung magtama paningin namin ni manong pilit ko parin itong nginitian para lang di nya ising...Ang feeling ko namn.....
Like who? I dunno know, ang alam ko lang nasusuka ako sa pagmumukha ng lalakeng to. Ang tanda tanda na kumakarengkeng pa. Sarap sapakin!
Batukan ko na kaya ng makita nya hinahanap nya. May respeto naman ako sana lang wag niya akong subukan baka makalimutan kong mas matanda pala siya sakin.
Hayop lang ee !
Mabilis namin narating ang japanese restaurant na venue para sa meeting nila sir kean at Mr. Mercado. Bumaba na si sir habang hinahang up ang tawag nakabuntot naman ako dito.
Habang bitbit ang mga gamit nito. Sa dami ba namang gamit na bitbit ko halos maibagsak ko na. Feeling ko nangangalay na ako lahat ata ng gamit sa office nito dinala ee.
Hanep !walang puso.
"Oh...my...leave that papers ano ka ba. Yong laptop at record book lang dalhin mo"pabulyaw na sabi nito. Hanoo ba yan kong sana kanina pa niya sinabi di sana ako nag mumukhang ewan ngayon.
Ang bigat bigat kaya nito. Kung sana lang sinabi niya kanina, kaso hindi ee kung kailan nakapasok na kami saka niya ako pagsasabihan. Ang layo kaya ng parking lot mula dito.
Buwisit lang !
Lagi ba nyang gagawin sakin yan? Tao ako hindi robot. Sarap ibagsak ng mga gamit na to saka ihampas sa pagmumukha niya ang laptop ng matauhan naman.
"Ako na ho sir ang bahalang magbalik ng mga gamit na to!" napalingon kaming pareho sa nagsalita si manong dryber pala "Kanina ka pa po ba diyan?" takang tanong ko.
"Oo ms. Beauty!" sabay kindat. Luh' anyre sa mata niya ? Buti naman sumunod ito kundi naibangsak ko na ng tuluyan ang mga gamit na to sobrang bigat kaya.
"Salamat! Parang mababali na tong katawan ko sa bigat nitong dala ko" angal ko pagkatapos kong iabot kay manong ng mga dalang gamit nag unat ako ng kamay.
Ang sakit .... Streched muna !
"Are u done?" napatingin ako kay sir na sinuot ang shades na mukhang nag eenjoy pa na makita akong nahihirapan. Hayop talaga!
"Here bring this one!" sabay hagis ng dala nitong clutch bag sakin. Medyo mabigat kaya diko na balance tumama kasi sa mukha ko. Buti nalang di nalaglag. Mukhang mahalaga ang laman nito.
Bastus talaga !
Nakapasok na kami ng restaurant pabagsak akong umupo. Sobrang sakit ng katawan ko. Parang lahat ng sakit ng katawan ko ngayon ko lang naramdaman halos di na ako nagpapahinga dahil kailngan.
Bryan Casfer magpakita kana nang matapos na to!
"Wow makaupo parang isang taon kang pinahirapan. Pagod na pagod lang?" puna ng magaling kong boss. Diko to pinansin bagkus ay ipinatong ko pa ang dalawang paa sa isang upuan.
Napatitig lang ito sakin habang dipa umuupo. Arte lang! Bahala ka sa buhay mo.
"Nagugutom kana b?" napaawang ako sa tanong nito. Parang ang sweet ng pagkakatanong niya. Tumango lang ako pero di maitago ang kalam ng sikmura ko.
Biglang humilab. Kakahiya !
Natawa ito saka ako hinila patayo "S-sir saan mo ba ako dadalhin?" reklamo ko pero dina ako nito pinansin. Magkahawak kamay kami habang bitbit niya ang bag na dala ko kanina.
Easy lang sa kanya ang pagdadala ng gamit samantalang hirao na hirap akong bitbitin yon kanina. Parang any moment mababali na katawan ko. Pero awkward ng feelings ko ngayon hawak niya kamay ko.
Nakakahiya, ang lambot ng kamay nito. Halatang walang ginagawa. Gusto kong tanggalin kamay ko kaso mahigpit ng pagkakahawak niya.
Ene be... Kinikilig ako parang nawala lahat ng sakit ng katawan ko.
BINABASA MO ANG
GIRL BEHIND THE MASK
Adventure"GIRL BEHIND THE MASK" (MY HANDSOME LOVER) -Isang bilyonarya ang magpapanggap bilang isang ordinaryong tao at magtatago sa likod ng maskara bilang isang nerd na sekretarya ng isang CEO. Pagkakatiwalaan ni Kean si Mady dahil buong akala niya inosente...