Chapter 119: Sympathy

48 3 1
                                    

Other person:
(Still Bryan Casfer pov):

.

Almost 2years din na naging kami, hanggang sa nabalitaan kong si Kean Patrick na pala ang tatanghalin bilang CEO ng empire at soon to be a young president. Nag-uumapaw na biyaya para sa kanya, samantalang doble-doble naman ang kamalasang nangyayari sa buhay ko. Sobrang sakit, mas malala pa pag iniwan ka ng milyon-milyong babae. Lahat na ginawa ko na, nilaan ko na oras, pagmamahal, atensyon halos wala na akong tinira sa sarili tapos malalaman kong ichapwera lang pala ako sa empire namin. Wala ng mas sasakit pa, dahil pinangkuan ako ni Lolo na ako ang magiging bagong CEO kaya umasa naman ako. Ginugol ko at inubos ko lahat ng mayron ako para a empire kaya nakaka-dissapoint ng sobra. Lahat ng oras ko nilaan ko na while si Kean na walang ibang ginawa kundi ang magpakasasa lang ng masarap na buhay sa abroad tapos siya pa talaga tanghalin.
Damn! Parang nililigawan lang ah' antagal mong naghintay at nanligaw tapos sa huli ma f-friendzone kalang pala? My goodness na buhay to, pati babaeng mahal ko hindi ko na halos mabigyan ng oras, madalas napagbubutungan ko pa siya ng galit. Hanep na buhay, pakiramdam ko tuloy, wala talaga akong silbi sa pamilya namin. Kaya madalas sinasabi nilang malas ako sa angkan namin. Lagi naman akong walang silbi, lahat ng pagkakamali ko bilang na bilang nila pero yong mga tamang nagawa ko never nilang napansin yon. Pinamumukha nilang ako lang ang walang mararating sa buhay, walang matinong trabaho, never pagkatiwalaan para humawak sa business, malala pa sa lahat ako lang ata ang nag-iisip na may halaga ang effort ko sa kanila? Pambihira ganon na ba talaga ako ka gago sa paningin nila? On my college life maybe yes! Pero hindi na ngayon at kaya kong patunayang may pakinabang ako, isang araw magiging proud din sila sa akin, hindi lang puro Kean lang ang nakikita nila.

.

Natigilan ako nung mapansin tumutunog ang cellphone ko, nakailang tawag na pala si Kris Chinei. Hindi ko na sinagot pa, kakatapos ko lang maglabas ng sama ng loob at hindi pa humuhupa ang galit na nararamdaman ko at ayaw kong pagbuntungan na naman siya ng galit dahil lang sa kapalpakan ko. Parang pinatunayan ko lang lalo na wala akong kwentang tao.

Mabilis ko ng pinatakbo ang sasakyan, wala ako sa sariling tinatahak ang daan papasok ng condo unit ko. Bagsak ang balikat ko habang binubuksan ang unit, nagulat pa ako pagkapasok nakita ko ang imahe ng kilalang tao na mukhang matagal na hinihintay ang presensya ko. “Kris–” “Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?” tampong tanong nito “Hu? Ahm, busy lang kaya hindi ko napansing tumatawag ka pala.” pagdadahilan ko. “Okay lang, ang importante nakarating kang ligtas.” lumapit ito sa akin saka tinanggal ang necktie na suot ko.

“Ahm babe, may sasabihin sana ako sayong mahalagang bagay.” halos matunaw ako sa kinatatayuan ng makita ang reaction nito. Gusto ko sanang sabihin sa kanya ang nabalitaan ko pero masyado siyang masaya ngayon. Hindi ko ata kayang sabihin sa kanya ng diritso, nakaka kunsensiya. She expecting what i have expecting din na ako na ang magiging CEO gaya ng ipinangako sa akin ni Lolo.

Kung nadismaya ako sa narinig, malamang ganon din siya o mas higit pa ata. “Ako din, may sasabihin ako sayo babe!” masiglang sabi nito na tila excited pa ako.
Unti-unti namang nabawasan ang bigat na dinadala ko nung sumilay ang masiglang ngiti nito, nakakahawa talaga. Mas nakakagaan pa lalo ng loob ng dumugin niya ako ng halik sa pisngi na parang isang bata. “What is that babe?” excited na tanong ko na ikinatigil nito, we toosed our nose tapos smack in kiss.

Sinaklay niya ang mga braso niya sa may leeg ko, kaya naman hinapit ko siya sa beywang para mas magkalapit pa lalo ang mga katawan namin. “Mukhang goodnews yan ah' tell me para naman mabawasan ang stress ko.” i said calmly.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko saka niya hinarap sa mukha ko na may kakaibang reaction habang ang mga kamay ko nanatiling nakayakap sa beywang niya. “Huwag kang mabibigla hu?” magpipigil na hindi siya mapatili. “O-kay, let me guess first? Ahm, na promote ka ulit?” nakangiting tanong ko, umiling ito na tila nahihiya pa “Eh ano?” natawa ito ng mahina habang inuunat ng noo kong nagusot.

GIRL BEHIND THE MASKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon