Bryan pov still:
Dati, iniisip ko lang na baka ibang tao lang ang nakikita ko o di kaya'y may iba pa siyang kasama sa bahay niya. Sa tagal ng pagmamanman at pagsubaybay ko sa kanya, naging malinaw na sa akin ang lahat.
Malinaw sa akin, na siya talaga si Kris Chinei dahil nakita ko siyang lumalabas at pumapasok sa iisang bahay na tinutuluyan nya noon at hanggang ngayon.Bawat galaw niya, kilos, at maging pananalita niya ay kopyang-kopya ang babaeng mahal ko. Hindi lang malinaw sa akin, kung bakit kailangan niyang baguhin ang style ng pananamit maging ang hitsura niya? Habang tumatagal, nagkakaroon na nang kasagutan ang mga tanong ko.
On my own survey, napag-alaman kong kinailangan niyang gumamit o gamitin ang identity ng ibang tao para makaiwas sa kamay ng malupit kong lolo.
Dahil yong sa pagtangka sa kanya ni lolo kaya kinailangan niyang magsuot ng ganyang klasi ng damit kahit wala sa style nya ang ganyang porma.
Ilang beses ng pinagtangkaan ang buhay niya ni Lolo at wala manlang akong nagawa para sa kanya. Ni hindi ko manlang siya nagawang ipagtanggol laban sa malupit at masama kong lolo na labis kong tinitingal noon pero hindi na ngayon.Alam kong hindi naging maganda ang trato ng lolo ko sa kanya noon, lalo na nung malaman niyang anak ito ng pinakamatindi niyang kalaban sa negosyo noon na balak maging goverment servant at balak sanang tumakbo bilang gobernador pero hinadlangan ni lolo ang ambisyon ng ama nito.
Nung malaman ni Lolo na kasali ako sa organisasyong sila ang tumayo noon at binuo ng angkan nila Kris, sapilitan niya akong pinaalis. Sa takot ko na muli niyang guguluhin si Kris pumayag nalang ako kahit pa ang kapalit nun ay ang pagsasakrispisyo ang tuluyan siyang layuan.
Hanggang sa isang araw, nabalitaan kong hindi pala sa akin ipapaman ang posisyong ninanais ko sa kumpanya. Ang maging isang ganap na CEO na ngayon hawak na ng paborito nitong apo na si Kean Patrick.
Sa huli ako parin ang naging talo, ginamit lang pala ako ng lolo ko sa mga panahong wala si Kean at kailangan ng kinakatawan nito. My lolo, was a selfish greedy. Ginamit niya lang ako para maisagaw ang planong pagpapabagsak sa mga kaaway niya dahil napaibig ko ang anak ng kaaway niya. Dahil sa kanya kinailangan kong layuan ang babaeng pinaka mamahal ko na hanggang ngayon ay kinamumuhian parin ako. Kung alam lang niya kung anong isinakrapisyo ko para mahanap lang siya. Hindi niya alam kong anong mga pinagdaanan ko para lang piliin siya. Pero bakit kailangan niya akong iwasan ngayong mahanap ko na siya?Yon ang mga salitang sinabi ko sa kanya bago kami tuluyang naghiwlay matapos kong magpaliwanag sa kanya ng lahat-lahat sa coffee shop na yon . Umaasa akong bukas makalawa, mapatawad na niya ako....
I can't break my words against her dahil ako lang ang masasaktan pag sinaktan ko siya. Pinagsisisihan ko ng naging duwag ako noong kailangan niya ako sa buhay niya...
.
.
Flashbacks...
“Hi Miss, pwede bang pakikuha ng inorder ko?”mabilis naman niyang inabot sakin yong hinihingi ko “Here!” nakangiting sabi nito, suddenly my worlds stop for a moment habang inaabot niya sa akin ang order ko. Yong mga ngiting pinakawalan niya, sobrang nakakahawa. Bagay sa kanya ang nakangiti, mas lalo siyang gumaganda.
“Thanks! By the way, I'm Bry–” “Bryan Casfer right?” nakangiting paring saad nito, matapos niyang iabot ang sapatos na inorder ko “Pasensiya na po sir, nakalimutan kasing ipa-deliver. Nawala kasi yong lista ng order mo, pero don't worry may discount po yan” pakiwanag nito “Pasensiya na po talaga, ako ho kasing may kasalanan kong bakit hindi na ipa-deliver yong order niyo dahilan para kayo pa mismo ang pumunta ng personal” nahihiyang tugon nito.
“No, its okay! Sinadya kong dumaan dito bago ako dumiritso ng opisina alam mo kasi, ito at ang pinakamagandang pagkakamaling nangyari sa buhay ko” kumunot ang noo niya habang pinipirmahan ang resibo ng sapatos at inabot sa akin.
“Palpak man, pero para sa akin isa itong magandang pagkakataon” “Bakit nga ho?” tila naiilang niyang tanong. “Dahil nakilalala ko ang isang gaya mo.” “Tss. Bolero.” supladanf sabat nito saka mabilis na lumakad papasok sa tinatrabahuan nitong factory ng mga sapatos.Nahiwagaan ako sa sinabi niya, kaya mabilis ko itong hinabol papasok. Pinagtitinginan naman ako ng ilan dahil halos patakbo na ako kung maglakad para lang maabutan ko ito “Hey, teka lang. Paano mo pala nalaman ang pangalan ko?” umupo lang ito sa isang table na malapit sa stock room. Isa na siyang head supervisor, mataas na ang posisyon niya kaya ok lang na magkamali siya, at umupo nalang habang yong iba nagkakaganda gaga na kakatrabaho.
“Seryoso? Sinundan mo lang ako para tanungin kong bakit ko nalaman ang pangalan mo? Unang-una, nakalagay sa inorder mong items ang pangalan mo sir” pinilit nitong maging kalmado “Yon lang ba talaga? Bakit parang kilalang-kilala mo na ako? Sabihin mo sa akin ng diritso, nagkita na ba tayo noon?” napamura ito ng mahina bago ako hinarap “Ibang klasi, akala ko yong may mga amnesia lang ang nakakalimut. Pati rin pala ikaw?” “I'm sorry, i don't know who really you are? I don't even remember if we already had meet before?” explained i said “What the, may amnesia ka ba? Is it a prank Bryan? Sorry, makakaalis kana, wala akong oras para makipaglukuhan sayon.” saka niya nilaan ang oras sa ginagawa.
Lumapit ako sa kanya, saka ako umupo sa isang upuan. Isa itong pagawaan ng mga sapatos at yong inorder ko sa kanya, out of stock na sa binabagsakan nila kaya ako na mismo ang pumunta to see if the product is good. Yon sana ang plano ko, pero biglang siya ang nag krus ng landas ko kaya nakalimutan ko ang inuutos ni Lolo about this factory.
“Sorry miss sa isturbo, na curious lang kasi ako. Umaasta ka kasi ngayon na parang kilalang-kilala mo nga ako. I just wanna say, maybe your just mistaken. I mean, we didn't meet before i'll swear to God.” muli niya akong hinarap pero hindi na siya nakangiti.
“So, gusto mo bang ipamukhang may amnesia ka? Sinong niluluko mo?” napatanga lang ako, saka ako pasimpleng tumikhim nung mapansin kong napatingin ang ilang trabahador ng biglang tumaas ang boses nito.“Back to work?” masungit na utos niya sa lahat, bago niya ako hinarap ulit “Okay, kung ayaw mong tawagin kita sa pangalan mo sir nalang? Baka pwede na yon nuh?” i never say anything only just raising my eyebrows na mukhang nakuha naman niya kung anong pinapahiwatig ko.
“Okay, listen! Naglasing ako isang gabi dahil you know pagod sa trabaho tapos napagalitan pa ng amo. Actually, mas masakit pa yong natanggap ko kaysa sa break up eh.” nagsimula na itong magkwento tungkol sa pangyayari. “I was drunking alone, while dancing wild with my friends at nung magsawa na umupo akong muli malapit sa may counter saka sunod-sunod na uminom. Alam mo na pag may problema at gusto mong gumaan, kumakapit ka sa alak para pansamantalang makalimut” dagdag pa niya “Tahimik lang ako habang umiinom ng biglang may asungot na dumating. Actually, asungot ang tawag ko sa kanya kasi napaka epal niya, he ruin my night.” madladal nitong kwento saka muling nagsulat.
“Then?” atat kong tanong, she stop for a while saka kumawala ng malalim na buntong hininga sabay bitaw ng ballpen na hawak niya. “Haist, sabi na nga ba't ang mga gaya niyong gwapo walang matinong gagawin sa mundo. Matapos niyong makuha ang gusto niyo sa isang babae, kinakalimutan niyo nalang na parang walang nangyari? Kung sabagay, lalake ka lang naman, ok lang na magpalit ka ng babae anytime na gusuhin mo na parang isang damit lang papalit-palit.” mataray na paliwanag nito.
“Hindi sana dapat nagtitiwala ang mga babae sa mga tulad mo pero wala na eh. Nangyari na ang dapat hindi nangyari.” bigla akong napaisip sa mga sinabi nito. “Tama lang pala na pumunta ako dito.” napatitig lang ito sakin “Sabihin mong tama akong ikaw yong babaeng naka red dress nung gabing yon?” ilang sandali pa ang hinintay ko bago ito tumango “Aist sabi na nga. Sorry hindi agad kita nakilala. Pero promised hindi kita nakalimutan. Kaya nga kita sinundan para makasigurado akong tama ako eh” napaihip lang ito sa hangin “Paano ko ba naman kasi makakalimutan ang napakagandang babaeng tulad mo” “Tss. Bolero!” pambabara niya bigla.
.
.
Matapos kong makasiguradong siya yong babaeng hinahanap ko, hindi na ako nagdalawang isip na ligawan ito. Naging malapit pa kami lalo sa isa't isa. Until i admit myself na, nakuntento nalang ako sa kung anong mayron kami. Hanggang sa tuluyan na akong nahukog sa kanya. Minahal namin ang isa't isa, kaya naman tinigil ko na ang pakikipag flirting ko sa iba. I never had sex and dating to others but only her. Only Kris Chinei, the woman i really love...
_ _ _
.
Update:Nagustuhan niyo ba?
Marami pang mas intense na kaganapan.
Nakakagulat ang ending nito na talagang hindi niyo aakalain. Kaya tutok lang hanggang sa huli para walang ma miss na episode.salamwach😘
BINABASA MO ANG
GIRL BEHIND THE MASK
Adventure"GIRL BEHIND THE MASK" (MY HANDSOME LOVER) -Isang bilyonarya ang magpapanggap bilang isang ordinaryong tao at magtatago sa likod ng maskara bilang isang nerd na sekretarya ng isang CEO. Pagkakatiwalaan ni Kean si Mady dahil buong akala niya inosente...