Kean pov:
“Chum....?” pabagsak akong umupo ng makarating sa office “Where is MADY?” pabulyaw kong tanong “Ah....eh...w-wala siya.” “Ano? Talagang....tawagan mo siya, sabihin mo pinapapunta ko siya ngayon din.” mas lalong sumakit ang sentido ko kaya napaupo ako ulit “Okay, tatawagan ko siya, pero okay kalang ba?” tarantang tanong ni Rebecca “I–m fine! Just call her.” gigil na sabi ko habang nakatungok sa may mesa.
Palabas na ito ng muling bumalik “I forgot, may sakit pala si Mady kaya hindi siya nakapasok.” “Ano? Bakit, dimo agad sinabi?” bigla nalang akong napatayo, hindi ko alam kong bakit. “Anong address niya?” gulat na napatitig si Rebecca sakin “Why?” tila di makapaniwalang tanong niya “May pupuntahan kami, diba ngayon ang meeting namin ng german ambassador?” pagdadahilan ko “Yeah! Pero pina cancel ko na yon.” “Ano? Pina cancel mo ng hindi ako tinatanong?” may bahid ng takot sa mukha nito. “Yon ang utos ni Chairman sakin.” hindi ito makatingin ng diretso at napayuko pa.
“Never mind! Just tell where her address.” kinuha ko na ang coat matapos niyang sabihin ang address sakin. Nauna na akong humakbang palabas ng office ko “Kean, just tell me what happened? Papunta ngayon dito ang fiance mo.” napahinto ako nung maalala ang nangyari kanina sa conference room. Pinagbintangan ako ng step dad nya na ako ang naglabas ng baho niya.
Walanghiya! Anong tingin niya, balak kong sirain ang magandang reputasyon ng empire ng dahil lang sa kakapalan ng mukha niya?
“Pakisabi, mag dinner kami mamaya.” walang emosyong sabi ko “Ano bang problema hu?” umalingawngaw ang boses ni Rebecca na ikinalingon ng lahat ng empleyado, dipa ito nakuntento hinarapa pa niya ako sa kanya. “Sundin mo ang sinabi ko, wala akong time makipag-usap sa kanya, pagkatapos ng nangyari sa meeting kanina.” buntong hiningang sabi ko. “Ano ba kasing nangyari?” naeereta na ako sa kakulitan nito.
“Pwede ba, huwag kang makulit, kung gusto mong malaman bakit dimo tanungin si Marco? Total nandun din naman siya sa meeting kasama ng sexy niyang sekretarya.” halatang nagulat ito sa sinabi ko, sinadya ko yon para tantanan niya ako. Baka kong ano pang masabi ko pag kinulit pa niya ako.
“Paano pag pumunta si Grace dito? Anong sasabihin ko, na pinuntahan mo ang sekretarya mo?” napahinto ako nung marinig ang sinabi nito. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ito harapin “Ayaw kong makipagbangayan sayo, kung gusto mong sabihing pinuntahan ko ang sekretarya ko then do it! Ano namang pakialam ko.” angil saka ko nilisan ang opisina.
Hindi ko alam kong bakit nakaramdam ako ng kakaibang emosyon nung malamang may sakit si Mady Lean. Sa totoo lang, kanina ko pa siya hinihintay, magkakaroon ako ng lakas ng loob kong nakita ko siya sa conference room.
“Aist, ano bang ginawa ng panget na yon sakin? Bakit hinahanap-hanap ko ang presensiya niya?” malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ko pinatakbo ang sasakyan.
_ _ _
Mady pov:
“Kanina pa tumutunog ang cellphone mo ba't hindi mo sagutin?” walang ganang sabi ni Floyd nung makarating kami sa hide out “Yaan mo lang yan, magsasawa din yan.” angil ko saka ko kinulikot ang laptop para tignan ang ilang missing information “Beshy? Si Cicil ba to?” pareho kaming napatingin kay joshua nung damputin niya ang cellphone ko.
Akmang sasagutin niya nung agawin sa kamay niya ang cellphone ko ni Floyd “Hello, hu? Seryoso ka? Papunta na siya? Sige salamat baby.” napatanga nalang ako kay Floyd na tila kinikilig pa “Bakit ikaw ang sumagot? Asan ba si beshy?” dinig kong sigaw ni Cicil nung medyo nilayo ni Floyd ang cellphone “Si beshy? Busy siya eh.” “Siraulo sabihan mo na ngayon din.” kumunot ang noo ko “Okay, sabi mo i love you./ siraulo, i love you mukha mo.” halos sabay nilang sabi bago siya binagsakan ni Cicil ng tawag.
Nagkatinginan kaming lahat tapos kay Floyd naman na tila binabasa ang mga nasa isip “Ang sweet talaga ng bestfriend mo kahit kailan.” pilyong sabi ni Floyd, saka hinagis sakin ang healmet na ipinagtaka ko “Umalis kana, papunta ang boss mo sa bahay mo kasi hindi ka daw pumasok.” parang tumilapon ang kaluluwa ko sa narinig “Gago ka ba? Bakit dimo agad sinabi.” sabay hampas kay Floyd.
“Aisstt...may bestfriend nga kayo pareho kayong mga amazona. Lakad na” “Inuutusan mo ba ako?” nakapamewang na sabi ko “Hindi naman, kaya lang ansabe ng baby ko na. Galit na galit daw ang boss Kean mo kasi wala ka raw sa office. Naku lagot.” parang batanh sabi nito. Nasipa ko pa ang paa nito bago ako padabog na lumabas matapos kung hingin ang susi.
Sumakay agad ako sa rider na motorsiklo ko, sa kabilang kanto ako dadaan, may daanan sa likod ng bahay para kunwari nasa loob lang ako at hindi maghinala si sir. Mabilis kong pinatakbo ang sasakyan, pinasok ko sa masikip na pasilyo ang motorsiklo, para akong matatae na iwan dahil tumatawag na si kean. Mula sa likuran tanaw ko na ang itim nitong mamahaling sasakyan kaya nagmadali akong pumasok sa may likuran ako dumaan papasok.
Siniguro ko munang, ako yong panget na nerd na sekretarya niya at may sakit ngayon. Naglagay ako ng bawang sa kili-kili para uminit ang katawan ko para makumbinsi itong may sakit nga ako. Mabilis akong naglagay ng higaan sa may salas, para kunwari dun ako natulog bago sagutin ang tawag nito.
Kabado ako bago ito sagutin, paniguradong maraming sermon ang matatanggap ko mula rito.
“What took you so long?” sabi na nga
“Ah...pa-pasensya na ho nasa banyo po kasi ako nung tumawag ako. M-masakit po kasi ang tiyan ko.” “Fuck” dinig kong mura nito “Can you open the door pleased? Kanina pa ako dito sa labas ng bahay mo at pinagtitinginan na ako. Anyone ask kong sinong hinahanap ko?” makapigil hininga ang ginawa ko hindi ko alam kong anong gagawin sa mga sandaling to..
Bakit kasi kailangan pa niya akong puntahan? Di ba talaga ako pwedeng umabsent kahit isang araw manlang? Grabe talaga ang ugali ng lalakeng to!“Your neighbors says that no one Mady Lean's inside your house.” napatakip ako ng bibig “They say, only Kristine and her sister was living in that house. Sino ba ang mga yon Mady?” napalunok ako ng sunod-sunod hindi ko alam kong sasagutin ko ba siya o hindi?
“Huwag mo ng pansinin ang mga taong yan. Mga tsismusa talaga yan, walang magawa sa buhay kaya ganyan.” pagpapalusot ko “Exactly, but i'm just wondering why they say, they never say that ugly creature na lumabas ng bahay mo. According to them Kristine, which is the owner is beautiful so how come...” pinatayan ko na ito ng tawag saka ko ito tenext na pumasok na siya, sabi ko bukas ang pintuan.
Sa totoo lang, hindi ko alam pano ipapaliwanag na hindi naman talaga panget na nerd ang nakikita ng mga kapitbahay ko kundi yong ako mismo. Pag napasok ako, yon ay sinisiguro kong walang nakakita sakin, kaya madalas sa kanto ako nag aabang. Walang may nakakaalam na ako at ang nerd na tinatanong ni Kean ang iisa. Hindi ko alam pano ipaliliwanag sa kanya ang lahat?
_ _ _
.
Update:Sorry, yong isang chaps, napahaba ang pag udd. Medyo tinamad akong gumawa ng karugtong kaya sa iisang chaps ko nalang ginawa.
Sorry 😅
BINABASA MO ANG
GIRL BEHIND THE MASK
Adventure"GIRL BEHIND THE MASK" (MY HANDSOME LOVER) -Isang bilyonarya ang magpapanggap bilang isang ordinaryong tao at magtatago sa likod ng maskara bilang isang nerd na sekretarya ng isang CEO. Pagkakatiwalaan ni Kean si Mady dahil buong akala niya inosente...