Mady pov:
“Hello, Floyd? Asan ka? Pwede bang puntahan mo ako ngayon dito?” nanginginig ang katawan habang kausap ito. At nung matapos na, dina ako mapakali, palakad-lakad ako. Iniisip ko kung sino ang may kagagawan nun? Alam kong hindi yon basta aksidente, nung lumabas ako saka ko napansin ang pagpaharurot ng kotse nito.
“Mady?” luhaan akong humarap sa tumawag “Anong ginagawa mo dito? Ikaw ang may kagagawan nito tama ba?” gigil ko itong hinarap “Wala akong kinalam—” isang malakas na sampal ang pinagkaloob ko dito. “Kumusta ka white empty? Inutusan ka ba ng magaling mong boss na si red chimni? Tingin mo ba ibibigay niya sayo ang buhay ng boyfriend mo pag pumanig ka sa kanya?” gigil kong sabi “Ang lakas ng loob mong traydurin ako. Baka nakalimutan mo kung sino ako?” nangangalaiti kong sabi “Gusto kalang naman naming bigyan ng babala.” “Namin? Babala? Tanga ka ba? May dinamay ka yong iba.” akmang sasampalin ko ito ulit ng may biglang kamay na pumigil sakin.
“Mady, nasaan siya?” “Floyd? I'm so sorry hindi ko sinasadya. Masyadong mabilis ang pangyayari.” “Alam ko, pina-check ko na ang cctv footage buti nalang at sumunod ako dito.” di ako makatingin ng diretso “Hindi mo na kailangang ipa check ang cctv footage kilala ko ang may gawa.” “Hu? Sino?” di ako sumagot bagkus ay tumingin ako kay white empty na parang naiiyak “Kinakaen kana ba ng kunsensya mo white empty?” baling ko “White empty?” tinitigan siya ng matagal ni Floyd na magkasalubong ang kilay “Lavinia Carpio? Tama ba?” napatitig si lavinia kay floyd na gulat na gulat.
“Paano mo nalaman? Ikaw ba si–” “Wala siyang dapat sabihin, akin na ang cellphone mo?” biglang singit ko. Umayaw pa ito ng pang gigilan ko ang mga braso nito. “Protector ka nila hindi ba? Pwes maging spiya ka namin ngayon kapalit ng kalayaan mong hindi makulong. Dahil pag nagising si Kean hindi siya papayag na hindi ka mabulok sa kulungan.” namutla ito sa narinig. “Akala ko hindi mo magagawa sakin to dahil tahimik kalang pero mali ako dahil ikaw pa ang sumira sakin ngayon. Para sa kaligtasan mo, akin na muna ang cellphone mo para sa detalyeng kailangan ko.” “Pero–” “Here, ito ang phone ko. Provide your own number. Huwag mong subuking tumakas mahahanap ka parin namin.” bumaling ito ng tingin kay floyd pagkatapos sakin.
“Founder, siya ba si black dragon?” tila takot niyang sabi “Kilala mo pala kami pero ginago mo kami. Hindi ka manlang nag alangan na traydurin kami. Sabihin mo bukod sayo sino pa ang nagtraydor samin?” napalunok ito habang pinagpapawisan “Na p-pressure ka? Ngayon mo sakin sabihin. Hilingin mo rin na walang mangyari kay kean. Buhay mo ang kapalit. Huwag mo ring subukang bumaligtad at kampihan sila ulit alam mo kung paano ako magalit.” namutla ito lalo “Umalis kana hangga't kaya ko pang magpigil.” balisa naman itong tumakbo palabas ng hospital.
Pareho kaming walang lakas na umupo ni Floyd “Akala ko ba hindi siya madadamay? Ano to?” hindi ako sumagot sa sinabi ni floyd. Nanatili ang katahimikan sa pagitan namin nung biglang tumunog ang cellphone ni Lavinia. Nagkatinginan kami ni Floyd, dali-dali kong sinuot ang headseat nag tag isa kami ng earphone bago ko sinagot.
“Hello, si spice to. White empty, nagawa mo na ba ang plano? Isend mo sakin ang picture ni blue lady na nakaratay sa hospital bed, hindi natatapos ang buhay niya hangga't nabubuhay ako dahil kahit kamatayan susundan ko siya.” matapos naming marinig yon kusa na itong nawala sa linya. “Sino si spice?” halos sabay pa naming tanong ni floyd.
Habang nag iisip kami kung sino ang tumawag ng biglang lumabas ang doktor “Family of the patient.” mabilis kaming tumayo ni Floyd “He's my couzin and this is his girlfriend.” kumunot ang noo ko sa huling sinabi ni Floyd “The patient is fine, yong dugong lumabas sa kanya, may kunting galos lang sa mukha niya buti nalang at hindi siya napuruhan. Pwede din siyang lumabas agad.” para naman akong nabunutan ng tinik sa lalamunan. “Excused me Miss?” napatitig ako sa doktor pati kay Floyd na may halong pagtataka “Bakit? May problema ba?” takang tanong ko “May dugo ka sa ulo.” napahawak ako sa ulo, dun ko lang napansing may tumutulo palang dugo na naglalandas sa mukha ko. “Bakit diko naramdaman to?” bigla nalang akong nakaramdam ng pagkahilo dahilan para matumba ako....
Kean pov:
“Floyd? Why are you here?” gulat na tanong ko “Nasan ako?” pinilit kong bumangon pero nakaramdam ako ng kunting kirot na nang gagaling sa may ulo ko. “Relax insan, naaksidente kayo ni mady lean kanina.” pinilit kong alalahanin ang pangyayari, habang inaalala ko yon mas lalong sumasakit ang ulo ko “Asan siya?” walang ganang tanong ko “Nasa kabilang room, may sugat din siya pero okay na din siya. Insan kailangan niyo ng bumalik ng maynila ngayon. Wag niyo ng hintayin ang bukas tatawagan ko si Brent hindi niya alam kong anong nangyari sa inyo hindi ko sinabi. Basta umalis na kayo ngayon.” balisang sabi ni Floyd “Teka, bakit?” pinilit kong maging okay kahit medyo nakakaramdam ako ng kirot sa may ulo ko.
“May gustong manakit sa inyo, hindi pa malinaw sakin ang lahat pero sigurado akong may kinalaman dito si...” “Sino?” atat kong tanong “Si...i mean, yong pekeng mendez.” “Why? Anong atraso ko sa kanya?” pang-iignora ko, naramdaman kong may hindi sinasabi si Floyd. Nahihiwagaan ako. Pakiramdam ko may hindi siya sinasabi. “You will stay here, mamaya ipapalipat ko si Mady dito kung hindi mo kayang mag drive pauwi. Wag na muna kayong babalik ng resort may nakabuntot sa inyo ng hindi niyo nalalaman. Tumawag na ako ng back up to secured the resort dahil wala ang caretaker ngayon.” pagkatapos sabihin ni Floyd yon nagpaalam na itong aalis na muna siya para i check ang kaganapan.
Nakatingin lang ako sa kissame, iniisip kong anong nangyari kay Mady, hindi ako makakilos ng maayos may benda ang kabilang kamay ko. “Okay na po ba kayo sir?” napatingin ako kay Mady na kapapasok lang, may benda ang ulo nito “How about you? Okay kalang ba?” nag aalalang tanong ko “Sorry sir, kung nadamay pa kayo.” may bahid ng lungkot sa tuno ng boses nito “Hindi mo kasalanan yon, aksidente ang nangyari” “Hindi aksidente yon, sinadya yon.” “Anong ibig mong sabihin?” ngitisn niya lang ako saka ito lumapit sakin. The next thing i know hinagkan niya ako sa noo habang sinasabing hindi na ulit mauulit ang nangyari. Magbabayad ang may sala.
“Saglit lang po sir, sagutin ko lang” tumango nalang ako “Hello Sydney, malayo pa ba kayo ni millan? Ah sige, wag na kayong magdala ng sasakyan. Si millan na ang mag d-drive hindi pwedeng mag drive si sir ehk. Salamat!” “Sino yon?” enteresadong tanong ko matapos itong makipag-usap sa kabilang linya. “Uuwi kana, may susundo sayo.” “Anong? Sino naman yon? At ikaw, pano ka?” pinisil niya ang pisngi ko “Anong ginagawa mo?” takang tanong ko “May aasikasuhin pa ako kaya ko ang sarili ko. Isa lang ang gusto kong itatak sa isipan mo mag-iingat ka sa mga taong pinagkakatiwalaan mo. Anytime pwede kang traydurin ng mga to.” naguguluha akong iniwan ni Mady, umalis na ito ng tuluyan para balikan ang mga gamit at siya na daw ang magdadala. Yong kotse ko siya na rin ang magdadala, hindi niya ako pinaalis basta sinabi niyang may susundo sakin.
Bakit parang may kakaiba sa kanya?
_ _ _
Update:
Yan na muna, balik ako next day may gagawin lang na importante kapit lang madami pang mas intense na kaganapan.!
Ingat!😃
BINABASA MO ANG
GIRL BEHIND THE MASK
Aventura"GIRL BEHIND THE MASK" (MY HANDSOME LOVER) -Isang bilyonarya ang magpapanggap bilang isang ordinaryong tao at magtatago sa likod ng maskara bilang isang nerd na sekretarya ng isang CEO. Pagkakatiwalaan ni Kean si Mady dahil buong akala niya inosente...