Chapter 92: Uniform

43 2 0
                                    

Mady pov:

“Hello! Bakit black phantum, napatawag ka anong mayron?” palinga-linga ako para walang makapansin “Nasa may caffeteria ako, sa baba, baka makita  akong gumagamit ng cell phone mahirap na.” angil ko “Relax lang Blue lady, ibabalita ko lang na mission accomplish” masiglang sabi nito “Anong ibig mong sabihin?” gusot ang noong tanong ko. “I sent to you the viral video.” saka niya pinutol ang tawag. After a few minutes, nakatanggap na ako ng message, binuksan ko agad yon nakangiti pa ako habang nakasakay ng elevator paakyat.

Mukhang ito na ang sinasabing regalo ni uncle Roi para kay Congressman. Hmp, mukhang nangangamoy world war 3.

Napapangiti pa ako habang iniisip ang natanggap na balita. May ilan akong nakasabay at nasa dulo ako kaya walang may nakapansin agad dinig ko pa ang bulong-bulungan sa paligid “Ang ganda ng fiance ni sir nuh?”, “Oo nga, balita ko malapit na raw silang ikasal. Ang romantic siguro ng wedding nila”, “Sinabi mo pa, parang mahal na mahal nila ang isa't isa.” naikuyom ko bigla ang kamao, muntikan ko pang mabitawan ang hawak na kape dahil pakiramdam ko naninikip ang dibdib ko sa narinig hanggang sa naunang lumabas ang mga babaeng makakati ang dila.

Hindi ko alam kong bakit mas pinili kong umakyat sa pinakadulo ng building sa rooftop. Pagdating ko dun, humahangos ako habang hawak ang dibdib, gusto kong sumigaw at magwala. Nakatingin ako sa kawalan habang panay ang pagdaloy ng luha.

“Wala sa plano ko ang magmahal o mahalin siya, pero bakit nasasaktan ako? Bakit?” sumigaw lang ako hangga't kaya ko, natigilan lang ako ng matanggap ang mensahe galing kay Grace.

From:Red Chimni,

“Hayop ka, ang lakas ng loob mong ipakulong si Leon. Pagbabayaran mo ang ginawa mo.”

Kinalma ko muna ang sarili bago ito tawagan “Walanghiya ka, ano bang problema mo? Bakit kailangang idamay mo pa siya?” galit na sabi nito “Bakit ka nagagalit? Eh diba step dad mo lang siya? Nasasaktan ka ba para sa mother mo? Isa pa bakit ako ang pinagbibintangan mo may ebidensya ka bang magpapatunay na ako ang nagpakulong sa step dad mo.” nakangising sabi ko “He's not only my step dad.” “Talaga? Eh ano?” atat na tanong ko “He's my real father.” nanginginig ang boses nito na parang nagpipigil na di maiyak.

Nagulat ako sa narinig pero hindi ako nagpahalata “Ow? Mag-ama pala kayo? How sad? Kailan mo lang nalaman na anak ka pala niya tapos tinago pa niya ang katotohanan sayo. Bakit kaya?” kunwari hindi ako apektado, nilalambing ko pa kasi ito “How dare you to ruin my life? Bakit mo siya dinamay?” namamaus nitong tanong “Ouch! Pwede ba huwag ka ngang mag drama diyan, baka maiyak na ako niyan.” pang aasar ko lalo na ikinagalit nito “You will pay for this! Marami ka ng atraso sakin.” ngitngit nito “Ang tagal naman ng paghihiganti na yan, na traffic din ba?” pabirong sabi ko. “Huwag kang masyasong excited baka isang araw magulat ka nalang bigla.” may bahid na pananakot na sabi nito “Huwag mo naman akong takutin, tignan mo oh tirik na ang araw nanakot ka pa? Sabihin mo nga anong petsa na? Halloween palang ba diyang sayo? Kasi sakin mag papasko na araw ng pagsasama-sama. Sayang wala na ang step dad slash real dad mo sa tabi mo. Huhu how sad? Welcome to the clubs.” saka ko pa nilakipan ng halakhak.

Nang ngingit ang mga tiim bagang nito yon ang pakiramdam ko “Ano pa bang gusto mong surpresa? Gusto mo bang isama ko na ang future hubby mo?” may bahid na pananakot na sabi ko “Don't dare to touch my boy” “Ow? I'm so scared” sabay halakhak ko ulit pero ang totoo nagdurugo ang puso ko habang sinasabi yon “Maghintay kalang, isang araw sasabog sayo ang katotohanan, lahat ng mga taong kampi sayo ngayon isa-isa kang kakamuhian bilang kabayaran ng lahat ng ginawa mo sakin.” pagkatapos niyang sabihin yon pinatayan na niya ako ng tawag.

“Anong gusto niyang ipahiwatig? Tingin ba niya natatakot ako? Matagal na panahon na akong nakahanda kaya hindi ako papayag na matalo niya ako ulit at agawin lahat ng mayron ako ngayon. Magkamatayan man!” yon ang huling sinabi ko bago ako ulit bumalik ng trabaho.

_ _ _

Kean pov:

Lumipas ng mabilis ang mga araw, andaming nakatambak na trabaho sa opisina pero kahit ganon i spend time with my girlfriend, akala ko kaya ko siyang tiisin dahil sa issue ng step dad niya but i was wrong. Hindi ko pala kaya.
About my P.A. may napapansin akong kakaiba sa kanya, iniiwasan ko na siya dahil pakiramdam ko mahuhulog ako sa kanya ng wala sa oras, masyadong magaan ang loob ko sa kanya at kailangan kong pigilan ang emosyon na yon hangga't maari malapit na akong ikasal at hindi pwedeng masira yon ng dahil lang sa panget na nerd na sekretarya ko.

Madalas mang wala sa opisina si Mady Lean, si Cicil naman ang gumagawa ng mga dapat na gawain nito, hindi na bago sakin yon alam ko namang bukod sa opisina, inaalagaan pa niya ang kapatid niyang may sakit pero diko pa naman nakita yon.
Paano kaya niya nagagawa ang lahat, nagtatrabaho siya dito habang may binabantayan sa hospital. Okay pa ba siya?

Aist, ano namang pakialam ko sa kanya? Isang hamak na weirdo at panget na sekretarya lang naman ito, so bakit ko pa siya iisipin?

Ako na ang umiiwas dito, ayaw ko ng magkaroon ng puwang sa utak niya na nag t-take advantage ako sa kanya. She's not worth it para pag aksayahan ng panahon. Masyado na akong nag eentartain sa isang tulad niya. Diko nalang ito pinapansin, total maayos naman ito pagdating sa trabaho. Diko naman maitatanggi na madalas pag kasama ko ito napapangiti niya ako. Diko naman maitatanggi ang katotohanang masaya ako sa mga panahong kasama ko sa kahit saang lakad namin.

The feeling that really strange to me pag kasama ito!

Mady, don't be excused today may lakad tayo.” pahabol kong sabi nung makitang palabas na ito ng pintuan matapos iabot ang report sakin “Ho?” parang binging tanong nito “Ayaw kong magalit, gusto kong maging kalmado lang para good vibes.” napatitig lang ito sakin “Huwag mo nga akong tignan ng ganyan, alam mo bang nahawa ako sa kakalugan mo.” pang tataboy ko ng maramdamang nakatitig parin ito sakin.

“Here!” sabay abot ko ng paper bag sa kanya “A-ano ho yan sir?” “Tss. Stupid! Tignan mo then fit it!” kalmadong sabi ko while i cross my arms kaharap ito at umupo pa ako sa ibabaw ng mesa para mas magkaharap kami “Para san to sir?” napaihip ako sa hangin ng may marealize.

Masyado ata tong magalang ngayon, at hindi ako sanay. Siguro kulang to sa tulog kaya ganon.

I want to see you wearing that!” cold na utos ko “Naku naman sir, nag-abala ka pa.” nahihiyang sabi nito pero di pa naman tinitignan kong anong inabot ko, parang gusto kong manapak ng wala sa oras dahil sa inasal nito. Aist, ganyan ba talaga siya? Nag effort kaya ako para di siya magmukhang alalay ko lang tapos ganyan lang ang magiging reaction niya?

Ayos ah! Wala manlang thank you?

It's uniform, from now on yan na ang susuotin mo. Magpagawa ka nalang ulit id you want extra” kumurap-kurap ito na tila di makapaniwala sa narinig “Bakit ganyan mo ako titigan? Panget ka na nga, nakatanga ka pa diyan? Gusto mo ba talagang ipamukhang panget ka? Matagal ka ng panget, isa pa i hate your porma kaya you may change your clothes now.” sarcastic i said “Pero sir–” “I said, no more excuses just leave and follow my commands, daming arti.” saka ako bumalik sa pag upo at sumandal habang hawak ang sentido at nakapikit “Any minute aalis na tayo” dagdag ko pa ng mapansing wala itong balak lumabas ng office para sundin ang utos ko.

Pumikit nalang ako, “Wala akong planong makipag-usap ng matagal sayo. I want all my employees wearing presentable and comfortable to wear” dagdag ko pa hanggang sa naramdaman ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng hindi na naririnig ang boses nito.

Manhid ba siya, para hindi niya maramdamang naaasiwa ako sa hitsura niya? Anong klasing tao siya, walang pakiramdam?

_ _ _

.
Update:

Yan na po muna, maybe bukas ulit. Work at home muna akitch hehe.

Ingat!
Labyah

GIRL BEHIND THE MASKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon