Mady pov:
“Okay na ba yan?” tanong ko kay Floyd nung makalapit kami. Sandali niya akong tinitigan pagkatapos kay Cicil naman na parang di mapakali sa suot. “Cicil, okay kalang ba?” napatingin naman si Cicil kay Floyd “Ano namang pakialam mo? Tingin mo ba okay ako? Kanina pa kaya ako nangangati sa suot ko” reklamo nito “Bakit, ano bang suot mo?” natatawang sabi ni Floyd “Ito oh!” bigla niyang tinanggal ang Cradigan dahilan para ma exposed ang maganda nitong katawan. “Wow, ang sexy naman ng bagong Pink panter.” nag niningning na sabi ni yellow bladder o joshua. Nilahad nito ang kamay kay Cicil ng bigla namang pilipitin ni Floyd ang kamay nito. “Anong.../She's mine, so back off.” napatanga si buknoy sa inasal ni Floyd habang si Cicil naman nagulat.
Napangiti naman ako dahil ngayon alam ko ng may epekto sa kanya si Cicil. Alam kong hindi ako nagkamaling siya ang pinili ko dahil magdadalawang isip siyang sirain ang tiwala ko lalo pa't alam niyang hawak ko sa leeg si cicil. “Don't act like a jealous boyfriend.” sabay tapik ko sa balikat ni Floyd dahilan para mabitawan niya si yellow bladder. “We had mission, kanina pa nasa loob ang Congressman. Patingin ako ng mga babae ni Leon.” napakuyom ito ng kamao saka binuksan ang van at nakita kong tulog pa ang babae. “Good, make sure na hindi nila malalaman ang tungkol sa bagay na to.” “Yes boss. Kami ng bahala.” sagot ni joshua, tumango naman si Floyd.
Nauna na akong humakbang ng matigilan, nakita kong hinawakan ni Floyd ang pulsuhan ni Cicil. Napansin ko yon pero nagkunwari akong nakatalikod. “B-bakit?” tila gulat na tanong ni Cicil “Tawagin mo ako pag may nambastos sayo.” sandaling nanatili ang katahimikan sa kanilang dalawa “Aist...Pwede ba wag mo akong tignan ng ganyan? Kakabadtrip ka naman” nanatiling tahimik si Cicil, malamang nagtataka ito, about sa reaction ni Floyd malamang nakahalata itong nakikiramdam ako, medyo nahihiya ito sakin nung minsang binasted ko ito. “At saka pwede bang wag mong masyadong ipapakita yang katawan mo. Nakakasuka.” tumawa ako ng mahina.
Wala silang pinagkaiba ni Kean, denial talaga. Huling-huli na nga tudo deny parin.
“Let's go.” nakangising sabi ko saka ako naunang humakbang “Anong problema nun?” manhid na tanong ni Cicil habang nakabuntot “I think black dragon like you.” seryosong sabat ni Sydney “Talaga? Pano mo nasabi?” enteresadong tanong ni Cicil “Ganyan din kasi sakin si Millan, palagi niya akong iniinis dati tapos isang araw bigla nalang itong nagtapat.” seryosong sagot ni Sydney “Ganun? Tss...sorry siya kung kasing gwapo niya ang pinsan niyang si Marco o kaya si sir Kean baka lumambot pa ako.” natawa ako ng malakas sa sagot nito na ipinagtaka nila “Ang dami niyo kasing sinabi, mamaya na kayo mag chikahan malapit na tayo.” saad ko.
_ _ _
Pumasok na kami sa loob ng venue, pasimple kaming sinalubong ni Millan at Silver Moon na nakapang crew ng suot. Habang kami naman nakasuot ng cardigan pero may eye mask akong suot. While sila Lavander at pink panter, natural lang ang hitsura, makapal lang ang make up para hindi mahalata. “Take care baby.” dinig kong bulong ni Millan kay Sydney.
Pasimpleng inabot ni Orange Cocktail ang isang card para gamiting pang swipe sa room number ni Leon “Midey....mic 1 is on...” napahinto ako sa paghakbang, saka pasimpleng hinawakan ang earphone na di bluetooth na nasa may tenga ko “Mic. 1 come in.” pasimpleng saad ko “Huwag mo na kayong papasok sa loob ng kwarto, pumasok si Red Chimni dun may kasama siyang apat na lalake. Sumakay kayo ng elevator, para magkakasalisi kayo. Papunta na siya sa direksyon niyo.” “Coppy.” mabilis kaming sumakay ng elevator.
“Dumiritso tayo sa second Floor, hindi sa room na yon. Dumating si Red Chimni dun. At siya ang nasa loob ngayon.” sabi ko nung makapasok na kami ng elevator “Kung ganon, mukhang nakaamoy siya.” natawa kaming dalawa, samantalang si Cicil naman busy sa pagkamot sa sarili niya dahil naiilang sa suot.
BINABASA MO ANG
GIRL BEHIND THE MASK
Adventure"GIRL BEHIND THE MASK" (MY HANDSOME LOVER) -Isang bilyonarya ang magpapanggap bilang isang ordinaryong tao at magtatago sa likod ng maskara bilang isang nerd na sekretarya ng isang CEO. Pagkakatiwalaan ni Kean si Mady dahil buong akala niya inosente...