Chapter 11.5: Complicated Scene

10.1K 38 30
                                        

Chapter 11.5: Complicated Scene

Sa susunod na araw, nandito ako ngayon sa Culinary Arts Room dahil sa subject namin ngayon sa T.L.E. Masaya ang subject na ito pero para sa akin hindi, wala kasi akong katalent-talent pagdating sa pagluluto. Tapos ngayon, wala rin akong  focus sa ginagawa ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Napapaisip rin ako sa sulat na kung saan ang lugar na may twenty five.

Mayamaya, may sumita sa aking ginagawa dahil mali ang nalagay kong ingredients sa bowl.  Nawawala kasi ako sa sarili ngayon, kaya puro kamalian tuloy ang nagagawa ko ngayon. Bumalik na rin ako sa aking sarili nang bigla may nagsalita sa harapan ko.

"Tuesday, ano ba ang pinaggagawa mo?" pagalit na sabi ni Zean at tinuro niya rin sa akin gamit ng index finger ang ginagawa kong kamalian.

"Sorry!" sabi ko nang masinsinan.

"Anong sorry? Hindi mo ba alam na pair work ito, at pati ako damay sa kamalian mo!" pasigaw na sabi niya. Grabe siya at nakakainis, masyadong conscious sa grade ng subject na ito. Ayaw siguro makaalis sa top kaya ganyan siya sa akin.

"Nagso-sorry na nga ako sa iyo! Ano ba ang problema mo?" inis na sabi ko. Grabe na talaga siya! Nakaasar siya! Makasita sa akin, akala niya na perpektong tao siya. Normal lang naman ang magkamali sa isang tao kaya nga ako humihingi ng sorry sa kanya.

"Bahala ka na nga! Naiinis lang ako sa iyo! Bakit ikaw pa kasi ang naging ka-pair work ko?" pasupladong sabi niya at pinagpatuloy niyang gawin ang activity namin sa baking.

Hindi ko na lang siya kinibo sa sinabi niya kahit ang turing niya sa akin ay parang isang basura. Hindi ko kasi kayang sigawan siya ulit dahil alam ko na may feelings ako sa kanya. Kahit puro katarayan ang ginagawa niya, mahal ko pa rin siya. Wala akong magagawa kung ganoon talaga ang buhay na nangyari sa akin, si Destiny na nagdesisyon para sa akin. Isa pa, hindi rin kasi ako mananalo sa kanya kapag lumaban ako.

Pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko kanina at tinama ko ang maling ginawa ko. Habang tinutuloy ko ang paghahalo ng ingredients sa aking bowl, bigla sumulpot si Kyu at hindi ko akalain na nakisali sa aming usapan, isang bagay na hindi ko inaasahan.

"Zed, hindi naman sinasadya ni Tuesday ang ginawa niya. Aksidente 'yun!"  pagpapaliwanag ni Kyu kay Zean, buti pa itong si Kyu may malasakit sa kanyang kaklase . Naiintindihan niya talaga kung ano ang pagkakamali ng mga tao sa kapaligiran niya. Iba talaga silang dalawa, isang perpekto at isang hindi.

"Bakit ka nangingialam dito? Wala ka namang alam sa usapan namin!" pagalit na sabi ni Zean kay Kyu. Tumigil din si Zean sa kanya ginagawa na activity, at tinititigan si Kyu nang masama na parang sinasaksak niya si Kyu ng maraming espada sa katawan.

"Bakit? Wala ba akong karapatan na protektahan ang kaibigan ko?" bulyaw ni Kyu kay Zean.

"Kung mali na ang ginagawa niya!" sigaw ni Zean kay Kyu.

"Grabe, wala ka talagang galang! Respeto naman dahil babae ang kinakausap mo!" pangaral na sabi ni Kyu kay Zean.

"'Yan babae? Parang hindi nga babae kung kumilos 'yan, lagi kasing hindi nag-iingat at burara pa!" diretsuhan paliwanag ni Zean kay Kyu.

Para akong platong nabasag nang narinig ko ang mga sinabi sa akin ni Zean ngayon. Okay lang sa akin na pagsalitaan nang masama pero sumosobra na siya. Ang super sakit na ang sinabi niya, at hindi ko alam kung bakit siya nagkaganyan ng sobra. Wala naman akong ginawa at nasabing hindi maganda sa kanya.

"Grabe, Zed tigilan mo  na nga!" pananaway ni Kyu kay Zean.

"Totoo naman, wala siyang kwentang tao!" diretsong sabi ni Zean sa amin ni Kyu.

45315454 1351919175Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon