Chapter 8: My Life Time Partner
Umaga na naman, nakakatamad ulit pumasok pero kailangan kong gawin ito. Sayang din kasi 'yung bayad kong tuition fee sa school kaya umunat na ako sa kama at nag-ayos na rin para pumasok sa klase. Pagkababa ko ng hagdan na galing ako sa itaas ay dumiretso na ako sa kusina. Pagkapasok ko, nakita ko si Kuya na kumakain ng kanyang almusal.
"Good morning, my Little Sister!" sabi ni Kuya sa akin na may pagkain siya sa kanyang bibig. Pinagtataka ko lang na kung bakit habulin pa rin ng mga babae ang kuya ko, kahit walang kamanners-manners ang kanyang kilos. Ang weird na talaga ang taste ng mga tao ngayon.
"Ano ba 'yan? Kuya Lunes, ang baboy mo! Ayusin mo ang ginagawa mo!" reklamong sabi ko. Umupo na rin ako sa dining table para kumain ng aking almusal.
"Sarap kaya kumain! Remember Little Sis, food is my life! I don't care about my own manners!" pagpapaliwanag niya. Grabe, basta pagkain lang sa harapan niya. Wala ng focus sa mundo niyang umiikot ngayon.
"Bahala ka na nga!" diretsang sabi ko sa kanya. Kumuha na rin akong pagkain sa lamesa.
"What's your problem Little Sis? Why are you mad at me? Did I do something wrong?" diretsong tanong niya. Hindi ko alam kung bakit nagsasalita sa akin ng Ingles ito, kahit wala naman kami sa foreign country. Trip niya talagang magsalita ng ganoon, pero ako mas gusto kong magsalita ng Tagalog.
"Nothing! By the way dear Kuya, huwag mo kong i-englishin! Dinudugo na ako sa iyo!" pagrereklamong sabi ko. Hindi ko lang ma-gets kung bakit mas isip-bata pa siya kaysa sa akin. Dapat mas matured ang pag-iisip niya, siya kasi ang nakakatanda sa aming dalawa.
"Okay po!" pang-aasar sabi niya. Hindi na kami nag-imikan sa isa't isa dahil pareho kaming seryoso sa aming kinakain na almusal.
Nang natapos na akong kumain ng almusal, nag-ayos na rin ako ng gamit at sarili para makaalis na ng bahay. Pagkatapos kong mag-ayos ay nagsimula na akong maglakad at nakasabay ko si Kuya sa paglalakad. Nang dumating kami sa isang kanto, naghiwalay na kami ni Kuya ng daan, dahil iba ang direksyon ng kanyang paaralan sa akin. Magkaiba kami ng school ni Kuya nasa college na kasi siya samantala naman ako ay nasa highschool pa lang.
Mga ilang minuto na ang lumipas, nakarating na ako ng school at nakasalubong ko si Rouie sa gate kaya binati ko siya kaagad. Pagkabati ko sa kanya ay sabay kaming umakyat para pumunta sa aming classroom. Pag-akyat namin sa isang floor ay nakita naman namin si Kyu. Binati kami ni Kyu at may sinabi na gusto niyang makipag-usap sa amin. Pumayag kami ni Rouie sa gusto niya kaya dumiretso kami sa isang lugar na walang tao at wala ring makaka-istorbo sa amin.
"Ano ang pag-uusapan natin? Bilisan mo!" pagtataray ni Rouie kay Kyu at tinaas niya ang isang kilay niya.
"Actually, gusto ko ulit mag-sorry sa nangyari kay Tuesday. Hindi ko kasi sinasadya ang pagakasira ng bag niya." sabi ni Kyu sa amin at may inabot siya sa akin ng isang paper bag.
"Mabuti at alam mo na mali ang ginawa mo kay Tuesday!" prangkang sabi ni Rouie kay Kyu at tinaasan niya ng isang kilay.
"Rouie, tama na 'yan! Walang kasalanan talaga si Kyu sa nangyari noon." pagmamakaawang sabi ko kay Rouie at hinawakan ko siya sa isa niyang balikat.
"Tuesday, sana tanggapin mo ang binigay ko sa iyo pero hindi siya kaparehas ng dati." sabi ni Kyu sa akin. Bigla kong tinignan ang laman ng paper bag. Isang backpack na katulad nang sinira ng mga nambully sa akin pero iba lang ang kulay nito.
BINABASA MO ANG
45315454 1351919175
Novela Juvenil- A Set of Numbers with Hidden Meaning Ano kaya ang matutuklasan sa bawat numero na makikita niya? May magandang pangyayari ba o masama? May sikreto ba siyang madidiskubre? Ano kaya? *** Genre: Teen Fiction (This is not a horror story) Thanks!