Chapter 19: School Mysteries
Grabe ang mga nangyari noong nakaraang araw, ang dami kong nalaman. Ano kaya ang mangyayari ngayong araw? Sana may exciting rin na may mangyari ngayon, para may matuklasan ulit ako na bagong sikreto. Ang boring kasi kapag normal na klase lang ang mangyayari, parang walang kabuhay-buhay kapag ganoon.
Mga ilang oras na ang nakakalipas ay natapos na rin ang lahat ng aking klase. Wala akong napansin ngayon na kakaiba, kaya medyo nalungkot ako. Sana bago matapos ang araw, may matuklasan akong kakaiba na pwede maging exciting ang aking buhay. Nang umabot na ang dismissal ay nakasabay ko ulit si Rouie sa pag-uwi, at tumambay kami sa isang coffe shop na malapit sa school para tapusin namin ang aming assignment.
Nang nasa coffee shop na kami ay sinimulan na naming gawin ang aming homework, at naka-order na rin kami ng mga pagkain at inumin. Nakalipas ng isang oras ay natapos ko na rin ang ginagawa kong assignment, at kinausap ako ni Rouie. Mukhang tapos na rin siya sa kanyang assignment, dahil kanina ay parang ayaw niya akong kausapin para matapos na siya.
"Tuesday, tapos ka na ba sa assignment na ginagawa mo?" pagtatakang tanong ni Rouie sa akin habang kinakain niya ang inorder niya na isang slice ng chocolate cake.
"Oo, bakit?" pagtatakang tanong ko at ininom ko ang frappuccino na inorder ko.
"Tignan mo itong ginawa ko na hindi related sa school." tuwang sabi niya, at ngumiti siya sa akin.
"Ano naman niyan? Diary?" pagtatakang tanong ko sa kanya, at kumunot ang aking noo.
"Mga school mysteries na napag-usapan sa school, at ang iba naman ay ginawa ko na lang para dumami ang legend." sagot niya sa akin.
Kaya pala excited na siya na kausapin ako, dahil nakagawa na siya ng mga kwento na pwedeng ipagkalat. Si Rouie kasi ay mahilig gumawa ng kwento sa kahit anong genre, kaya napag-isipan rin niyang gumawa ng kanyang version ng school mysteries.
"Patingin nga ng ginawa mo," pakiusap na sabi ko sa kanya at inabot niya sa akin ang notebook na kung saan niya sinulat ang school mysteries. Sinimulan ko na itong basahin, at nadala rin ako sa aking binabasa.
The School Mysteries
Unknown Messenger
Unidentified Present
The Mystery Guy
15 Steps
The Secret Place
Friday the 13th
The Laboratory
Scary Comfort Room
Lucky Charm
Storage Room
Destiny
Picture Perfect
The Double Walker
Habang binabasa ko ang mga nakasulat sa notebook ni Rouie ay biglang sumama ang aking itsura. Mga pamilyar sa akin ang ibang nakakasulat dito, ang iba na nakalagay sa notebook ay nangyari sa akin. Nang natapos ko nang basahin ang laman ng notebook ay nagreklamo kaagad ako kay Rouie. Bakit niya napag-isipan na i-damay ako sa mga kwento na ito?
"Rouie 'yung iba naman na nilagay mo parang nangyari sa akin ito." pagrereklamo ko sa kanya at tinuro ko ang aking sarili.
"Yep, maganda kung may madagdagan, at makasama ka sa mga legendary story ng school." pagpapaliwanag niya, at ngumiti siya sa akin. Naloka naman ako sa dinahilan niya, talaga ako ang nadadamay sa kanyang chismis.
BINABASA MO ANG
45315454 1351919175
Teen Fiction- A Set of Numbers with Hidden Meaning Ano kaya ang matutuklasan sa bawat numero na makikita niya? May magandang pangyayari ba o masama? May sikreto ba siyang madidiskubre? Ano kaya? *** Genre: Teen Fiction (This is not a horror story) Thanks!
