Chapter 16: Fifteen Steps

9.6K 26 11
                                        

Chapter 16: Fifteen Steps

Binuksan ko na 'yung kahon na binigay niya at nakita ko may sand timer sa loob. Gawa sa kahoy ang base nito tapos ang buhangin ay kulay red na may pagka-pink. Nakakatuwa ang binigay niya pero para saan naman ito, parang isang display lang siya sa tingin ko. Tapos, may note akong nakita sa loob ng kahon kaya tinignan ko kaagad ito.

Binasa ko muna 'yung first note at ito ang nakalagay.

-------------------------------------------------------

-----------------------------------------------------------

XXEVVDTTINNSAA         DDYFFMQQ         NNYTTBAA

LLGKKNXXIRRYPPAJJTVVSXX

WWRHHOKKFLL         MMUWWOGGYJJ         BBKWWNDDALLHSSTBB

HHTSS IQQ           WWEQQTCCAXXIZZCJJEFFROOPMMPKKALL          

TTYPPLMMLNNAWWEFFRHH           BBIUU

---------------------------------------------

------------------------------------------------

As always, wala naman akong naintindihan sa binigay niya. Anong lengguwahe ang alam ni Mysterious Person, at puro random letter ang nilalagay niya sa sulat? Ang talino niyang gumawa ng malalim na problema, ang hirap kasing mag-isip ng mga ganitong secret code. Mabuti na lang na hindi masakit sa ulo ang binigay niya ngayon kaysa sa second letter niya noon. Binasa ko na lang ang pangalawang papel na binigay niya sa akin.

-----------------------------------------------------

---------------------------------------------------------

Our world can be turned upside down just like the sand timer.

------------------------------------------------------------------

---------------------------------------------------------------

Hindi ko na-gets kung ano ang nakalagay sa quote nasa pangalawang papel. Ano kaya ang gusto niyang ipalabas sa sulat na ginawa niya? Sa totoo lang, desperado na akong malaman kung sino ang gumawa nito dahil lalo akong na-curious sa mga binibigay niya sa akin, at ang dami kong gustong itanong sa kanya tungkol sa letter. Bakit niya ginagawa ito? Sino ang gumagawa ng kalokohan nito? Nalilito na ako sa mga sulat na binibigay niya para kasi siyang isang maze na maraming pasikot-sikot. Nag-move on na ako sa next note at napansin ko ang third note na may laman ulit na problem solving.

-------------------------------------------------

----------------------------------------------------

Solve this:

29, 27, 25, 23, 21, 19, 17, ____

PS. Kapag na-gets mo na ito ay nakuha mo na ang fifth clue, congratulations ulit!

PPS. Nakakatuwa ka talagang tignan kapag ginagawa mo ito.

PPPS. Super dali na 'yan, kaya mo na 'yan. ^_______^

Kung hindi mo ito na-solve mababatukan na kita. Hehehhehe!

-------------------------------------------------------------

-----------------------------------------------------------

Nang-aasar ba talaga siya? Mukhang pinaglalaruan na ako ni Mysterious Person. Ang sama niya sa last part, akala niya kung sino siya. Kapag nalaman ko kung sino ang nagbigay nito, pihadong mababatukan ko talaga siya nang napalakas. Tinago ko na rin ang dalawang sulat at 'yung sand timer na binigay niya sa bag ko. Hindi ko alam kung nang-aasar, o seryoso siya sa pinaggagawa niya sa akin; masisira na ang aking bait.

45315454 1351919175Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon