Chapter 18: Old Friend
Maganda ang chance na ito, tutulungan ko sila na ayusin ang problema nila. Kahit hindi ko maibalik ang pagkaibigan namin ni Zean ay okay lang sa akin. Basta maibalik ko ang pagkaibigan nila ni Jy, ang hirap din kasing maranasan ang sirang pagkaibigan.
Habang naglalakad si Zean sa papuntang exit ng school ay hinabol ko kaagad para hindi pa siya makalayo sa amin. Hindi ko pwedeng palagpasin ang araw na ito. Gusto ko silang tulungan na maibalik ang pagkaibigan nila, nanghihinayang kasi ako. Alam ko na naigiging pakialamera ako sa aking gagawin, pero ito na lang ang tanging paraan para maayos ko ang samahan nila.
"Zean!" sigaw ko sa aking seatmate at lumingon siya sa akin. Hinihingal na ako sa aking ginawa, ang bilis niya kasing maglakad para maabutan ko lang siya.
"Bakit?" malamig na tanong niya sa akin at mukhang hindi maganda ang araw niya ngayon, ang sama kasi ng itsura niya sa akin.
"Uuwi ka na ba?" diretsong tanong ko sa kanya at kumunot ang noo niya.
"Oo, bakit?" sagot niya sa akin na may seryoso ang kanyang mukha.
"Sabay ka na sa amin." pag-aya ko sa kanya at hinawakan ko ang dulo ng polo niya.
"Sige." tipid na sagot ni Zean sa akin at nakahawak siya sa isang strap ng backpack niya.
"Tuesday, ano ang binabalak mo?" inis na tanong ni Jy at lumapit din siya sa amin.
Mukhang nababasa ni Jy ang aking plano, mukhang delikado na ang sitwasyon ko ngayon. Hindi niya pwedeng malaman, at baka lumayo lang siya kay Zean kapag nangyari ito. Gusto ko kasing magkausap sila nang maayos, 'yung walang halong asaran at awayan. Para malaman na nila kung ano ba talaga ang hindi nila maintindihan sa kanilang sitwasyon.
"Wala naman, gusto ko lang na magkasabay tayo umuwi. Magkagrupo naman tayo kaya wala namang problema." paliwanag ko kay Jy at ngumiti ako sa kanya. Mabuti naman na nakalusot ako sa aking pagdadahilan, malalagot talaga ako nito.
"Ah sige," tipid at nagsimula na kaming maglakad para pumunta sa gate.
Habang naglalakad kami ay walang nag-uusap sa aming tatlo. Sobrang tahimik ang aming kapaligiran, at ni isang ingay ay wala ka talagang maririnig. Naninibago ako sa nangyayari, ang ingay kasi nila kapag kasama si Kyu na puro sigawan ang makukuha mo sa kanila. Dapat pala nandito ngayon si Kyu para ma-lighten up ang mood namin dito.
Mga ilang minuto na ang nakakalipas ay nakarating na rin kami sa school gate, at lumabas na kami para umuwi. Pagkalabas namin ay biglang nagsalita si Jy, at mabuti naman na siya na ang nagbasag ng katahimikan namin. Akala ko na naglalaro na kami ng silent game sa school, wala kasi talagang nagsasalita sa amin.
"Hanggang dito na lang ako, iba ang daan ko ngayon." pagpapaalam ni Jy sa amin at nagsimulang na siya maglakad na palayo sa amin.
"Bakit Jy, saan ka pupunta?" pagtatakang tanong ko sa kanya.
"Pupuntahan ko pa si Mikhael na nasa ibang direksyon ang bahay niya. May hihiramin akong gamit sa kanya." paliwanag ni Jy sa amin na may seryoso sa kanyang mukha.
"Sige." tipid na sagot ko at nalungkot ako sa aking narinig.
Akala ko kasi ito ang chance na maayos na nila ang pagiging magkaibigan nila, pero hindi pa pala. Hindi pa yata ang tamang panahon nila para makipagbati sa isa't isa. Hindi ko ring naisip na may pupuntahan pa si Jy at sa ibang direksyon pa ang bahay ni Mikhael. Dapat, alamin ko muna ang kanilang babalakin kung saan sila magpunta bago ko silang tulungan na magkaayos sila.
BINABASA MO ANG
45315454 1351919175
Novela Juvenil- A Set of Numbers with Hidden Meaning Ano kaya ang matutuklasan sa bawat numero na makikita niya? May magandang pangyayari ba o masama? May sikreto ba siyang madidiskubre? Ano kaya? *** Genre: Teen Fiction (This is not a horror story) Thanks!