Chapter 29: His Birthday (Part 1)
Ngayong petsa na 'to ay birthday ng aking seatmate. Nandito na kami ni Rouie sa bahay ni Zean pero hindi namin siya kasama ngayon, dahil may pinasa pa siyang requirements sa isang subject.
Sina Juniper at Esmee naman ay hindi na kasama sa amin. Dahil may piano lessons ang isa, at 'yung isa naman ay may pupuntahan na importanteng gathering sa kanyang pamilya. Si Rouie ang kasama ko ngayon at sinimulan na niyang pindutin ang doorbell. Mayamaya ay narinig na namin na may nagbukas ng pinto sa kanilang bahay at binuksan ang gate nila.
Pagkabukas ng kanilang gate ay nakita na namin ang ate ni Zean. Napansin niya kami at biglang kumunot-noo siya sa harapin namin. Nagtataka siguro si Ate Ryn kung nasaan na ang kapatid niyang magaling na sobrang gentleman. Wala kasi ang anino ni Zean ngayon sa aming tabi nang nagpunta kami sa kanilang bahay.
"Oh, Tuesday? Si Zean? Kasama niyo bang nagpunta rito sa bahay namin?" pagtatakang tanong ni Ate Ryn sa amin, at napaisip siya sa sitwasyon namin.
"Pinauna na niya kaming pumunta sa bahay niyo, dahil may paperwork siya na kailangang ipasa sa isang subject namin." paliwanag ko sa ate ni Zean, at tumango siya sa akin.
"Kaya pala hindi niyo kasama ngayon, sorry kung hindi kayo sinamahan ng kapatid ko na pumunta rito." paumanhin na sabi ni Ate Ryn sa amin.
"Okay lang 'yun, Ate. Mas importante naman ang gagawin niya kaysa sumabay siya sa amin." sabi ko kay Ate Ryn. Ngumiti ako sa harapan niya, at nakita ko sa kanyang mukha na sorry siya sa nangyari.
"Sige, pumasok na muna kayo at hintayin na lang natin ang aking kapatid." pag-alok ni Ate Ryn sa amin na pumasok sa kanilang pamamahay, at tumango kami ni Rouie sa kanya na bilang sagot namin.
Pinapasok na kami sa loob ng bahay nila, at pinaupo sa kanilang sala para hintayin ang birthday boy ng bahay na ito. Tapos ng pangyayari na 'yun, pumunta na si Ate Ryn sa kanilang kusina dahil may titignan daw siya sa loob nito. Mukhang inaasikaso niya ang handa na ipapakain sa amin para sa birthday ni Zean kaya sinilip niya kaagad ito.
Mayamaya ay bumalik na 'yung ate ni Zean na may bit-bit na tray. Mukhang kumuha rin siya ng pagkaing meryenda para sa amin dahil nauna pa kami sa aming pinuntahan. Dito talaga malalaman na isa siyang maasikasong tao sa kanyang mga bisita. Dito rin malalaman rin na welcome na welcome na pumunta sa bahay nila.
"Kumain muna kayo ng mini cookies na gawa ko para hindi kayo mainip sa paghihintay sa kanya, at baka gutom na rin kayo." pag-aalok ni Ate Ryn sa amin ni Rouie. Sinimulan niyang inilapag sa harapan namin ang tray na may laman at dalawang baso ng juice sa lamesa.
"Salamat, Ate Ryn." pasasalamat ko sa ate ni Zean, at kinuha ko na ang basong juice para inumin ito.
"Thank you, Ate Ryn! Ang anghel talaga ng ugali mo!" tuwang sabi ni Rouie, at dumukot na siya ng pagkain mula sa lamesa na kakalapag lang ngayon.
Kumuha na ako ng maliit na cookies mula sa lamesa at sinimulan ko na itong kainin. Habang kumakain ako ng cookies ay napansin ko na walang katao-tao sa bahay nila. Hindi ko nakita ang isa pang kapatid ni Zean, at pati ang kanyang magulang. Nagtataka tuloy ako bigla kung bakit sila lang ni Ate Ryn ang magce-celebrate ng birthday niya kaya nagtanong kaagad ako.
"Ate Ryn, kayo lang ba sa bahay ngayon?" pagtatakang tanong ko sa Ate ni Zean habang nakatayo siya sa kanyang pwesto.
"Oo, si Zean, si Manang, at ako lang ang nandito ngayon sa bahay. Mamayang gabi pa kasi uuwi ang mga magulang namin at pati si Kuya, dahil sa trabaho na nakatambak sa kani-kanilang opisina. Ang mangyayari ay mamayang gabi na lang naming ipagdiwang ang birthday ni Zean na bilang isang pamilya." sabi ng Ate niya sa amin at ngumiti siya sa aming harapan.
BINABASA MO ANG
45315454 1351919175
Fiksi Remaja- A Set of Numbers with Hidden Meaning Ano kaya ang matutuklasan sa bawat numero na makikita niya? May magandang pangyayari ba o masama? May sikreto ba siyang madidiskubre? Ano kaya? *** Genre: Teen Fiction (This is not a horror story) Thanks!
