Chapter 37: Some Discovered Secrets
Araw ng pasukan ulit ngayon, at kailangan kong pagbutihan ang aking pag-aaral. Mga ilang subject ang natapos ay umabot na ng Lunch Break. Nakalimutan kong dalhin ulit ang aking wallet na nangyari na sa'kin dati sa classroom. Bumalik kaagad ako sa aming room para kunin ito, dahil wala akong pambili ng makakain kapag hindi ko ito binalikan. Makakalimutin na talaga ako at kailangan kong tanggalin ang ganitong gawain.
Nang nakapunta na ako sa aming silid ay kinuha ko ang aking naiwan. Pagkatapos ay napansin ko na may taong natutulog sa tabi ng aking lamesa. Walang iba kundi si Zean ang natutulog na sobrang inonsente ang itsura. Lumapit na ako sa kanya para pag-aralan ang aking seatmate.
Natutuwa ako sa kanya ngayon dahil ang cute niya talagang matulog, at napansin ko sa kanyang itsura na ang sarap ng pagkatulog niya. Nakakuha sa aking atensyon ang kaliwang braso at kamay niya na naglalambitin sa tabi. Ang kanan niyang braso ay ginawa niyang unan. Hinawakan ko ang kaliwang kamay niya, at napansin ko na may mga galos ang kanyang mga daliri. Mabuti naman nang nahawakan ko ito ay hindi nagising ang kasama ko ngayon sa classroom.
Napaisip ako bigla kung saan galing ang mga ito at mayamaya ay nalaman ko na ang dahilan. Na-realize ko na galing ito sa binigay niya na jewelry box bilang reagalo sa akin noong birthday ko. Siya kasi gumawa sa pag-ukit ng mga disenyo ng kahon, at nabanggit niya sa akin na pinagpuyatan niya ito. Hindi ko iniisip na magsasayang siya ng oras para paghirapan para sa akin, at alam ko na may pinagdaanan siya. May nararamdaman na akong kirot sa aking dibdib dahil hindi ko inaasahan ito. Hindi ko talaga makakalimutan ang mga nangyari noong araw ng birthday ko na may masayang memorya.
Hindi ko napapansin na unti-unting gumagalaw ang aking sarili, at hindi ko akalain na nilagay ko sa aking pisngi ang kaliwang kamay niya. Naramdaman ko ang init nito, at pagkatapos ay bigla kong halik-halikan ang mga daliri niyang may galos. Bigla akong na-shock nang hindi ko iniisip na gagawin ko ito sa kanya. Bumilis na lang ang daloy ng aking dugo sa aking kinikilos, at napangiti ako nang mag-isa sa aking kinatatayuan.
Napatigil na lang ako sa aking ginagawa para hindi niya ako mahuli at makaiwas na rin sa gulo. Kapag nalaman ng aking katabi ito ay siguradong maha-highblood siya sa akin. Isama pa na baka mandiri lang at kung ano pa ang iisipin niya sa akin na sabihin manyak ako. Naalala ko rin na hinihintay pa ako ng mga kaibigan ko sa cafeteria kaya umalis na ako sa silid. Hindi na ako pwedeng magtagal dito baka magtaka at hanapin pa nila ako. Ang masama kapag nalaman nila ang kalokohan ko ay aasarin ako ng mga kasama ko. Mabuti na lang na kaming dalawa lang ni Zean ang tao sa silid kaya walang nakakita.
Nakabalik na ako sa aking mga kaibigan tapos nakabili na rin ng makakain. Nang may sariling pagkain na kami ay humanap na ng pwesto at ginawa namin ang laging gawi. Pagkatapos kumain ay bumalik na kami sa aming mga classroom para i-resume ang aming mga klase.
Mga ilang oras ang lumipas ay natapos na rin ang klase. Pumunta kaagad kami ni Rouie sa isang lugar na pwedeng tambayan para gawin ang aming gusto. Nandito na kami ngayon sa isa sa mga stone table ng school para gawin ang aming schoolworks.
Nang natapos na naming gawin ang mga ito ay naglibang kami sa isang laro na dala ni Rouie ngayon. Ang game namin ngayon ay isa sa nakakatulong tumalas ang aming mga isipan. Gusto kasi naming magkaroon ng thrill at magandang exercise na rin sa amin ito; pampagising sa amin.
Mga ilang minuto ang lumipas ay natutulala na lang kami sa isang problema. Hindi na kasi naming makuha kung ano ang ibig sabihin ng mga letra na nasa booklet. Malaking problema sa amin ito dahil hindi na matatapos ang laro kapag hindi na naming masagutan ito.
Habang tinitignan pa rin namin ang problema na nasa harapan ng lamesa ay hindi naming napansin na may lumapit sa amin. Sa sobrang seryoso ay hindi rin naming binati ni Rouie ang taong natayo sa aming pwesto. Nakuha na lang ang atensyon namin nang biglang umubo nang malakas sa aming pwesto. Napatingin na lang kami ni Rouie sa bagong dating, at si Jy pala itong lumapit. Bakit kaya siya nandito?
BINABASA MO ANG
45315454 1351919175
Genç Kurgu- A Set of Numbers with Hidden Meaning Ano kaya ang matutuklasan sa bawat numero na makikita niya? May magandang pangyayari ba o masama? May sikreto ba siyang madidiskubre? Ano kaya? *** Genre: Teen Fiction (This is not a horror story) Thanks!
