Chapter 3: Unexpected Gift

11.4K 101 87
                                    

Chapter 3: Unexpected Gift

Ilang araw na nakalipas, hindi na kami masyadong nag-uusap at nagpapansinan ni Zean. Dahil sa nangyari noong unang araw ng klase, hindi na ako komportable sa kanya kapag kinakausap ko siya. Nahihiya na ako sa mga ginawa ko noong nakaraang araw.

Pumasok na ako sa classroom, at umupo sa pwesto ko sa may bintana habang tumitingin sa labas, dahil napakaganda ang panahon ngayon. Makikita ngayon ang  malaking ngiti ng araw sa itaas. Mayamaya, may biglang lumapit sa akin at nagulat ako dahil ang Presidente ng isang Fans Club lang naman na kasama niya ang kanyang mga alipores. Siguro, may sasabihin ito na hindi importante.

Hindi na si Louisa ang Reyna ng school ngayon, dahil noong naka-graduate siya ng Elementary ay lumipat na ito sa ibang school at hindi na nagparamdam ito sa amin. Ang Presidente ng isang Fans Club na tinatawag na Popular Boyz Fan Club na ang bagong reyna-reynahan ng school. Hindi lang sila ordinaryong fangirls kung hindi mga obsessive fan girls ang mga ito.

Gagawin kasi nila ang lahat para mapunta sa kanila ang kani-kanilang idolo. Tulad ng pananakit sa mga tao na lumapit sa kanilang mga idolo. Ilang report na ang nangyayari tungkol sa insidente na 'to, pero patay malisya pa rin ang mga ito. Ang mga taong ito ay may kapangyarihang kontrolin ang school na ito.

"Hi Tuesday! Tama ba?" pataray na pagbati ni Hanazel. Ang Presidente ng Popular Boyz Fan Club at mukhang gulo ang mangyayari sa usapan na ito.

"Oo, bakit?" diretsong sabi ko na may seryosong mukha sa kanila.

"Hindi ba, katabi mo si Zed ngayong taon? Nakikiusap lang ako na huwag kang maging malapit sa kanya dahil sa akin lang siya!" pagtataray na sabi niya na dinuro-duro niya ko na gamit ang kanyang hintuturo.

Grabe naman sila makaasta ang mga ito, akala nila na sila ang may pag-aari ng school na ito. Kawawa ang mga taong iniidilo nila, dahil ginagawa nila parang bagay ang mga ito. Sila na raw ang may pag-aari sa kanila. Siguro kung nakasuot pa ito ng salamin at mas payat ngayon si Zean, baka hindi na nila papatulan 'yun.

Iba kasi ang itsura niya noon, hindi masyadong kagwapo-gwapo. Pero ng dumating na ng High School, nag-iba 'yung itsura dahil naka-contacts na siya at medyo nagkalaman-laman na ang kanyang katawan kaya mas naging gwapo na siya ngayon. Halos lahat sa kanila  ay hindi nag-aral dito  noong Elementary kaya hindi nila alam ang dating itsura niya. Pero 'yung iba naman ay  alam pero basta gwapo siya ngayon, papatulan na nila.

Hindi rin nila alam ang relasyon namin na magkaibigan kami dati dahil hindi pa siya sikat noon. Wala namang pakialam ang mga tao sa amin noon. Halos lahat sila ay bago sa school noong 1st Year High School, kaya hindi na rin nila nabalita 'yun. Mas maganda, huwag na lang nilang alamin dahil lalo pang magkakagulo ang aming mga buhay.

"Saka, huwag na huwag mo siyang kakausapin!" pautos na sabi niya na parang pinapaalis lang ako na parang asong askal. Sinamaan ko siya ng tingin dahil nainis ako sa sinabi niya.

"Bakit bawal? Paano kung may gagawin kaming pair work na binigay sa amin? Magiging pipe na lang ako?" pangangatwiran sabi ko sa kanila. Wala naman silang karapatan na utusan nila ako. Hindi naman nila ako sunod-sunuran sa school na ito.

"Sinusuway mo ba ako?" naiinis na sabi niya sabay tinaas na niya ang isang kilay niya habang naka-cross arms siya.

"Oo! Pakialam niyo ba kung kakausapin ko siya! Ano ka niya, magulang?" sobrang inis na sabi ko sa kanila. Umiinit na talaga ang dugo ko sa kanila na parang kontrolado na nilang lahat ng buhay namin dito.

"Aba! Sumosobra ka nang magsalita!" pagalit na sabi ni Hanazel parang kumulo na takure lang ang kanyang itsura niya ngayon.

Parang déjà vu lang ang nangyayari ngayon pero maiiba lang ang pangyayari na ito. Hindi na dadating ang maglilitas sa akin ngayon. Kailangan ko na lumaban para sa sarili, bahala na si kapalaran.

45315454 1351919175Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon