Chapter 39: Dearly Moments

1.5K 10 16
                                    

Chapter 39: Dearly Moments

Napadilat na ako ng mga mata, at hindi ko akalain na panibagong araw ulit ngayon. Bumangon kaagad ako sa aking hinihigaan dahil hindi ko ito bahay, at nakakahiyang gumising nang tanghali. Nag-aayos na ako para ipaghanda ang araw na ito. Nakasuot na ako ng aking uniform dahil may pasok pa kami ni Zean, at napag-usapan namin na sabay na kaming pumasok.

Kami na lang ni Seatmate ang nasa lamesa ng kanilang dining room para kumain ng almusal. Nauna na ang ibang tao rito dahil iba-iba raw ang kanilang pasok. Mas maganda nga na kami lang ang nandito dahil naiilang ako kapag may iba pang kasama, at siguradong todo interview ang maabutan ko. Natatakot din ako na makaharap ang ate ni Zean dahil related siya sa aking kapatid.

Pagkatapos na naming kumain ay papunta na sana ako sa may pintuan nila para hintayin doon si Zean sa labas. Hindi natuloy ang aking balak nang nakasalubong ko si Ate Ryn sa may sala. Napansin ko rin na sumesenyas si Ate Ryn sa akin para lumapit ako sa kanya. Pumunta kaagad ako sa pwesto niya dahil wala na akong choice, at alam ko na wala na akong takas sa isyung ito. Mukhang hinihintay talaga niya ako para pag-usapan ang sitwasyon na meron kami.

Kailangang harapin ko ito para malinawan ako kung bakit nangyayari ito. Mukhang malalim ang pag-uusapan namin dahil may masamang aura akong nararamdaman sa paligid. Umupo na ako sa may tabi niya na mabilis kung tumibok ang aking puso na gusto ko nang tumakas dito. Natatakot na ako sa susunod na mangyari baka sumang-ayon kasi si Ate Ryn kay Kuya Monday.

"Tuesday, may sasabihin ako sa'yo. Okay lang ba?" pakiusap ni Ate Ryn sa akin, at parang hinihila na ako sa lupa dahil hindi ko kaya ang mabigat na tensyon.

"Okay lang, Ate Ryn." nanginginig na tugon ko habang pinaglalaruan ko ang aking mga daliri.

"Huwag kang manerbyos sa akin, hindi ko plano na ilayo si Zean sa'yo. Masakit din para sa akin na hindi ulit kayo magkasama na parang nangyari sa inyo ng ilang taon." mahinahon na sabi niya sa akin, at tinapik ang isa kong balikat para ipakita na okay lang ang lahat.

Ako naman ay biglang nagising sa kanyang sinabi na parang natapunan lang ng mainit na kape. Mukhang napaliwanag na ni Zean ang lahat ng sitwasyon na nangyari kagabi. Ang bilis talaga ng takbo ng orasan para kumalat ang impormasyon na ito. Tama nga ang iniisip ko na tungkol sa kahapon ito, at mukhang lumalaki na ang problema.

Mukhang hindi okay kay Ate Ryn ang gusto ng kapatid ko sa ginawa sa amin ni Zean. Napahinga ako nang maluwag sa aking narinig, at natanggalan ako ng tinik sa aking dibdib. Mabuti naman na walang balak si Ate Ryn na gawin ang plano ni Kuya. Siguro, dumudugo na ang puso ko dahil bumaon pa lalo ang tinik kapag tumulong pa siya sa aking kapatid.

Ang pinagtataka ko lang ay kung ano ang dahilan kung bakit nila sinusunod ang gusto ni Kuya. Mukhang may something talaga sa kanila na wala akong alam sa nangyayari. Like, may tinatawag silang dark secret na bitbit. Hindi ko iniisip na ganito ang nararamdaman ni Ate Ryn sa amin na nasasaktan din siya para sa amin.

"Ate, alam mo na ang nangyari sa akin?" pag-aalala na tanong ko habang tinuturo ko ang aking sarili. Ngumiti naman si Ate Ryn sa aking harapan, at ang tamis ng itsura nito na para siya isang anghel. Pero hindi nagtagal ay nag-iba kaagad ito; naging kalungkutan na ang kanyang mukha.

"Oo, nakwento ni Zean sa akin kagabi kung bakit ka nandito ngayon. Hindi ko alam ang aking gagawin nang narinig ko ang ganitong balita. Hindi ko expected na matindi ang mangyayari sa inyo ng kapatid mo, dahil parang hindi kayo mapaghiwalay kapag magkasama kayo. Sabagay, masakit talaga ang ginawa ng kuya mo sa'yo kaya may karapatan ka na gawin mo ang paglalayas, at magalit sa iyong kapatid. Ang tiwala niyo sa isa't isa ang nasira sa sitwasyon na ito." malungkot na wika niya sa akin, at tagos din sa buto ko ang karamdaman niya ngayon.

45315454 1351919175Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon