Chapter 25.5: Date? (Part 2)
Nakarating na kami sa isang restaurant, at napanganga na lang ako sa pinuntahan namin. Ang restaurant na 'yun ay napakasosyalin ang itsura, at hindi ito isang simpleng kainan. May mga magandang ilaw na nakasabit sa taas, at may mga pulang bricks sa pader bilang disenyo ng restaurant. May mga halaman din na nakalagay sa iba't ibang bahagi ng restaurant para mabuhay ang paligid nito.
Ang mga lamesa ay gawa sa marmol, may mga nakapatong na bulaklak sa gitna ng table, at ang mga upuan ay gawa sa kahoy na may magandang disenyo. Tapos, naka-coat and tie ang suot ng mga waiter doon, at ang professional din sila kung mag-entertain ng mga customer.
Nakaupo na kami sa isang table sa loob, at sinimulan na naming basahin ang menu para makapag-order na kami. Pagkatingin ko sa menu ay nanlaki ang mga mata ko sa mga nabasa ko. Kaya pala ang ganda ng lugar, ang mahal din pala ng mga pagkain dito. Nang pagka-order namin ay sobrang tahimik na namin, at pareho lang kami nagte-text sa aming mga cellphone.
Mayamaya ay dumating na rin ang mga pagkain namin, at nagsimula na kaming kumain. Habang kumakain na kami ay bigla na lang ako napatulala. Nag-aalala kasi ako sa kinakain namin kung kaya ni Zean na bayaran ang aming mga inorder, sobrang mahal kasi rito.
Nasisiraan na yata siya ng bait kung bakit niya napag-isipan na parang isang date ang ginagawa namin, at gusto niyang gumastos ng ganito. Nang napansin ni Zean na hindi na ako kumakain sa aking inorder ay bigla niya akong kinausap.
"Ano na naman ang problema mo?" tanong niya sa akin na may halong inis sa kanyang tono.
"Sigurado ka bang okay lang na kumain dito?" pag-aalalang tanong ko sa kanya, at napakunot ang noo niya habang sinubo niya ang spareribs na inorder niya.
"Bakit may problema? Hindi ba masarap ang pagkain dito?" nauutal na tanong niya sa akin. Ang itsura niya ngayon ay parang may ginawa siyang kasalanan sa akin.
"Masarap naman ang mga pagkain dito, ang problema ko kasi ay ikaw. Napakamahal kasi ang mga pagkain dito tapos ikaw pa ang manlilibre. Sobra na ito, Zean." pangangatwiran ko sa kanya, at narinig ko siyang nagbuntong-hininga.
"Okay lang sa akin, dahil bihira na tayo magkasama ng ganito. Matagal na rin tayo na hindi namamasyal na tulad dati." ngiting sabi niya, at napatangin ako sa kanya.
Natuluyan na yatang na-programmed si Zean dahil ang sobrang bait niya, at ang amo ng mukha niya. Natutuwa rin ako na hinahalukay niya ang kahapon namin, nakakataba ito ng aking puso. Ang problema ay nakakahiya na talaga ako sa kanya.
"Pero." hiyang sabi ko sa kanya.
"Huwag mo nang isipin baka tumanda ka kaagad." sabi niya sa akin, at natawa na siya sa aming pwesto.
Pinagpatuloy na lang namin ang aming kinakain, at habang ginagawa namin ito ay biglang may lumapit na babae sa aming table. Hindi ko lang siya mamukhaan kung sino ito, pero parang pamilyar siya sa akin. Hindi naman siya taga-school namin dahil hindi ko siya nakikita sa campus, baka sa ibang lugar ko lang siya nakita.
Maganda siya na parang diyosa ang mukha niya, at mukhang kilalang-kilala niya si Zean dahil binati niya kaagad ito. Nang nakalapit na ang babae sa amin table ay nilapag na niya ang mga paper bag na pinamili sa mall, at biglang niyang niyakap si Zean sa harapan ko. Marami talagang garapata si Zean na ang sarap tirisin dahil sagabal na sila sa aking lovelife.
"Zean! Zean!" sigaw ng bagong dating na babae sa aking seatmate, at sinimulan tulakin ni Zean ang babae para matanggal ang yakapan nila.
"Bakit ka nandito?" iritang sabi ni Zean sa babae, at narinig ko ring tumawa na may halong landi ang bagong dating. Nang natanggal na ang pagyakap ng bagong dating kay Zean ay tumabi ang babae sa aking seatmate.
BINABASA MO ANG
45315454 1351919175
Teen Fiction- A Set of Numbers with Hidden Meaning Ano kaya ang matutuklasan sa bawat numero na makikita niya? May magandang pangyayari ba o masama? May sikreto ba siyang madidiskubre? Ano kaya? *** Genre: Teen Fiction (This is not a horror story) Thanks!
