Chapter 42: Jumbled Life

1.1K 19 9
                                    

Chapter 42: Jumbled Life

Ilang araw na ang lumipas ay nasa ospital pa rin ako para pagalingin ang nabalian kong paa. Masaya ako na nakumpleto ang aking medical exams, at pasado lahat ang mga ito. Sobrang kinabahan ako sa ginawa ko, baka kasi may balitang masama na nakakasakit sa aking puso.

Baka mabaliw na ako kapag may malubhang sakit ako na walang lunas. Naalala ko tuloy bigla ang mga nababasa, at napapanood kong tragic story na may nakuhang nakakamatay na sakit. Tapos, may nangyayaring nakakaiyak na eksena. Sobrang grabe lang ang imahinasyon ko na tumatalon sa ganitong sitwasyon.

Habang naglalaro ako ngayon sa aking cellphone ay biglang may dumalaw sa akin. Napatingin ako sa bagong pasok na bisita, at lumapit kaagad ito sa akin. Si Zean ang nagpunta rito sa loob ng kwarto na may dalang dalawang paperbag, at wala siyang kasama. Ang galing niyang tumiming na laging walang tao rito. Minsan, hindi ko alam kung anong ekspresyon ang ipapakita ko sa kanya.

Nasa labas kasi ulit si Mama nang may kakausapin daw siya ng mga tao na hindi ko alam kung sino. Doctor siguro 'yun o nurse, dahil 'yun lang naman ang karamihan ang nandito sa lugar. Si Kuya naman ay may binili sa may malapit na tindahan dito. Naubusan na kasi kami ng supply ng pagkain at inumin dito; mahirap na kapag nangyari ito. Isama na rin na naghahanap sa labas siguro si Kuya Monday ng mga bagay na nagpapalibang sa kanya, dahil minsan ay walang magawa rito.

"Tuesday, kamusta ka na?" mabuhay na pagbabati niya sa akin, at kumuha ng upuan para tabihan ako ngayon.

"Ikaw ulit? Ano ang ginagawa mo rito?" prangkang tanong ko, at sumalubong ang dalawang kilay niya sa akin. Lagi kasing dumadalaw si Zean rito kaya ko ito nasabi nang biglaan. Isama pa na gusto ko lang siyang pagtripan para makita ang kanyang reaksyon.

"Dinadalaw ka, obvious ba?" pambabara niya sa akin, at pinakita niya na sobrang sama ang kanyang itsura.

Obvious naman kasi ang sagot sa tanong, at tinanong ko pa. Ayan tuloy, nagsungit siya sa akin. Baka mamaya ay mag-walkout dahil sa asal ko. Ang galing ko talaga na halatang wala akong masabi sa kanya kaya mga common sense na question ang nasabi ko. Na-wrong move ako rito, at dapat pala inayos kong mabuti ang operation sa pang-aasar.

"Hindi ka nagbabago na masungit ka pa rin." pagkokomento ko. Nagsusulat ako ng kung ano sa aking kumot na gamit ang aking index finger, at ngumisi siya sa akin.

"Ikaw rin, walang pagbabago at pati ang kinabukasan mo." pang-aasar na sabi niya sa akin, at binato ko siya ng unan na natamaan sa kanyang kaliwang braso na nahulog sa sahig. Kinuha niya kaagad ito para ibalik sa akin ang aking binato sa kanya.

"Kainis ka! Umalis ka na nga!" naiinis na sigaw ko. Natatawa si Zean sa akin, at kinurot niya ang isa kong pisngi.

Hindi ko na alam kung matutuwa ako, o maiirita lang ako na nandito si Zean. Minsan kasi ay nagpupunta lang dito para sirain ang aking araw. May times na bad mood itong si Seatmate na biglang nagsusuplado sa akin na walang rason. Ang gulo talaga basahin ang kanyang personalidad na may araw din na masaya siya, at matinong kausap.

Dumadalaw rin ang iba ko pang kaibigan, at pati sila Kyu kapag libre sila. Hindi magbabago na sobrang buhay ang kwarto ng ospital kapag nag-iingay sila. Isama na sila ang kakampi ko para tulungan ako sa pang-aasar at pang-aaway ni Zean sa akin. Ang malas na kami lang ni Zean ngayon, at todo asar ang ginagawa niya sa akin.

"Joke lang, ang tindi mong mag-react." mahinahon na tugon niya, at lumakas ang tawa niya dahil may kakaibang reaksyon daw akong ginagawa. Napakunot-noo na lang ako dahil sa taong ito, habang hinihimas ang kaliwang pisngi ko. Ang lakas ng trip niya na gawin sa akin ang mga ito, at ayaw ko ring mapagtripan niya ang aking pisngi na hindi naman malaman ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 05, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

45315454 1351919175Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon