Chapter 27: Re-connect
Nagsimulang bumaba ang bintana ng kotse, at napitingin ako sa taong nakasakay sa loob. Si Kyu ang nakita ko, at lumaki ang aking dalawang mata. Hindi ko alam na madami palang kotse si Kyu kaya hindi pamilyar sa akin ang sasakyan na gamit niya ngayon. Iba rin ang sasakyan na ginamit namin noong hinatid kami sa aming bahay, at noong pumunta sa bahay ni Zean. Ang masasabi ko lang ay mayaman na bata itong si Kyu.
"Hi Tuesday!" masayang bati niya, at kumaway siya sa aking harapan.
"Hello Kyu," nahihiyang bati ko, at kumaway rin ako sa kanya.
"Tuesday, saan ka pala pupunta?" diretsuhan tanong ni Kyu sa akin, at ngumiti siya sa aking harapan.
"Sa may grocery na lagpas sa kalyeng ito." sagot ko sa kanya.
"Ah ok, gusto mo bang samahan kita?" pag-aalok niya sa akin.
"Okay lang ako, salamat na lang." pagtatanggi ko sa kanya with matching hand movements na kasama sa harapan niya. Nakakahiya naman kung sasamahan niya ako ngayon, baka may gagawin pa siyang importante at nakakasagabal ako sa bala niya.
"Tuesday, sasamahan na pala kita. Bawal kang magsabi ng hindi, dahil gusto talagang sumama sa iyo." sabi ni Kyu sa akin, at napakunot ako ng noo.
Ang kulit lang niya, dapat hindi na lang siya nagtanong kanina kung nagpupumilit lang sumama sa akin. Medyo malabo minsan kausapin si Kyu, pero hindi pa rin nagbabago na isa siyang gwapo na nilalang.
"Okay lang sa iyo? Baka naman may gagawin ka pang iba kaya ayaw ko na sumama ka." paninigurong sabi ko, at narinig ko siyang tumawa.
"Oo naman, gusto ko kasing makita kung ano ang bibilhin mo sa grocery store. May gusto din akong bilhin sa tindahan kaya sasama rin ako." masayang paliwanag niya sa akin, at natawa ako sa sagot niya.
Ito ang nakakatuwa kay Kyu para siyang bata kung kumilos, at ang cute niyang tignan na kahit ilang beses ko na sinabi ito. Nagugustuhan ko ang ganyan na ugali niyang masaya dahil nagbibigay buhay ang ating paligid. Hindi tulad ng isa kong kaklase na parang araw-araw may masamang espiritu sa palagid niya.
"Sige, malakas ka sa akin." sabi ko sa kanya, at nakita kong nagliwanag ang kanyang mga mata na parang stars ito.
"Yes! Thanks, Tuesday! Sakay ka na!" tuwang sabi ni Kyu, at narinig kong binuksan niya ang lock ng kotse para makasakay na ako sa loob.
"Ako ang dapat magpasalamat sa iyo dahil sasamahan mo ko." ngiting sabi ko sa kanya, at sumakay na ako sa sasakyan niya.
Mga thirty minutes ang lumipas ay nakarating na kami sa grocery store, at namangha si Kyu nang nakita niya ang itsura nito. Natutuwa siya ngayon dahil marami siyang makikita ng iba't ibang produkto na naka-display sa mga lalagyan ng bawat section sa grocery. Nagsimula na kaming maglakad ni Kyu para bilhin ang kailangang ipamili namin.
Habang tumitingin na kami sa paligid ay biglang may nag-text sa aking cellphone. Napatigil ako sa aking paglalakad, kinuha ko ang aking mobile, at tinignan ko kaagad kung sino 'to. Sumalubong na lang ang dalawa kong kilay sa aking nabasa.
-------------
From: Kuya Lunes
Martes huwag ka munang umuwi sa bahay
bilhan mo ko ng makakain sa grocery.
Tulad ng noodles, junk foods, popcorn
o kahit ano na pwedeng kainin.
BINABASA MO ANG
45315454 1351919175
Teen Fiction- A Set of Numbers with Hidden Meaning Ano kaya ang matutuklasan sa bawat numero na makikita niya? May magandang pangyayari ba o masama? May sikreto ba siyang madidiskubre? Ano kaya? *** Genre: Teen Fiction (This is not a horror story) Thanks!
