Chapter 4: The Suspicious Note
Nang nakita ko 'yung bote na nasa bag; mabuti hindi ito nabasag, maayos kasi 'yung pagkalagay nito. Bigla ko na lang kinuha ang papel na nakarolyo na kasama sa bote. Binasa ko 'yung unang page ng papel na may sinabi na:
----------------------------------
----------------------------------
XIEMW VSBOWRGREYA
Ang mga stars ay nagsisilbing mga ala-ala natin, dahil minsan ay nagtatago sa sobrang lalim sa kalangitan. Hindi mo sila kaagad napapansin, minsan bigla na lang ito susulpot sa iyo, at maalala mo ulit ang mga magagandang pangyayari sa iyo.
----------------------------------
----------------------------------
Habang binabasa ko na ang papel, sobrang naloka ako. Dahil kakaiba 'yung unang sentence na nabasa ko, literal na hindi ko ito maintindihan ang nakasulat. Nang natapos kong basahin 'yun. Binuklat ko naman 'yung pangalawang papel na may nakita naman ako mga numero at iba pa.
----------------------------------
----------------------------------
Solve this Problem
0 1 0 0 1 0 =
2
Pag nakuha mo ito!
Congratulations! Nakuha mo ang first clue ng secret message na ito!
----------------------------------
----------------------------------
Nang nabasa ko na ang pangalawang papel, lalo pa akong nabaliw dahil may pinapasagutan na kakaibang problem. 'Yung magiging sagot na makukuha ko ay 'yung ang magiging isang mensahe. Nang natapos kong basahin, may natuklasan ulit ako na isang panibagong papel na may kasulat ay eto:
----------------------------------
----------------------------------
Dear Tuesday,
Lagi mo 'tong tatandaan na...
Lagi kitang poprotektahan sa kahit anong mangyari.
Ingat!
From:
HXUVLWAMAIN MIO IRTJO QKDUNG SWIFNVO NEACGBIDHGPAJY NZISTLO
----------------------------------
----------------------------------
Kung sino man ang sumulat ng note na ito ay nakakabaliw na talaga. Pinapa-solve ba naman niya sa akin na hindi ko alam kung paano ko gagawin 'yun, hindi pa kasi ito tinuturo sa school. Ang hina ko pa naman sa Math, parang nang-aasar lang ito sa akin.
Mukhang jejemon pa 'yung nagbigay sa akin, kasi may mga salita na hindi ko maintindihan. Mas malala pa ay may sinulat nga siyang pangalan dito sa papel pero hindi naman 'yung ang totoong pangalan niya, parang ginugood time lang ako ng nagbigay nito.
Kinabukasan, sobrang inaantok pa ko at tinatamad pumasok dahil kinulang ako sa tulog. Kakaisip ko sa isang note at sa regalo na hindi ko inaasahan. Mukhang miserable pa ang itsura ko, dahil nagkaroon na ko ng dalawang malaking eyebags na nagmumukhang panda, sanhi ng pagkapuyat ko kagabi.
Medyo tumahimik na sila Hanazel sa akin dahil alam naman nila na hindi na kami nagkakausap at nagpapansinan ni Zean, except for pair works. Hindi na rin Zean ang tawag ko sa kanya, dahil sabi niya na huwag na siyang itawag sa pangalawang pangalan. Since, back to zero naman ulit ang relasyon namin.
BINABASA MO ANG
45315454 1351919175
Teen Fiction- A Set of Numbers with Hidden Meaning Ano kaya ang matutuklasan sa bawat numero na makikita niya? May magandang pangyayari ba o masama? May sikreto ba siyang madidiskubre? Ano kaya? *** Genre: Teen Fiction (This is not a horror story) Thanks!