Chapter 38: Tangled Situation
Nakasakay na ako ngayon sa jeep para puntahan ang bahay ni Rouie. Hindi pa rin pumapasok sa isipan ko ang mga salitang sinabi ni Kuya Monday kay Ate Ryn. Gusto ko nang makalimutan ang aking natuklasan pero hindi ko magawa. Kung pwede lang mawala ang ibang ala-ala ay ginawa ko na pero imposible mangyari ito. Sana may pambura lang na nakakatulong burahin ang ibang memorya na hindi ko gusto.
Sa sobrang gulo ng aking isipan ay hindi na ako nakababa sa pupuntahan ko. Napadpad na ako sa huling babaan ng jeep. Nalaman ko na lang ito nang sinita ako ng driver na ang hanggang dito na lang ang destinasyon niya. Bumaba na lang ako, at nagsimulang maglakad palayo sa binabaan ko.
Hindi ko na alam kung saan na ako nagpupunta, basta naglakbay na lang ako kung saan akong dalhin ng aking mga paa. Dapat, sasakay na ako ng jeep pabalik papunta kala Rouie ngunit hindi ko ginawa. Sa dahilan siguro na hindi pa ako handa magpaliwanag sa aking kaibigan, at gusto ko pang mapag-isa muna. Ang dami ko pa ring iniisip na kung ano ang susunod na mangyayari sa aking buhay. Mas maganda nga na maglakad muna rito para mahimasmasan ang aking pag-iisip.
Mga ilang hakbang ang nagagawa ko sa lugar na ito ay hindi ko akalain may nabunggo ako. Hindi ko kasi tinitignan ang aking dinadaanan dahil naglalakad na ako nang nakayuko. Nalibang kasi ako sa pagsipa ng mga maliliit na bato sa lupa. Nakakatanggal kasi ng stress, at nakakawalang problema sa aking ginagawa ngayon. Hindi ko akalain na malakas ang impak nang pagkabangga ko kaya sinita ako ng aking nabiktima.
"Pwede bang tignan mo ang dinadaanan mo! May mga mata ka ba?" pagsusuplado ng lalaki na nabangga ko ngayon. Parang pamilyar sa akin ang boses na ito pero hindi lang nag-process sa aking utak kung sino.
"Sorry. Hindi ko sinasadaya ang ginagawa ko, hindi kasi ako tumitingin sa aking dinadaanan." kinakabahan na sabi ko, at hinigpitan ko ang pagkahawak sa strap ng aking backpack. Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin ng nabiktima ko dahil iritang-irita na siya sa akin.
Napatingin na lang ako sa taong naninigaw sa akin para malaman ko kung sino ito. Nang nakita ko na ang lalaki ay nanlaki ang aking dalawang mata na hindi ko iinasahan na si Zean pala ito. Bakit siya pa ang nagpakita sa akin? Ayoko siyang makita, dahil kasama rin siya sa problema ko ngayon. Mas maganda na umalis na ako rito baka kung ano pa ang mangyari na hindi ko pa gusto. Nagsisisi na ako na hindi kaagad ako sumakay ng jeep, at nagmumuni pa rito.
"Tuesday! Ano ang ginagawa mo rito?" diretsuhan na tanong ni Zean sa akin. Ako naman ay napahawak sa aking dibdib, at napagkagat ng labi nang saglit.
"Actually, hindi ko nga alam kung bakit ako nandito. Namamasyal lang siguro na walang plano." walang interesadong sabi ko sa kanya habang pinaglalaro ko ang lupa ng tinatapakan namin ngayon.
"Ang lakas ng trip mo! Para kang lutang na multo na walang mata!" pang-aasar na sabi niya at inikutan pa niya ako ng kanyang dalawang mata. Sumalubong bigla ang dalawang kilay ko sa aking narinig.
Nakakainit siya ng ulo at hindi rin siya nakakatulong na mawala ang masama kong mood. Sabagay, ito naman talaga ang ugali ng Menopausal Prince na ito na bagay sa kanya ang nickname na binigay ni Jy. Gusto ko nang tumakas dito para makahinga na ako nang maluwag. Akala ko mapayapa na ang labas ng bahay pero mali ako ng aking iniisip.
"Manlalait ka na lang ba? Tapos ka na ba magsalita? Kung oo, aalis na ako. Good bye!" pagsusungit ko sa kanya. Nagsimula na akong maglakad, ngunit hinawakan niya ang isang braso ko para hindi matuloy ang aking pag-alis.
"Teka! Bakit ganyan ang itsura mo? Bakit namamaga ang mga mata mo? Bakit para kang musmos na bata ang itsura mo?" intrigang tanong niya sa akin na may halong lait.
BINABASA MO ANG
45315454 1351919175
Teen Fiction- A Set of Numbers with Hidden Meaning Ano kaya ang matutuklasan sa bawat numero na makikita niya? May magandang pangyayari ba o masama? May sikreto ba siyang madidiskubre? Ano kaya? *** Genre: Teen Fiction (This is not a horror story) Thanks!
