Chapter 24: Overtime

8.2K 24 11
                                        

Chapter 24: Over Time

Nandito na ako ngayon sa may isang kainan, kung saan kami kumain nila Kyu noong late kaming nakauwi dahil sa parusa na nakuha namin. Nakatayo na ako sa isang tabi para hintayin ang mga kasama ko sa paggawa ng research paper.

Nakatingin na lang ako sa paligid para malibang ang aking sarili. Habang naglalakbay ang paningin ko sa isang kalye ay may nakita akong lalaki na naglalakad na papunta sa kainan ng kinatatayuan ko. Habang lumalapit ang lalaki sa akin ay napansin ko si Jy ang bagong dating na papunta rito.

Nakasuot siya ngayon ng isang simpleng na t-shirt na kulay brown, naka-maong pants na medyo punit-punit ito, rubber shoes na kulay puti na may halong blue, at may dala siyang backpack sa kanyang likuran. Habang naglalakad siya ay nakalagay sa kanyang bulsa ang dalawa niyang kamay. Hindi pa rin nagbabago na siga siya kung maglakad, at magulo pa rin ang kanyang buhok na gusto kong ayusin. Kahit ganyan ang itsura niya ay posibleng mahulog ang puso ng mga babae sa kanya, dahil may itsura at cool siya.

"Hi Tuesday, My Loves!" tuwang sabi ni Jy, at hinawakan niya ang ulo ko para guluhin ang aking buhok.

"Uhm, hello?" alanganin sabi ko sa kanya.

"May dala ka bang laptop ngayon?" direstsuhan tanong niya sa akin, at napakunot-noo ako sa kanya.

Hala! Hindi ko alam na kailangan palang magdala ngayon ng laptop, wala kasi akong maalala kung may sinabi o nag-text si Zean sa akin na magdala ngayon. Lagot ako nito kapag nalaman ko na pinagdadala ako ng aking seatmate. Sigurado na puro sermon ang makukuha ko mula sa kanya. Magpapaliwanag na lang siguro ako sa kanya tungkol dito para mailigtas ko ang aking sarili.

"Laptop?" pagtatakang na tanong ko sa kanya na may blangko ang aking mukha.

"May sinabi si Menopausal Prince sa text na kailangan daw nating magdala ng laptop ngayon." paliwanag ni Jy sa akin, at napaisip ako sa kanyang sinabi.

"Text?" gulat na tanong ko, at napalaki ko ang aking mga mata. Hindi ko talaga maalala na may sinabi siya na magdala ako ngayon, tumatanda na yata ako kaya hindi ko alam ang bilin ni Zean.

"Wala ka bang natanggap na text na galing sa kanya?" tanong niya sa akin.

"Wait, check ko." sabi ko kay Jy.

"Okay," tipid na sagot niya at nakatingin lang siya sa akin.

Kinuha ko na sa aking bulsa ang cellphone ko, at sinimulan kong basahin ang text niya. Nang nabasa ko na ang text ay ngayon ko lang nakita ang last sentence ng text niya na hindi ko na kailangang magdala ng laptop.

Si Zean na raw kasi ang bahala sa laptop na gagamitin ko, ang talino ko talaga na hindi ko ito nabasa. Hindi ko nabasa ng buo ang text kahapon dahil nagmamadali ako. Hindi ko rin masyadong pinansin dahil sa inis ko sa kanya kahapon. Nang natapos kong basahin ang text ay napatingin na lang ako kay Jy, at kinausap ko na siya tungkol dito.

"Meron. Sinabi lang niya sa akin na magdala lang ng extra clothes for emergency purposes daw, at kung ano ang dapat kong dalhin na kailangan ko. Meron naman siyang binanggit tungkol sa laptop na ngayon ko lang nabasa, pero sinabi niya na hindi ko na raw kailangan magdala." paliwanag ko kay Jy.

Inabot ko ang aking cellphone kay Jy para mabasa niya ang text na binigay sa akin ni Zean. Kinuha na niya ito, at sinimulan na niyang basahin ang nakasulat. Nang natapos na niyang tignan ito ay sumama na lang ang tingin niya sa cellphone ko, at binalik na sa akin ang hawak niyang mobile phone.

"Kainis ang mokong na 'yun, pinahirapan ako!" sigaw ni Jy sa akin na may galit sa kanyang tono.

"Baka naman may rason siya kaya nagpadala ng laptop sa inyo." pagdadahilan ko naman sa kanya, at sumalubong ang dalawa niyang kilay.

45315454 1351919175Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon