Chapter 14: Team Love Square

9.9K 35 38
                                    

Chapter 14: Team Love Square

Simula noong araw nang dumating si Jy, hindi ko akalain na mas magulo ang aking buhay. Dahil hindi ko alam na kung ano ang pinagtatalo nilang dalawa ni Kyu na parang aso't pusa. Kapag binabati ako ng isa ay sisingit ang isa tapos sigawan na ang uwian. Minsan kapag may dala akong mabibigat na libro, imbis na tutulungan nila ako ay napunta na lang sa away nila. Pati sa pagpapahiram ng ballpen ay mag-aagawan pa sila kung sino ang unang makakakuha.

Nang nakarating na ako sa classroom bigla na lang akong nagulat at napahawak sa aking dibdib. Bigla na lang bumungad kasi sa harapan ko si Kyu. Ang dami sigurong nakain na asukal ang taong ito dahil super kulit niya lagi. Nakalimutan ko, mahilig pala siya sa mga matatamis kaya siguro ganito siya.

"Tuesday, how's your day?" pangangamusta niya sa akin.

"Okay naman Kyu, ikaw?" sagot ko sa kanya at binato ko ulit ang tanong niya.

"Mas masigla ngayon dahil nakita kita ngayon." masayang sagot niya sa akin at binatuhan ng isang matamis na ngiti.

"Ah, okay." tipid na sagot ko. Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko, masyadong direct to the point ang sinasabi niya sa akin. Masayahing tao itong si Kyu, laging may good vibes sa paligid. Hindi ko na alam kung niloloko niya ako sa kanyang mga sinasabi.

"Ang cute-cute mo kapag nahihiya ka." tuwang sabi niya sa akin at tinapik-tapik ang aking balikat.

"Eh?" pagulat na tanong ko kay Kyu, dahil nabigla ako sa kanyang sinabi na hindi naman totoo.

"May ibigay ako sa iyo, wait lang." sabi ni Kyu at hinahanap na niya ang ibibigay sa kanyang bag. Ano kaya iyon?

"Sige." diretsong sagot sa kanya at may inabot siya sa akin ng isang plastic na may laman na small chocolates.

"Gawa namin ng aking pinsan dahil wala kaming magawa sa bahay kahapon." tuwang sabi niya at nakita ko siyang nag-pouty face.

Ang sweet naman ni Kyu dahil tinulungan niya ang pinsan niya gumawa ng chocolates. Tapos nakakatunaw sa puso na bigyan niya ako ng chocolate ngayon, ang swerte ko naman. Ang dami na naman siguro mainggit na babae sa akin, delikado na naman ako nito. Patay! Pero isang perfect guy si Kyu, ang galing niya kasing magluto, sweet, at gwapo pa. Isang perfect package siya para sa isang babaeng naghahanap ng love life.

"Thank you, ang galing mo naman gumawa nito." manghang sabi ko sa kanya at tinitignan ko ang plastic na may laman na white at brown chocolates.

"Your welome, anything for you my friend." masiglang sabi ni Kyu at hinawakan ang dalawa kong kamay. Habang nakahawak pa rin siya ay biglang dumating si Jy at dumaan sa harapan namin ni Kyu.

"Anong ginagawa mo sa Loves ko?" sigaw ni Jy at pinaghiwalay niya ang paghawak ni Kyu sa aking mga kamay.

"Hindi naman kayo, pakialam ko!" maangas na sabi ni Kyu.

"Kung magsalita ka, akala mo rin kayo rin, 'no?" pasagot na sabi ni Jy at tinaasan niya ng isang kilay si Kyu.

"Masama ba kausapin ang tao?" inis na sabi ni Kyu kay Jy.

"Yes, because she's my property!" pasagot na sabi ni Jy kay Kyu at hinawakan ako para patunayan na kanya raw ako. Teka, kailan nga ba akong nagkaroon ng owner? Ang lakas talaga ng mga trip nila kung anu-ano na ang mga sinasabi. Sana tumigil sila at ako na ang naririndi sa away nila.

"Property? Tatandaan mo ito, hindi bagay si Tuesday!" galit na sabi ni Kyu at tinulak niya si Jy.

"Wala ka nang pakialam sa aking trip!" pasagot na sabi ni Jy at tinulak niya rin si Kyu. Parang hangin na ako sa dalawang ito, dahil hindi na nila ako pinapansin sa ginagawa nila.

45315454 1351919175Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon