Chapter 26: Dalawang Singko

8.2K 23 14
                                    

Chapter 26: Dalawang Singko

Nandito na ako ngayon sa may Garden of Peace, dahil may sasabihin daw ang seatmate ko na hindi ko pa rin alam kung ano 'yun. Nang nasa loob na ako ng hardin ay nakita ko siyang nakaupo, at nagte-text sa isang bench. Lumapit na ako sa kanya, at umubo ako sa kanyang harapan para mapansin niya ako.

Masyado siyang seryoso sa kanyang ka-text, at na-curious tuloy ako kung sino ang kausap niya sa mobile. Hindi ko na muna pinakialaman 'yun, dahil kailangan kong malaman kung bakit pinapunta niya ako rito. Alam na ni Zean na nandito na ako kaya nilagay niya kaagad ang kanyang cellphone sa bulsa niya, at umayos na siya ng upo para makapag-usap na kami.

"Hello." bati niya sa akin na may malamig na boses, at napansin ko na magulo ang kanyang buhok.

Hindi pa rin siya nagbabago na laging malungkot ang kanyang paligid, walang kasigla-sigla kasi ang pagbati niya sa akin. Napansin ko rin na inaantok pa siya, nagpuyat siguro siya kagabi kaya para siyang low battery ngayon.

"Zean, ano na ang sasabihin mo?" direstuhan na tanong ko sa kanya habang nakatayo ako, at sumalubong ang dalawang kilay niya.

"Malapit na birthday ko." diretsong sabi niya sa akin at napakunot-noo ako sa kanya.

Hindi ko maintindihan kung bakit binabanggit niya ang kanyang birthday ngayon, at alam ko naman ang date ng birthday niya. Ano kaya ang problema niya? Nagpaparinig ba siya para bigyan ko siya ng regalo? May ipapabili ba siya sa akin? Gagawin ba niya ako na isang alipin kaya ganito? O, tinetesting niya siguro ako kung alam ko pa ang date ng birthday niya kaya sinasabi sa akin? Naguguluhan na ako sa kausap ko ngayon; hindi ko alam kung ano ang pinapahiwatig niya.

"E, ano ngayon? Wala akong pakialam sa birthday mo!" pananaray ko sa kanya, at sinimaan niya ako ng tingin.

"Masyado ka na yatang nahawa sa akin, ang sama na rin ng dila mo." inis na sabi niya sa akin, at nilagay ko ang aking dalawang kamay sa baywang ko.

"Siyempre, araw-araw mo kaya ako ginaganyan! Paanong hindi ako mahahawa sa iyo?" pananaray ko sa kanya, at tinuro ko siya na gamit ang aking index finger.

"Huwag mo kong pagsalitaan ng ganyan, at baka putulin ko 'yan ang dila mo ng wala sa oras!" pasupladong sabi niya. Tumayo siya sa aking harapan para mapantayan niya ako, at binigyan niya ako ng nakakatukaw na tingin sa kanyang mga mata.

"Bagong tasa yata ang dila mo, ano na kasi ang sasabihin mo? Huwag ka nang magpakipot!" inis na sabi ko sa kanya, at pinalo ko sa siya sa kanyang likuran na kunwari close na kami.

"Gusto ko kasing pumunta ka sa aking birthday," sabi niya sa akin, at meron na akong pagtataka sa aking mukha.

Seryoso ba talaga siya sa kanyang sinasabi? Ano na ba talaga ang nangyayari sa kanya ngayon? May sumapi na ba talaga sa kanya kaya unti-unti na siyang nagbabago? Nakakagulat ang taon na ito na invited ako sa party niya. Sa alam ko ay hindi niya ako pinapunta sa ganitong okasyon dahil galit na siya sa akin. Medyo natutuwa ako ngayong araw dahil naalala na niya ako bilang kaibigan niya, sana.

"Paano kung ayaw ko?" pang-aasar na tanong ko sa kanya, at sumama ang itsura ni Zean.

"Isusumbong kita kay Ate Ryn kapag hindi ka pumunta." sabi niya sa akin na parang bata, at nakita ko siyang ngumuso sa harapan ko. Ang cute talaga ni Zean kapag ginagawa niya ito; hindi ko kaya na makita siya ng ganito.

"Sumbungero ka ngayon! Nagiging bata na si Menopausal Prince!" panunukso ko sa kanya, at tinusok-tusok ko ang kanyang braso habang tumatawa sa hardin na ito.

45315454 1351919175Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon