Chapter 25: Date? (Part 1)
Hindi ko na maalala kung ano na ang nangyayari sa akin ngayon. Hindi ko kasi alam kung paano ako napunta sa lugar na ito, at ang naalala ko lang ay nasa bahay pa ako ni Zean. Hindi ako sigurado kung natapos na namin ang aming research paper, o hindi. Hindi ko rin namalayan na umalis na kami ng bahay ni Zean.
Ang alam ko lang ay nakatayo na lang ako sa isang parke, at may nakita lang ako ng isang lalaki na lumalapit sa aking pwesto. Habang lumalapit ang lalaki sa akin ay nakikilala ko na ang kanyang anino. Nanigas na lang ako sa aking kinatatayuan, at napaisip na lang ako kung ano ba talaga ang ginagawa namin sa lugar na ito.
Sa maraming tao na nakilala ko, bakit si Zean pa ang lumalapit sa akin? Nang malapit na siya sa akin ay nagkatinginan na lang kami sa mata. Ilang minuto ang dumaan ay nagsalita na sa wakas ang aking kasama. Akala ko na matutunaw na ako sa aming pwesto dahil sa mga titig na binibigay niya sa akin.
"Tuesday." tawag niya sa akin at biglang niya akong niyakayap nang mahigpit, at naririnig ko na lang ang tibok ng aking puso. Nanenerbyos na ako sa mangyayari sa amin dito sa lugar na ito, may masamang mangyayari yata sa akin.
"Bakit Zean?" nahihiyang na tanong ko sa kanya, at nilagay niya ang kanyang ulo sa aking balikat sa kanan.
"Hindi ko alam na ang sarap mong yakapin, isa sa nakaka-addict na gawin ito sa iyo." seryosong sabi niya sa akin, at hindi pa rin niya inaalis ang kanyang ulo sa aking balikat.
Hindi ko alam kung nasa tamang pag-iisip siya para sabihin ito, o isang malaking joke lang ang sinasabi niya. Ibang Zean ang kaharap ko ngayon, maloko ang kanyang ugali at hindi siya suplado ngayon. Tuluyan na yatang bumaliktad ang mundo kaya ganito na ang nangyayari.
"May problema ka ba? Ano ba ang pinagsasabi mo sa akin ngayon? Mataas ba ang lagnat mo ngayon?" pananaray na tanong ko sa kanya. Umangat ang kanyang ulo at may binulong siya sa akin.
"Tuesday, I love you." bulong niya sa aking tenga, at hinalikan niya ang aking pisngi sa kanan habang nakayakap pa rin siya sa akin.
Hindi na ako sigurado kung may diperensya na ang aking mga tenga, dahil hindi ko alam kung tama ang aking narinig. Nabigla na ako sa kanyang sinabi na bigla siyang aamin sa akin nang basta-basta. Seryoso ba talaga 'to? End of the world na ba? Pati na rin ang mga internal organs ko ay hindi na umaandar ng maayos sa eksenang ito. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa sinasabi niya, o pinaglalaruan niya ako.
"Ha?" gulat na tanong ko sa kanya, at bumitaw na siya sa aming pagkayakap.
"Wala lang 'yun, kalimutan mo na lang." sabi niya sa akin at umalis na siya sa aming pwesto.
Napatulala na lang ako sa pwesto namin, at hindi ko na maintindihan ang ginawa niya. Isang magulong script sa isang eksena ang nangyayari sa amin ngayon. Mga ilang segundo ang lumipas ay bumalik na ako sa aking sarili, at sumigaw ako sa kanya.
"Teka Zean!" pagpipigil ko sa kanya pero hindi na siya tumigil sa kanyang paglalakad. Nawala na ang kanyang bakas, at hindi ko na lang alam ang susunod na pahina ng pangyayari.
Unti-unting napamulat ang aking mga mata, at hindi ko inaasahan na isang panaginip lang ang nakita ko kanina. Pero nagtataka lang ako, para kasing totoo ang halik na binigay ni Zean sa aking pisngi. Nararamdam ko pa kasi ang paghalik niya sa akin mula sa panaginip, kahit hindi talaga nangyari sa akin ito.
Sumosobra na yata ang ilusyon ko na mapunta siya sa akin at maging kami. Pati ba naman sa panaginip ay siya pa rin ang iniisip ko.
May mensahe siguro ang panaginip ko kanina, kaya ganoon ang aking nakuha. Napabangon na lang ako sa aking hinihigaan, at doon ko na-realize na hindi ko pala ito bahay. Nasa den pa rin pala ako sa bahay ni Zean na may kama sila sa loob ng kwartong ito. Paano kaya ako napunta sa kama na ito? Ang huling ala-ala na alam ko ay nakatulog ako sa lamesa nila, habang ginagawa ang research paper namin.
BINABASA MO ANG
45315454 1351919175
Подростковая литература- A Set of Numbers with Hidden Meaning Ano kaya ang matutuklasan sa bawat numero na makikita niya? May magandang pangyayari ba o masama? May sikreto ba siyang madidiskubre? Ano kaya? *** Genre: Teen Fiction (This is not a horror story) Thanks!
