Chapter 32: Take Tuesday Out
Dalawang linggo na ang lumipas ay hindi ko alam kung kailan tutuparin ni Jy ang promise niya. Hindi ko pa kasi nakikita na nag-uusap ang dalawa para makipag-ayos sa kanilang problema. Hinihintay ko rin ang susunod na clue ni Mysterious Person para makakuha ng ideya kung sino siya. Hindi ko na alam kung ano ang magiging takbo ng aking buhay. Napapansin ko rin ng ilang araw na ang lumagpas ay unti-unting umiiwas ulit si Zean sa akin na hindi ko na naman alam kung bakit.
Ang panget talaga ng umaga ko ngayon dahil hindi maganda ang aking gising. Sinira ng kapatid ko ang aking beauty sleep para sumabay ako sa kanya ng almusal na sobrang aga. Ito tuloy ang resulta ay isang lutang na nawawalang kaluluwa na may magulo ang itsura. Naglalakad na ako sa hallway ng school, at may napansin ako isang estudyanteng palapit sa akin. Pihado, si Rouie ito dahil siya lang ang lumalapit sa akin na may masiglang pagbati, at ganito ang kanyang kilos.
"Tuesday! Tuesday!" sigaw ni Rouie sa akin, at binigyan niya ako ng mahigpit na yakap.
"Bakit?" naiiritang tanong ko, at humiwalay ako sa power hug niya.
"Malapit na ang birthday mo! Ilang araw na lang! Ayyyyiee!" pang-aasar niya, at sinimulang tusukin ang aking tagilirian. Hindi ko pa iniisip ang sinasabi niya, dahil malapit na rin ang final exam namin ngayong term. Hindi ko namamalayan na magbe-birthday na pala ako, at wala pa akong plano.
"Ano ang gagawin ko sa sinabi mo?" pananaray ko sa kanya habang nakahawak sa baywang, at sinamaan niya ako ng tingin.
"Saan ka ba magce-celebrate? Ayaw mo bang magsaya? Ang sungit mo ngayon," pagsusuplada ni Rouie, at inirapan niya rin ako. Napabuntong-hininga na lang ako sa kanya, at sinagot ko na lang siya para hindi na kami mag-away.
"Sa mall na lang, libre ko." hindi interesadong sagot ko, at ngumiti si Rouie nang sobrang lapad.
Basta, libre talaga ang usapan ay hindi niya palalagpasin dahil wala siyang gagastusin. Sino ba kasi ang hindi aayaw sa libre? Wala na akong maisip na ibang lugar na pwedeng mag-birthday dahil nakakasawa na kung sa bahay gagawin. Ilang beses na kasi sa aking pamamahay naganap ang party tapos epic fail pa noon.
"Isama rin natin sina Juniper at Esmee para mas sumaya pa ang barkada." tuwang sabi niya habang inuga-uga niya ko, at ako naman ay napabuntong-hininga sa kanya.
"Okay," nawawalan sa sarili ang tugon ko dahil inaantok pa ako.
Si Rouie naman ay kwento pa rin siya nang kwento na hindi ko maintindihan. Walang pumapasok sa aking utak kung ano na ang topic namin, at nawawala na ako sa kanyang sinasabi. Epekto ng kulang sa tulog, at gusto ko nang makakita ng kama. Isa pa sa rason na ang bilis niyang magsalita at magpalit ng usapan ngayon. Napatigil na ang pagdadaldal niya sa akin nang dumating ang isa naming kaklase. Si Kyu ang sumali sa amin para kausapin kami.
"Yo!" masiglang pagbati ni Kyu at sumaludo siya sa amin.
"Hello Kyu," tugon ko sa kanya, at nahihiya ako kung kumaway sa harapan ng aking kaklase.
"Ikaw Kyu, gusto mo bang sumama sa amin?" diretsuhan tanong ni Rouie, at biglang kumunot ang noo ng bagong dating.
"Ano 'yun?" pagtatakang tanong ni Kyu habang kinakamot ang kanyang ulo.
"Isasama ka namin sa mini party ni Tuesday, game ka ba?" excited na pag-aya ni Rouie, at tumatalon-talon sa kanyang pwesto na parang binigyan ng pasalubong.
"Hindi ako tututol diyan! Masaya ako na sinama niyo ko!" ngiting sagot ni Kyu, at hinawakan ang dalawang kamay ni Rouie na napansin kong nagliliwanag ang kanyang dalawang mata. Mukhang interesadong-interasado at tuwang-tuwa siya sa magiging gala namin. Mahilig pala si Kyu sa ganitong okasyon; nakakatuwa siyang tignan.
BINABASA MO ANG
45315454 1351919175
Teen Fiction- A Set of Numbers with Hidden Meaning Ano kaya ang matutuklasan sa bawat numero na makikita niya? May magandang pangyayari ba o masama? May sikreto ba siyang madidiskubre? Ano kaya? *** Genre: Teen Fiction (This is not a horror story) Thanks!
