Chapter 34: Wrecked Twines

2.8K 23 28
                                        

Chapter 34: Wrecked Twines

Ang daming araw na ang tumakbo, at hindi ko akalain na natapos na ang final tests namin. Ngayon ay nasa 18th Crave Café ako para gawin ang mga assignment sa school. Isama na rin na hinihintay ko si Zean dahil gagawa din kami ng pair work para sa panibagong term ng aming school.

Natapos ko nang gawin ang mga kailangan ay wala pang Zean na dumating. Umorder na lang ulit ako rito para hindi ako mapalayas sa café. Habang hinihintay ko ang aking kasama ay napag-isipang tignan ang laman ng bitbit kong kahon, dahil naghahanap ako ng tiyempo kung kailan pwede. Ngayon ko lang mabubuksan ito, dahil busy ako ng ilang araw at baka sumira sa aking pag-aaral.

Pagkabukas ko ay may isang sheep na stuffed toy ang nandito. Katamtaman lang naman ang laki nito na pwedeng yakapin, at madaling bitbitin na kung saan kasya ito sa kahon. Ang nakakatuwa ay may dala itong dahon na tinatawag na four leaf clover na gawa ito sa papel. Sa pagkaalam ko ay mahirap makakita ng totoong dahon dito. Nang napansin ko na may papel sa loob ay binuksan ko kaagad at sinimulan ko na itong basahin.

-------------------------

Ito ang binigay ko dahil kamukha mo! Joke!

Gusto ko namang maiba ang ibibigay ko. Masarap din 'yang kargahin at yakapin dahil alam ko magugustuhan mo ito.

Siya ang laging nandiyan kapag nalulungkot ka.

Hindi siya malaki pero mapapangiti ka dahil sa kakyutan niya.

Etong clover na bigay ko ay magdadala naman ng swerte sa buhay mo.

Hindi nga totoo ito.

Pero, nakakatulong na alisin ang mga masasamang espiritu sa paligid

kapag tinignan mo ito.

P.S. Alagaan mo 'yan dahil anak mo na rin dapat ituring sa kanya.

P.P.S. Huwag mong iwawala itong clover!

MALALAGOT KA SA AKIN!

----------------------------------------------------------------

Hindi ko na alam kung anong reaksyon ang ibibigay dahil sa mga rason na binigay niya. Hindi pa rin nagbabago na may halong pang-aasar ang kanyang sinusulat pero napagaan naman niya ang pakiramdam ko ngayon. Naiinip na ako kay Zean dahil ang tagal niyang dumating. Hindi pa niya ako tinatawagan o tinetext kung tuloy pa ang meet up namin. Lumipat na ako ng pahina pero biglang nanigas sa aking upuan sa aking nabasa.

Eto ang laman ng kasunod na papel.

-------------------------

(          ^%%)         !(!%!#%@)*(!$&         #*!!$&%$            ^!*!%!#        !#@%          !#!%!%$.

(          )@!!(@)         #!!$'@)            &%@)           %!$!%@!&*      !%^        @%!%@!.

(       @)@!@!@%$        ^!*!%!$        !            @!%@)@)!%!#!@%!(!(           !^(@(.

(         !@!%@@%        @%!%@!.

---------------------------

Grabe, anong klaseng salita ito? Saan niya ba pinagpupulot ang mga sinusulat niya? Maniniwala na ako na isang alien ang nagsulat nito. Hindi ko na kinaya si Mysterious Person, kainis! Kailangan ko na yata ng maraming tissue para mapunasan ang dugo na magsimulang tumulo sa aking ilong. Nang sumuko ko nang titigan ito na dahil super gulo at sayang sa oras ay binasa ko na ang next note.

45315454 1351919175Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon