Chapter 9.5: Special Moments or Not?

10.4K 60 77
                                        

Chapter 9.5: Special Moments or Not?

Sabado ngayon, nakakatamad pang bumangon pero may plano akong umalis ngayong araw. Dahil nag-promise ako kay Kyu na samahan siya, kaya tumayo na ako sa aking kama para mag-ayos ng aking sarili. Nakakahiya naman kung hindi maganda ang prisinta ko sa kanya, kaya kumuha akong damit na maganda at naglagay ako ng light makeup sa aking mukha.

Nang natapos kong mag-ayos ay bumaba na ako sa hagdanan. Papunta na ako sa may pintuan para lumabas. Pero hindi natuloy ang aking balak sa pagkalabas ng bahay, pinigilan kasi ako ng magaling kong kapatid na si Kuya Monday.

"Hep! Hep! Where are you going, young lady?" biglang tanong niya na may hand gesture na stop sign sa akin.

"Sa labas?" alinglangang sabi ko.

"Anong labas na pinagsasabi mo? Bakit ganyan ang suot mo? May boyfriend ka na ba? Bakit hindi mo sinasabi na my karelasyon ka na? Kailan ka pa natutong maglihim sa akin?" dire-diretsong tanong niya sa akin na wala talagang preno ang pagkasalita niya.

Grabe, nagiging tatay mode na naman itong kapatid ko. Nakasuot lang ako na short sleeves blouse na kulay peach at floral skirt na above the knees.  Tapos konting ayos sa buhok at  makeup, date na kaagad nasa pag-iisip niya. Pwede naman, pupunta lang ako ng mall o may sasamahan lang akong kaibigan sa labas.

"May sasamahan lang ako sa mall,"  diretsong sagot ko.

"Sino naman ang kasama mo?" tanong niya, at nakita ko siyang nagtaas ng kilay.

"Kaklase ko." tipid na sagot ko.

"Lalaki ba 'yan o babae?" batong tanong niya.

"Lalaki." seryosong sagot ko.

"Bakit mo naman sasamahan 'yun?  Boyfriend mo na ba siya?" pagalit na tanong niya at kumunot ang kanyang noo.

Over acting naman itong kapatid ko, boyfriend kaagad nasa isip niya kapag mayroon akong kasamang lalaki. Paano pa kaya kung may karelasyon ako ngayon? Kawawa naman ang magiging future boyfriend ko kapag ganoon. Baka hindi niya tantanan ang pangungulit sa magiging boyfriend ko, pwede rin na patayin niya ito. Nang narinig ni Mama ang usapan namin ay bigla siyang sumingit sa aming dalawa.

"Monday, tigil-tigilan mo nga ang kapatid mo. Pabayaan mo na kung may boyfriend na si Anne." sigaw naman ni Mama na galing sa kusina kay Kuya.

"Ma, naman! Ang bata pa po kasi ni Tuesday." pagrarason ni Kuya kay Mama.

"Anong bata? Dalagita na nga 'yang Unica Hija ko, kaya pabayaan mo na kung makipag-date 'yan." reklamo ni Mama kay Kuya.

"Grabe, kinakampihan mo pa si Tuesday! Unfair, Ma!" pagmamaktol ni Kuya. Nakita ko siyang pinagpapadyak ang sahig ng bahay namin na parang bata. Isip-bata talaga ang kapatid ko.

"Ikaw naman Kuya! Masyado kang overprotective sa kapatid mo. Ikaw, kailan mong balak magka-girlfriend, ang tanda mo na?" singit na sabi ni Mama kay Kuya.

"Wala pa akong nakikitang perfect woman sa buhay ko!" pagdadahilan ni Kuya sa tanong ni Mama.

"Asus, baka hindi ka lang maka-move on kay Ate Rae." pagbibirong sabi ko kay Kuya.  May gusto kasi siya sa isang babae na may pangalan Rae. Pero hindi napunta sa kanya ang puso ng gusto niya dahil taken na. Torpe kasi ang kapatid ko. 

"Gusto mo na sakalin kita bago kang umalis?" galit na tanong niya na may masamang tingin sa akin.

"Joke lang! Eto naman, hindi ka mabiro. Sige alis na ako! Bye Kuya! Bye Ma!" 'yun na lang ang nasabi ko at pumunta na ako sa pintuan para lumabas.

45315454 1351919175Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon