Chapter 22: Regalong Kabigla-bigla

8.8K 25 14
                                        

Chapter 22: Isang Regalong Kabigla-bigla

Panibagong araw ulit ngayon, at nandito na ako sa school. Napaaga ako ng pasok, dahil kailangan kong mag-aral para sa quiz namin sa second period. Nakarating na ako sa aming classroom, at pumunta na ako sa aking pwesto.

Pagkapunta ko sa aking pwesto ay may napansin ako ng isang kahon na kulay pink sa ibabaw ng aking table. Hinawakan ko ito, at inimbistiga ko kung may nakita akong clue kung sino ang nagbigay. Pero nabigo ako, dahil wala akong nakita kung kanino galing ito, at mukhang si Mysterious Person na naman ang nagpasimuno nito.

Habang tinitignan ko pa rin ang kahon na nakapatong sa aking table ay may pumasok sa loob ng aming classroom. Hindi ko pinansin kung sino ang pumasok sa loob, dahil naka-focus pa rin ako sa kahon na hawak ko. Hindi ko rin namalayan na lumapit sa akin ang bagong pasok na kaklase, at sinimulan na niya akong batiin.

"Good morning, Tuesday." bati ni Mikhael na siya ang bagong dating na kaklase na pumasok sa loob ng classroom.

"Good morning din." bati ko sa kanya at ngumiti ako sa kanya.

"Napaaga ka yata ng dating ngayon." tuwang sabi niya sa akin at tinapik ang isa kong balikat.

"Oo nga eh, kailangan ko pa kasing mag-aral para sa isa natin quiz." pagdadahilan ko sa kanya habang hawak ko pa rin ang kahon na nakapatong sa lamesa.

"Mabuti na sinabi mo na may quiz, nakalimutan ko na kasi na may quiz tayo ngayon." sabi ni Mikhael sa akin habang kinakamot niya ang kanyang ulo, at narinig ko rin siyang tumawa sa sinabi niya.

"Naku! Mag-aral ka na rin baka bumagsak ka sa quiz." pag-aalalang sabi ko sa kanya, at nakita ko na lang na ngumiti siya sa akin.

"Hindi na ako mag-aaral ngayon, may gagawin pa kasi akong iba. Magtitiwala na lang ako sa mga sagot ng seatmate ko." sabi niya sa akin at meron siyang malokong ngiti. Hindi ko alam kung kinilabutan na ako sa ginawa niya.

"Mga paraan-estudyante, gagawa talaga ng masamang plano para pumasa lang sa klase." sabi ko sa kanya at natawa na lang siya sa sinabi ko.

"Wala eh, ganyan ang buhay para pumasa sa klase." pagdadahilan ni Mikhael sa akin. Napa-straight face na lang ako sa kanya, dahil hindi ko na alam ang sasabihin ko.

Tinanong ko na lang sa kanya tungkol sa regalong nakapatong sa aking lamesa, para magkaroon kami ng topic. Posible rin na makakakuha ako ng ideya sa kanya kung sino ang nagbigay ng hawak kong kahon.

"Mikhael, kilala mo ba ang nagbigay ng regalo na hawak ko ngayon?" tanong ko sa kanya, at napakamot na lang siya sa batok niya. Mukhang hindi niya rin alam kung sino ang gumawa nito, napakamisteryoso talaga ang nangyari ngayon.

"Sorry Tuesday, hindi ko alam kung sino ang nagbigay ng regalo mo. Hindi ko rin nakita kung sino ang naglagay sa table mo ang kahon na binigay sa iyo. Simula pa lang noong pumasok ako sa loob ay ikaw pa lang ang nakita ko sa classroom, at wala na akong napansin na ibang tao." paliwanag ni Mikhael sa akin, at wala akong nakuha na clue sa kanyang sagot.

Mukhang mas maaga pang pumasok si Mysterious Person sa akin, para lang ilagay niya ang regalo sa table na walang nakakakita sa kanya. Wow, ang galing naman niyang gumawa ng strategy para hindi siya mabisto. Hindi talaga ako alerto sa paligid, wala naman kasi akong nakita na kakaibang tao na pwedeng gumawa ng ganitong bagay.

"Ah ok, thank you na lang Mikhael." pasasalamat ko kay Mikhael, at tinago ko na sa bag ang kahon na hawak ko.

"Ako rin, magpapasalamat ako sa iyo." sabi niya sa akin, at hindi ko na-gets ang sinabi niya sa akin.

45315454 1351919175Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon