Chapter 9: Crazy Moments

10.3K 81 45
                                    

Chapter 9: Crazy Moments

Isang magulong araw ulit ngayon, nandito ako sa may hallway naglalakad papuntang sa locker area, para kunin ang aking gamit na kailangan sa klase. Pagkapunta ko sa lugar na iyon ay nakita ko si Kyu doon at bigla niya akong pinansin.

"Yo, Tuesday! Good morning!" bati niya sa akin na may halong nakakatunaw na ngiti sa kanyang mukha.

"Good morning rin sa iyo, Kyu!" bati ko sa kanya, dumiretso na ako kung saan ang locker ko. Hindi ko namalayan na sinundan ako ni Kyu. Nalaman ko lang nang sinigaw niya ang pangalan ko mula sa likod ko.

"Tuuuueeesdaaay!" sigaw niya.

"Bakit Kyu, may problema ka ba?"  pagtatakang tanong ko sa kanya.

"May favor sana ako sa iyo." hiyang sabi niya habang kinakamot ang kanyang batok.

"Ano 'yun?" pagtatakang tanong ko.

"Pwede ko bang mahingi ang cellphone number mo? In case na may problema ako madali kitang kontakin." hiyang sabi niya habang kinakamot pa rin ang batok niya.

"Sige." tipid na sagot ko

"Yehey! Dito mo na lang ilagay ang number mo." tuwang sabi at inabot niya sa akin ang kanyang cellphone para malagay ko ang number ko.

"Ah okay!" sang-ayon sabi ko at sinimulan ko na i-type ang aking numero sa cellphone niya.

"Thank you, kita na lang tayo sa klase! See you!" pasasalamat na sabi niya. Unting-unti na siya umalis sa harapan ko at mukhang may pupuntahan pa siya. Samantala ako naman ay tumuloy sa aking locker para kunin ang aking mga gamit.

Nang natapos ko na kunin ang aking mga gamit sa locker ko, dumiretso na ako sa classroom para umattend ako ng mga klase ko sa paaralan na ito. Pagkapasok ko sa loob ng classroom, bigla namang tumakbo si Rouie sa harapan ko, at may gusto siyang sabihin sa akin.

"Tuesday, may good news ako sa iyo!" tuwang sabi niya.

"Ano?" tanong ko habang nakahawak ako sa strap ng aking backpack.

"E, ano?" tipid na sabi niya. Pabitin naman itong si Rouie sa kanyang sasabihin. Minsan, nanenerbyos ako sa kanyang mga balita dahil napadpad ito sa kapahamakan.

"Dali na Grace Rouie! Pa-suspense ka pa nakakainis, bilis!" inis na sabi ko. Gusto ko na talagang malaman ang balita na tinutukoy niya. Ayoko kasi sa mga cliffhanger, ang hirap kasing manghula kung ano ang sasabihin ng isang tao.

"Oo na, may balita akong narinig na titigil na muna sa pambu-bully ang grupo ni Hanazel." sabi niya.

"Weh! Totoo?" hindi makapaniwalang sabi ko. Grabe! Anong klaseng hulog ng langit ang nangyari kung bakit napatigil si Hanazel sa kagagawan niya.

"May mas good news pa ako sa iyo." dagdag ni Rouie sa akin.

"Ano naman ang  pinaka-good news mo?" pagtatakang tanong ko. Isang malaking balita na ang sinabi ni Rouie tungkol sa pagtitigil ni Hanazel sa kalokohan niya. Ano pa ang hihigit sa balitang 'yun?

"Sorry, tungkol sa iyo na pababayaan ka muna sa ngayon ng grupo nila. May nagsabi lang sa kanya tigilan ka munang pagtripan, tapos pumayag si Hanazel dahil sa isang kondisyon." pagpapaliwanag niya sa akin.

"Sino naman ang gumawa na kausapin si Hanazel? Ano ang kondisyon?" pagtatakang tanong ko.

"Sorry Anne Tuesday, hindi ko rin alam kung sino gumawa para tumigil ang kasong bullying. Basta, hindi ako gumawa ng bagay na 'yun, may isang tao lang ang kumausap sa kanya tungkol doon, at walang sinabi sa chismis kung sino." pagpapaliwanag na sabi niya. 

45315454 1351919175Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon