Chapte 6.5: Prince Charming Surprising Moves

10.5K 96 73
                                    

Chapter 6.5: Prince Charming's Surprising Moves

Pumasok na ako sa school nang mas maaga, gusto kasing makipagkita ni Rouie ngayon para magkopyahan kami sa isang assignment na hindi pa namin nasasagutan. Mayamaya, may lumapit sa amin at si Kyu pala 'yun. Mayroon siyang dalang maliit na kahon, at kakapasok lang niya ng classroom.

"Good morning, Tuesday!" masiglang bati ni Kyu sa akin at si Rouie naman biglang napatulala, dahil binati ako na isa sa mga sikat sa school.

"Good morning din, Kyu! Bakit may kailangan ka?" bati ko at tanong ko sa kanya. 

Si Rouie naman, ang sama ng tingin niya sa akin. Nakaguhit sa kanyang mukha na magpapaliwanag ka. Paano mo naging ka-close si Kyu? Humanda ka sa akin!

"May ibibigay ako sa iyo, 'yung Oreo cheesecake na galing sa 18th Crave Café. Galing kasi ako doon at naalala kita kaya binili ko para sa iyo." masiglang sabi niya sa akin at pinakita ang kahon na may naglalaman na cake sa loob.

"Huwag na! Nakakahiya talaga sa iyo." tanggi ko sa kanya sabay nilalayo ko 'yung kahon sa aking harapan na papunta sa kanya.

"Sige na, please! Friendly gift ko ulit sa iyo, dahil ikaw ang unang babae na naging kaibigan." pagmamakaawa niya at sabay nag-puppy eyes siya sa akin. Hindi ko na 'to kinaya ang lalaking ito. Masyadong irresistible ang itsura niya kaya tinanggap ko na rin ang bigay niya. Nakakainis! Dapat hindi ako nagpapabiktima sa kanyang cuteness.

"Sige, tatanggapin ko na!  Thank you, Kyu!" sabi ko kay Kyu. Nginitian ko na lang siya at kinuha ko na 'yung kahon ng cake.

"Yehey! Sige, alis na ako! Bye! Bye!" tuwang sabi ni Kyu. Kumaway siya sa amin at umalis na siya sa aming harapan. Nang nakaalis na siya, bigla napatingin si Rouie sa akin, at nagsimula na siyang magbato ng maraming tanong.

"Ano 'yan?" pagtataray na tanong ni Rouie sabay tinuro niya 'yung cake na hawak ko. Ayan na ang sinasabi ko na magtataka itong babae na ito sa mga kilos na ginawa ni Kyu sa akin, dahil hindi siya makapaniwala sa nakita niya.

"Cake?" sagot ko kay Rouie.

"Alam kong cake 'yan, ang tanong bakit ka binigyan niyan?" pagtataray na tanong niya sabay tinaas niya ang isang kilay niya na nahawak siya sa kanyang baywang.

"Uhmm? Sabi niya, friendly gift daw niya sa akin." hindi siguradong sagot ko.

"Kailan kayo naging friends? Alam ko, ngayon lang kayo naging magkaklase." pagrereklamong sabi niya sa akin at mukhang hindi naniniwala sa mga sinabi ko.

"Kahapon lang." tipid na sagot ko sa kanya. Sinimulan ko na ring i-kwento sa kanya ang mga nangyari kahapon. Noong nagpunta ako sa café na nakita ko si Kyu doon.

Hinampas niya ang aking braso at sinabi na, "Wow! Swerte mo girl dapat sinama mo na ako kahapon."

"Hindi ka rin pwede kahapon dahil bigla kang nagkaroon ng meeting noong oras ng dismissal." pagdadahilan na sabi ko. May pinag-usapan kasi 'yung club ni Rouie tungkol sa next activity na gagawin nila this weekend kaya nagka-meeting siya kahapon nu'ng uwian.

"Baka siya na ang Prince Charming na nagbigay ng sulat sa iyo." sabi niya.

"Pa'no mo naman nasabi na siya 'yun?" pagatatakang tanong ko.

"'Yung sa first clue na binigay niya, hindi ba number 18?" biglang tanong niya.

"Oo, bakit may problema?" pagtatakang tanong ko sa kanya. Nalilito na ako kung ano ang pinupunto ni Rouie sa clue na binigay, mukhang na gets na niya. Life is complicated na talaga.

45315454 1351919175Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon