Chapter 41: New Arc Of Her Story

1.1K 14 2
                                    

Chapter 41: New Arc Of Her Story

Napadilat ako ng mga mata, at wala akong makita sa paligid. Sobrang dilim kasi ito, at nakapatay ang mga ilaw na mukhang gabi ngayon. Nararamdaman ko lang na nasa isang higaan ako, at may amoy ng mga gamot dito. Mukhang wala na ako sa school dahil iba ang aura ng paligid. Ang bigat lang ng aking pakiramdam dahil bagong gising ako ngayon.

Dahan-dahan akong bumangon kahit medyo nahihilo pa ako sa aking pwesto. Napahawak ako sa aking ulo ay naramdaman ko na may bandage na nakabalot sa aking ulo. Hindi ko iniisip na matindi yata ang ginawa ni Hanazel kaya nandito sa kakaibang lugar. Hindi pa rin malinaw sa akin ang mga nangyari sa nakuha ko.

Napansin ko na may nakabit na dextrose sa aking kaliwang braso na may gamot yatang nakahalo. Naramdaman ko rin na may cast na ang kanan kong paa na nakuha ko rin sa pagkahulog. Na-realize ko na nasa ospital ako dahil sa amoy, at iba ang itsura ng paligid na hindi nagsasabing kwarto ko ito.

Hindi ko iniisip na naka-survive ako sa nangyari sa akin. Mabuti naman hindi ako katulad sa mga palabas na nagkakaroon ng amnesia kapag nagkaroon ng aksidente. Naalala ko pa ang aking pangalan at lahat ng ala-ala na meron ako.

Nang may nakapansin sa akin na nakabangon na ako ay may tumayo sa isang sulok, at nagbukas ng ilaw. Sobrang puti na ang paligid na parang nasa ibang mundo na ako. Nakita ko kaagad ang taong nakatayo sa may switch na naka-ekis ang kanyang mga braso. Super pamilyar sa akin ang pigura na ito na araw-araw kong kasama kaya minsan nagsasawa ako na makita ito.

Lumapit kaagad siya sa akin na nagmamadaling maglakad, at napansin ko na tumutulo ang kanyang mga luha mula sa mga mata niya. Si Kuya Monday ang taong ito, at naalala ko na malabo pa rin ang relasyon namin. Hindi ko na alam ang aking gagawin at nararamdaman, pero kailangan ko na siyang kausapin para maayos ito. Napahawak tuloy ako sa aking dibdib, dahil may napansin akong mabigat sa loob na nagsasabing kinakabahan ako.

'Yun naman talaga ang aking plano kapag nakauwi ako ng bahay noon pero hindi nangyari ito. Hindi ko naman kasi iniisip na may gulong ganap nang balakin ko ito. Grabe talaga, gumulo ang aking kapalaran na lalo naging komplikado. Mali ang aking inaakala, at dapat ginawa ko na kaagad ang pakikipag-ayos sa aking kapatid.

"Tuesday! You are Alive! I thought, you're leaving Kuya Monday! Waaah!" naiiyak na sigaw ng aking kapatid, at binigyan niya ako ng isang malaking yakap. Halos, hindi na ako makagalaw sa kanyang ginagawa na sobrang higpit, at bumigat pa ang pakiramdam ko na halos mawawalan na ako ng hangin.

"Kuya! Ano ang nangyayari sa'yo? Sobrang OA ka na kung umiyak diyan! Buhay pa ako!" sigaw ko sa aking kapatid, at tinulak ko siya nang malakas para magkahiwalay na kami. Nakahinga na rin ako nang maluwag, at naging komportable na ako sa aking pag-upo sa ospital bed.

Ang drama ng kapatid ko parang mawawala na ako sa pinapakita niya. Nakakanerbyos naman talaga kapag natapos na ang aking buhay, dahil ang dami pang bagay na gusto kong malaman. Marami pang sikreto na hindi ko pa nahuhukay, at kailangan ko ng magandang eksplanasyon kung bakit nangyayari ang mga bagay na ayaw ko. Isip-bata talaga siya, at minsan ang kyut ng kinikilos niya na hindi ko iniisip na mas matanda pa siya sa akin.

Sa totoo lang ay natakot din ako na akala ko, hindi ko na makikita ang mundo na tinatapakan ko. Hindi pa kasi akong handa na pumunta sa ibang mundo. Marami pa ako gustong gawin bago mawala pa rito, at may mga pangarap din ako sa aking buhay.

Napansin ko lang na parang walang ginawang kasalanan itong kapatid ko, dahil hindi na-guilty ang kanyang itsura. Nakikita ko lang na puro kalungkutan at takot, dahil sa aksidenteng naganap sa akin. Mukhang nakalimutan na ngayon ni Kuya ang plano niya sa amin ni Zean.

"Ano ang pinagsasabi mo? Halos, mawala ka na sa amin! Isang araw at kalahati kang tulog! Are you crazy?" panenermon niya sa akin, at doon sumalubong ang dalawa kong kilay. Hindi ko iniisip na mahaba rin pala ang nagawa kong pahinga sa tindi ng nakuha ko.

45315454 1351919175Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon