Chapter 33: Deceiving Letters
Panibagong araw ulit, at hapon ngayon ay seryoso akong nag-aaral sa aming sala para makapasa ako sa mga exam na kukunin sa susunod na araw. Hindi ko na munang binuksan ang regalo na pinadala ni Mysterious Person, dahil hindi ako magseseryoso kapag ginalaw ko 'yun. Sobrang hirap din ang mga pinapadala niya, at kailangan din ng sobrang lalim na pag-iisip kapag sinolve ko ito.
Hindi ko rin makakalimutan na iba na naman ang pakikitungo ni Zean sa akin. Hindi ko siya maintindihan kung bakit ginugupit niya ulit ang aming pagkakaibigan. Hindi ko naman ginayuma o pinakain ng lason kaya lumalala na siya.
Idamay ko na rin si Hanazel na dikit nang dikit kay Seatmate na mukhang gusto naman niya. Siguro, mas maganda na mag-focus na muna ako para hindi ako sumablay sa exams. Ayoko ring bumagsak dahil siya pa ang rason; ang babaw ko na talaga kapag ganoon.
Mga isang oras na ang lumipas ay hindi na kinaya ng aking utak ang aking ginagawa. Napag-isipan ko na lang mag-break muna para ma-absorb ko ang iba kong inaaral. Habang nagpapahinga ng kaunti ay nasangga ko ang mga notebook na nakalagay sa sofa.
Pinulot ko kaagad ang mga ito, at may napansin akong mga papel na nahulog. Nakalimutan ko nga pala na nandito sa isa kong notebook ang mga secret code ni Mysterious Person. Ang mga mensahe na hindi ko nakukuha kung ano ang ibig sabihin nito. Isang sulat lang ang nakuha namin dahil napagod siya noon na gumawa ng komplikadong mensahe.
Pinulot ko kaagad ang mga papel, at dahil break ko naman ay sinimulan ko nang basahin ang mga ito. Hindi ko pa rin naiintindihan kung ano ito pero pinipilit kong makuha ito. Sa sobrang seryoso ko sa paghahanap ng paraan kung paanong sasagutin ay biglang sumulpot ang kuya ko. Hindi ko alam na nakauwi na pala siya mula sa consultation niya sa thesis. Nasa tabi ko na siya ng sofa habang tintignan ko ang aking hawak na papel.
"Tuesday, ang busy mo ngayon!" sigaw ng magaling ko kuya at inakbayan na niya ako. Napatingin na lang ako sa kanya nang sobrang sama.
"Hindi naman, Kuya." seryosong sabi ko sa kanya habang hawak ko pa rin 'yung binabasa kong note.
"Anong meron sa mga papel na 'yan?" intrigang tanong ni Kuya sa akin habang tinuturo ang aking mga hawak na gamit ang kanyang index finger.
"Wala lang ito." walang ganang sagot ko sa kanya, at inirapan na niya ako.
"Patingin nga!" pangungulit ni Kuya sa akin, at mabilis niyang hinablot sa akin ang mga papel na hawak ko.
Sinimulan ko nang abutin ang mga papel mula sa kanya ngunit nabigo ako. Inilayo na niya ang mga sulat mula sa akin, at hindi ko na kayang agawin ito. Biniletan na lang niya ako at napanguso ako sa kanyang harapan. Kinakabahan na ako baka kung ano na naman ang sabihin niya sa akin. Ang mas malala ay posibleng magwala siya kapag naisip niya na admirer ko ang nagbigay kahit hindi naman.
"Wala kang mababasa sa hawak mo! Ibalik mo na sa akin 'yan!" sigaw ko sa kanya, at pinipilit kong abutin, pero hindi ko pa rin mabawi 'yung papel. Sinimulan nang basahin ni Kuya kung ano ang laman nito, at napansin ko ay napakunot-noo siya. Tapos, hindi ko na malaman kung anong tumatakbo sa isipan ng magaling kong kapatid.
"Anong wala? Nababasa ko kaya na nagso-sorry sa 'yo ang nagbigay." pangangatwiran niya, at nakitang kong napalobo ang dalawang pisngi niya sa aking harapan habang tinuturo ang unang note na nakalabas.
Lumaki na ang mga mata ko, dahil hindi ko alam kung naiintindihan ni Kuya Monday ito o hindi. Paano niya nagawa ito? Sabagay, magaling nga magbasa ng kakaibang lenggwahue, at mag-solve ng mahirap na problema kasi Information Technology ang course niya ngayon. May mga program kasi na kakaiba na hinding maintindihan ang codes na ginagawa niya. Ang nakakatakot pa ay marunong siyang mang-hack para makakuha ng impormasyon sa gusto niyang kunin.
BINABASA MO ANG
45315454 1351919175
Novela Juvenil- A Set of Numbers with Hidden Meaning Ano kaya ang matutuklasan sa bawat numero na makikita niya? May magandang pangyayari ba o masama? May sikreto ba siyang madidiskubre? Ano kaya? *** Genre: Teen Fiction (This is not a horror story) Thanks!