Chapter 20: The Garden of Peace

8.9K 24 6
                                    

Chapter 20­: The Garden of Peace

Bagong araw na ulit ngayon, at nandito kami ng mga kabarkada ko sa cafeteria para kumain ng lunch. Nakaupo na rin kami sa isang table, at nagsimula na kainin sa aming inorder na pagkain. Habang kumakain at nagkwekwentuhan kami ay may narinig kaming nagsisigawan mula sa isang table sa cafeteria.

"Ano ba 'yan, bakit ang ingay?" reklamo ni Esmee sa amin, at sumubo siya sa kanyang pagkain na adobo ang ulam niya.

"May artista bang dumating?" pagtatakang tanong ni Juniper sa amin, at kumagat sa hotdog sandwich na inorder niya.

"Baka mga fan girls na naman ng mga sikat sa school natin," sagot naman ni Rouie at uminom sa kanyang tubig.

"Tignan na lang kaya natin," sabi ko sa kanila, at tumango na lang sila sa sinabi ko.

Lumingon kami kung nasaan ang ingay sa loob ng cafeteria. Nang pagkatingin namin sa lugar na maingay ay na-disappoint lang kami. Wala kasi kaming nakikitang maganda sa nangyari, may mga babae lang na nakapaligid sa table, nagsisigawan, at kinakausap ang mga taong na nakaupo sa table. Ang kabarkada lang naman ni Zean ang nakaupo sa pwestong iyon.

Akala ko na kung ano, lagi namang ganito ang nangyayari. Ano ang maasahan ko sa kanila? Rinig na rinig ang mga boses nila sa table namin, kaya pati kami ay alam na ang pinagsasabi nila.

"Where's Zed, My Loves?" sigaw ni Hanazel at kumunot ang noo ni Ace.

"Mukha ba kaming Information Center?" galit na sabi ni Ace kay Hanazel at pinagpatuloy na lang niyang kainin ang kanyang pagkain na hawak niya.

"You're so mean, Ace! Nasaan na ang Love of My Life?" maarteng sabi ni Hanazel kay Ace, at pinalo niya ang table nila.

"Ewan ko, hindi naman kasi naming napansin kung nasaan nagpunta ang aming kaibigan." sagot ni Ace na walang interesadong sa kanyang tono.

"Nagtago na yata sa inyo, ang gugulo niyo kasi." sagot ni Uriel kay Hanazel, at ngumisi siya sa mga babaeng nakapaligid sa kanya. Naiinis na si Hanazel sa mga sagot ng kabarkada ni Zean kaya sumama ang itsura ng mukha niya.

"Uriel, tikman mo ang ginawa kong polvoron!" sigaw ng isang babaeng fan girl na may kulot ang buhok kay Uriel, at pinakita ang mga gawa niyang polvoron na nasa kahon.

"Sure!" tuwang sabi ni Uriel, kumuha siya mula sa box, at kinilig ang babaeng nagbigay ng pagkain.

"Elo, paturo naman kung paano ito?" sigaw ng isang fangirl na naka-pigtails at meron siyang mahinhin na boses.

"Chael, idol!" sigaw ng fan girl na naka-pony, at makapal ang kanyang makeup sa mukha habang kumakaway na gamit ang kaliwang kamay niya.

"Ace, you're so hot today!" tuwang sabi ng isang fan girl ni Ace, at halos mahimatay na siya sa kanyang nakikitang gwapo na lalaki.

"Ang ganda ng boses mo J.R.!" sigaw na naman ng isang babae na may malaking ribbon sa kanyang ulo.

Pinagpatuloy na lang nila ang kanilang ginagawa, at hindi na naming pinansin ito. Hindi lang sa table nila ang pinagkaguluhan, pati ang mga table ng iba pang sikat na lalaki na nasa listahan ng fan girls na katulad ni Kyu. Kala Jy lang ang walang lumalapit sa table nila, natatakot siguro sila kung ano ang gawin ni Jy kapag ginulo nila ang lalaking 'yun.

Habang naririnig na namin ang hiyawan ng mga fan girls ay pinagpatuloy na lang namin ang aming kinakain, at nagkwentuhan na lang kami sa aming pwesto. Wala namang mangyayari kung papansinin pa namin ito, sayang lang sa oras.

45315454 1351919175Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon