Chapter 15: Bonding with Team Love Square

9.8K 31 10
                                    

Chapter 15: Bonding with Team Love Square

Umabot na ng Sabado, at makipagkita ako ngayon sa aking mga kagrupo para gawin namin ang aming Physics assignment. Kasabay kong pumunta sa library si Zean dahil malapit kami ng bahay. Mabuti na lang na wala ang kapatid kong overprotective. Delikado kasi kung kay kuya ako magpapaalam, ang dami kasing tanong sa akin at hindi pa ako papayagan sa aking gagawin. Ang nangyari ay kay mama na lang ako nagpaalam. Ayun, mabilis siyang pumayag kapag group work ang usapan.

Nakarating na rin kami sa may public library at nakita namin ang dalawa nasa harapan na ito. Mukhang sakto lang ang dating namin dahil mukhang kakarating lang din nila. Napansin ko na masama ang tingin ni Jy sa amin, ano kaya ang problema niya?

"Bakit kayo magkasama?" galit na tanong ni Jy kay Zean at tinuro kami gamit ng index finger niya.

"Sabay kami pumunta rito, may problema?" pasupladong sabi ni Zean kay Jy.

"Wala lang." malamig na sabi ni Jy at mukhang may masamang aura sa kanilang kapaligiran. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa kanila. Parang nasa ibang dimension na kami sa ginagawa nila.

"Tuesday!" tuwang tawag sa akin ni Kyu at kumaway ito sa harapan ko.

"Hello Kyu!" bati ko sa kanya at kumaway rin ako.

"Pumasok na kaya tayo para matapos na 'yung gagawin natin." sabi ni Zean at pumasok na siya sa loob ng library.

"Okay." tipid na sabi ko.

"Sige." sagot ni Kyu.

"'Ge, 'ge." pang-aasar na sabi ni Jy.

Sumunod na kaming tatlo kay Zean para masimulan na ang aming research work. Mga ilang oras na ang nakakalipas ay natapos ang aming ginagawa, at nakalabas na kami sa loob ng public library. Pero isang disaster ang nangyari, nag-away na naman ang dalawang kagrupo namin at muntikan mauwi sa sapakan. Mabuti na lang ay napigilan ito ni Zean at ako ang naging dakilang audience nila.

Malapit na rin kaming palabasin sa library dahil sa ingay, pero nagmakaawa kami na huwag kaming palabasin kaya hindi natuloy. Nagpa-picture kami sa loob para magkaroon ng ebidensya na lahat kami ang gumawa sa research work, kahit wala masyadong nagawa si Jy. Si Kyu naman kahit hindi siya masyadong magaling sa Physics ay nag-eeffort naman siya kahit papano.

Nagpunta na kami sa mall para hindi sayang ang pagpunta namin sa labas. Maaga pa kasi para umuwi ng bahay at para mag-enjoy rin kami. Si Zean ay napilitan lang sumama sa amin dahil kinulit ng dalawa naming kasama. Hindi ko lang alam, kung ano ang aming gagawin sa mall. Biglaan lang kami pumunta na walang plano, mukhang kalokohan ang mangyayari sa amin. Napag-usapan namin sa may entrance ng mall kung saan kami pupunta.

"Ano na ang balak natin, Mr. Wonderful Planner? Saan tayo?" pagtatakang tanong ni Kyu kay Jy. Grabe, si Jy na yata ang nagplano ng gala namin ngayon. Siya kasi ang nasusunod sa aming mga ginagawa ngayon.

"Sa arcade house tayo, ano game?" suggestion na sabi ni Jy sa amin.

"Sige," tipid na sagot ko sa kanila.

"Hindi ako sasama sa inyo, maglilibot na lang ako." pasungit na sabi ni Zean sa kanila.

"Zean, huwag kang kill joy." inis na sabi ni Jy kay Zean.

"Oo nga, bihira nga tayo mamasyal." pagdadahilan naman ni Kyu.

"Bihira? Ngayon nga lang tayo magkasama umalis, niloloko mo ba ako?" pananaray ni Zean kay Kyu at sinamaan din siya ng tingin.

45315454 1351919175Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon