Chapter 13: His Comeback

9.9K 32 38
                                        

Chapter 13: His Comeback

Nang narinig ko ang masaklap na balita na galing sa aking kaibigan ay nanghina ang aking katawan. Hindi ko na kasi alam kung ano ang gagawin nang narinig ko ang ganoong balita na binato sa akin, ang saklap naman nito. 'Yung nararamdaman ko ngayon ay para akong tinamaan ng kidlat kaya nagsimula na akong magreklamo sa aking kausap sa telepono.

"Rouie, hindi na nakakatuwa ang biro mo ngayon! Saan mo naman napulot ang joke mo ngayon? Sa planetang Mars?" sabi ko sa kanya na may halong inis sa aking tono.

"Seryoso ako, at nabalitaan ko lang sa mga kaklase natin na nag-post sa social media." depensang sagot niya sa akin.

"Kamalas-malas ko naman! Bakit bumalik pa siya? Ang malas-malas ko na talaga, baka mabagsakan na ako ng ilang kilo ng bakal simula bukas." pagpa-panic kong sabi sa telepono. Mukhang mag-hysterical na ako sa balitang narinig ko dahil guguho na ang aking mundo.

"Ayaw mo ba siya maging kaklase ulit?" pang-aasar na tanong niya. Mukhang nakangisi pa ang babaeng ito dahil magaling ito ng mang-asar sa akin. Pero kapag siya na 'yung inaasar ay magagalit 'yan to the max level.

"Nakakairita kaya maging kaklase 'yun, Rouie." reklamo ko sa kanya.

Ang tinutukoy namin sa telepono ay si Juan Yvan o Jy for short. Ayoko talaga siyang maging kaklase, dahil hindi makukumpleto ang araw ng lalaki na 'yan kung hindi niya akong aasarin. Kung hindi niya ako kukulitin ay gumagawa siyang kalokohan na kailangang pati ako ang damay sa gulo para mapansin ko siya. Hindi rin kasi matatahimik ang aking buhay kapag kaklase ko 'yun.

"Sabagay, nagpapanggap pa nga na kayo, hindi ba?" pang-aasar na tanong niya at narinig ko siyang tumawa nang mahina. Ang kulit talaga tumawa si Rouie, ang hinhin kasi ng tawa niya.

"Hay naku! Mga gawa-gawa niya talaga at hindi naman kami, excuse me!" inis na sabi ko.

"Instant lovers," diretsong sabi niya at mukhang kinikilig pa siya sa sitwasyon ko. Hindi ko alam kung kinakampihan ako sa aking sitwasyon o si Jy ang kinakampihan niya. Ito ang tinatawag na ang tunay na kaibigan ay laging ikaw ang ipapahamak sa gulo.

"Hindi nakakatuwang deskripsyon 'yan, Ms. Grace." inis na sabi ko kay Rouie.

"Grabe, super babae kung makatawag!" pananaray niya sa akin na may halong pandidiri dahil ayaw siyang tawagin sa ganyang pangalan.

"Bakit? Real name mo naman 'yun!" pangangatwiran ko sa kanya.

"Nevermind, ano na balak mo sa devoted boyfriend mo?" biglaang tanong niya. 

Ang galing mag-change ng topic kapag pangalan niya na ang usapan. Hatest name niya kasi talaga ang name na Grace, hindi raw bagay sa dyosa na katulad niya.

Grabe rin kung maka-emphasize ng boyfriend ito, akala niya na may relasyon ako sa taong iyon. Mukhang maraming tsokolate ang nakain ni Rouie, ang lakas kasi ng trip niya ngayon at super hyper. Kung sinu-sino rin minsan ang pinapares sa akin, basta magka-love interest lang ako.

"Bahala na bukas! Excuse me, hindi ko siya boyfriend!" walang pakialam sabi ko.

"Sige, bye-bye! May aayusin pa ako! Good Luck!" pagpapaalam niya. Grabeng kaibigan na ito masyadong supportive na lalo't lalo na sa lovelife namin na wala naman talagang halaga.

"Bye!" tipid na pagpapaalam ko sa kanya.

Pagkababa ko sa telepono ay umakyat na ako at gawin ang mga kailangan. Pagkatapos gawin ang lahat ng importanteng bagay ay umabot na ulit ng umaga, at kailangan ko ulit pumasok sa school. Kahit labag sa kalooban ko na pumasok ngayon ay kailangan pa rin, dahil baka hindi ako maka-graduate ng high school nito kung ginawa ko iyon.

45315454 1351919175Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon