Chapter 35.5: Her Unique Fairy Tale Story
Nakaupo na ako sa swing ngayon sa paboritong kong playground, at inaayos ko ang aking pag-iisip. Hindi pa rin pumapasok sa utak ko ang mga nangyayari sa school. Halos matapos na ang araw ay hindi ko inaasahan na maraming nangyari ngayon. Inuga-uga ko ang swing pero hindi ako nag-eenjoy dahil kumikirot ang aking puso.
Hindi ko alam na sobrang gulo na ginawa namin kanina na ako pa ang rason. Dapat talaga, iniwasan ko na si Zean kanina para wala na ring gulo, at hindi ko matanggap ang mga masasakit na salita niya. Malaking pagsisisi ang nagawa ko ngayon dahil natakot ako sa away nila.
Okay lang naman na iligtas ako ni Jy; ang ayoko lang ang pagiging bayolente niya. Pero, thankful pa rin ako sa kanya, dahil alam ko na mahalaga ako sa kanya buhay. Ayoko rin silang masaktan dahil importante sila sa buhay ko.
Nang nawala na ako sa aking katinunan ay hindi ko namamalayan na may tao na rito. Lumapit na kaagad sa akin, at noong nalaman ko kung sino ay sumimangot ang aking mukha. Umupo na siya sa kabilang swing, at hindi ko na alam kung ano ang sasabihin niya sa akin. Sana ay huwag na niyang palakihin ang issue namin. Hindi pa akong handa harapin siya dahil nahihirapan ako na parang naubusan ako ng gas.
"Sabi ko na ba, nandito ka lang! Hindi pa ring nagbabago na pumupunta ka rito. Paboritong lugar mo talaga ang playground na ito." masayang sabi niya pero hindi ako makatingin sa kausap ko.
"Eh, ano ngayon kung tumatambay ako rito?" naiinis na sabi ko habang pinaglalaruan ang swing.
"Naalala ko kasi noong bata pa tayo noon kapag may problema, at gusto mong pumatay ng oras ay laging dito ang punta mo." paliwanag na sabi niya at ako naman ay kumunot ang aking noo.
"Tapos?" pang-aasar na tanong ko, at tinaas ko ang isang kilay.
"Kanina pa kita hinahanap!" pasuplado niya, at napatingin ako sa kanya na may mapait na mukha.
Ay, grabe lang! Naiinis ako sa sinabi niya na parang lumabas na obligadong hanapin ako. Siya ang nagkusang hanapin ako tapos nagrereklamo siya. Hindi ko talaga alam kung ano ang ginagawa niya rito. Gusto ko na siyang sakalin sa inis kung kaya pa ng puwersa ko.
"Bakit? Sinabi ko bang hanapin mo ko rito?" pananaray ko, at inirapan ko siya ng mata.
"Sungit, hindi naman sa sinabi mo. Kailangan lang kitang kausapin tungkol sa nangyari kanina." seryosong sabi niya sa akin, at napatingin siya sa langit.
"Wala na tayong pag-uusapan, aalis na ako!" pagpaalam ko sa kanya na may halong inis.
Tumayo kaagad ako, at nagmamadali nang umalis. Ngunit, naabutan niya ako at hinawakan kaagad ang braso ko. Nakakainis! Ang higpit ng pagkahawak niya kaya hindi ako makaalis. Wala akong gana para harapin ang taong ito dahil napagod na ako sa nangyari kanina. Bakit kasi nagpupumilit siya ngayon? Sana sa susunod na araw na lang para may enerhiya ako kapag nag-usap kami.
"Bakit ka aalis kaagad? Mag-uusap pa tayo!" pagsusuplado niya sa akin, at sumalubong ang dalawa kong kilay.
"Ano ang problema mo? Wala akong panahon makipag-usap sa'yo! Uuwi na ako!" pananaray ko sa kanya. Pinalo ko kaagad ang pagkahawak sa aking braso kaya nabitawan niya ito, at tinalikuran ko na siya. Nang magsisimula na akong maglakad na palayo sa kanya ay bigla niyang akong binigyan ng back-hug.
Nanigas ang katawan ko sa nangyari dahil hindi ko iniisip na ginagawa niya ito. Nakakakilig ang ganitong posisyon namin ngunit ngayon wala akong ganitong karamdaman. Inis at galit ang meron ako ngayon dahil ayaw pa rin niya akong tigilan. Mukhang hindi talaga siya titigil hangga't masabi niya ang gusto niyang sabihin. Kung kailan na hindi ako naghahabol sa kanya ay lalapit na siya sa akin.

BINABASA MO ANG
45315454 1351919175
Teen Fiction- A Set of Numbers with Hidden Meaning Ano kaya ang matutuklasan sa bawat numero na makikita niya? May magandang pangyayari ba o masama? May sikreto ba siyang madidiskubre? Ano kaya? *** Genre: Teen Fiction (This is not a horror story) Thanks!