Chapter 7: Trouble
Nakaka-badtrip naman ito! Umagang-umaga, eto naabutan ko! Iniwan ko lang sandali ang bag ko, at ito na ang nangyari sa akin. Nice one Tuesday! Ang swerte ko ngayon! Lumapit na ako sa aking pwesto at tinitignan ko 'yung iba ko pang gamit, kung may nabiktima pa na gawa ng mga tao na nagagalit sa akin. Mayamaya, nakita ko si Rouie pumasok na ng classroom, at bigla kaming nagtitigan sa isa't isa.
"Tuesday!" sigaw ni Rouie sa akin. Mukhang nakita na niya ang nangyari sa akin kaya lumapit siya kaagad at nagsalita na siya.
"Tuesday, ano ang nangyari diyan?" pag-aalalang sabi at tinuro niya ang aking bag na sira-sira.
"Wala ito." tipid na sagot ko sa kanya habang tintignan ko ang bag at gamit ko. Nakita ko na inirapan ako ng mata ni Rouie.
"Anong wala? Tignan mo nga 'yang bag mo, sira-sira hindi na magamit. Wasak-wasak na 'yan! I-report mo na 'yan sa school discipline!" pagtataray na sabi niya sa akin bigla hinablot ang bag ko para ipakita sa akin na sirang-sira na 'yun.
"Huwag mo na silang i-report Rouie at matatalo lang tayo sa kaso na 'yan." pagpipigil na sabi ko sa kanya. Kahit i-report namin 'yun ay wala ring mangyayari, dahil wala kaming ebidensya kung sino ang gumawa at kinuha ko ang aking bag sa kanya.
"Masyado ka talagang mabait!" inis na sabi niya sa akin sabay tinapik niya ang balikat ko.
"Wala naman kasi tayong ebidensya para mapatunayan kung sino ang gumawa nito." pagdadahilan na sabi ko sa kanya at nilapag ko 'yung sirang bag sa sahig. Narinig ko nagbuntong-hininga si Rouie at hinawakan niya ang dalawang balikat ko.
"Ah sige, gan'to na lang! 'Pag nalaman ko kung sino at nakahanap ako ng ebidensya ay i-rereport natin." mahinahon na sabi niya sa akin at bumitaw na siya sa pagkahawak sa aking balikat.
"Yes Ma'am!" sagot ko sa kanya at sumaludo ako. Habang pinag-usapan namin tungkol sa kaso na ito. Lumapit at sumigaw sa aming dalawa ni Rouie si Kyu na bagong dating.
"Tuesday! Ano ang nangyari d'yan?" bati at tanong ni Kyu sa akin na may halong pag-aalala sa kanyang mukha dahil sa nakita niya.
"Ikaw, may kasalanan nito!" paninising sabi ni Rouie at sabay dinuro-duro niya si Kyu. Nakaguhit naman sa mukha ni Kyu na ano ba ang nangyayari rito at bakit ako na ang nasisi rito.
"Ano ang ginawa ko?" pagtatakang tanong ni Kyu kay Rouie at tinuro ang kanyang sarili; kawawa naman si Kyu dito. Kakarating lang niya, pero biglaan na siya ang sinisisi ni Rouie sa mga nangyayari ngayon.
"Kung hindi ka lang lumapit sa kanya..." Bigla akong tinuro ni Rouie, at narinig ko ring nagbuntong-hininga siya. "Walang mangyayaring masama sa kanya!" paninisi na sabi ni Rouie kay Kyu.
Minsan, grabe ito si Rouie na akala niya na siya 'yung nabiktima sa pangyayari ngayon. Pero natutuwa ako sa kanya dahil lagi siya nasa tabi ko 'pag may problema ako kahit ganyan 'yan. May pagka-overprotective talaga siya sa mga kaibigan niya.
"Rouie, huwag mo siyang sisihin at hindi naman niya kasalanan." pagmamakaawang sabi ko kay Rouie at hinawakan ko siya sa isang balikat niya.
"Sorry, Tuesday." sabat ni Kyu sa aming dalawa ni Rouie at tumingin kami pareho kay Kyu.
"Pero Tuesday, siya naman talaga ang may kasalanan." pangangatwiran sabi ni Rouie sa akin. Hindi ko na siya pinansin at kinausap ko na lang si Kyu.
BINABASA MO ANG
45315454 1351919175
Teen Fiction- A Set of Numbers with Hidden Meaning Ano kaya ang matutuklasan sa bawat numero na makikita niya? May magandang pangyayari ba o masama? May sikreto ba siyang madidiskubre? Ano kaya? *** Genre: Teen Fiction (This is not a horror story) Thanks!
