Chapter 14.5: First Day as a Team Love Square

9.9K 31 23
                                        

Chapter 14.5: First Day as a Team Love Square

Nandito na kami sa faculty room sa isang table sa may sulok, para simulan na namin ang parusang binigay sa amin ni Ms. Santiago. Kami kasi ang pinakahuling nakatapos ng group activity sa Physics dahil hindi sineryoso ng dalawa ang task nila. Si Zean naman ay napipikon na sa dalawa dahil sa pinaggagawa nilang kalokohan kanina.

Ang parusang binigay ni Ms. Santiago ay kailangang i-check namin ang mga quizzes, seatwork, at homework ng ibang section. Hindi kasama ang aming section sa pag-check ng papel, baka dayain lang namin 'yung grades. Sinimulan ko nang gawin ang pinapagawa sa amin para matapos na ito. Mga ilang minuto na ang nakakalipas ay narinig kong nagreklamo si Jy.

"Ano ba 'yan? Bakit tayo ang gumagawa nito?" pagrereklamong tanong ni Jy sa amin.

"I hate it! Nakakapagod mag-check ng mga papel!" pagmamaktol ni Kyu, at pinalo niya ang mga papel na kailangan naming i-check.

"Ano ang nakakapagod diyan, nakaupo ka lang?" pananaray na tanong ni Jy kay Kyu. Dito na naman ang simula nang pag-aaway nila.

"Kasalanan mo kaya ito!" paninisi ni Kyu kay Jy, tumayo siya at tinuro niya ang kasama namin na gamit ang index finger niya.

"Ikaw nga diyan, wala kang naisip na pangalan!" pabatong sabi ni Jy at tinuro-turo ng ballpen si Kyu.

"Tumigil na nga kayo at hindi na nakakatuwa ang mga ginagawa niyo!" pananaway ni Zean sa kanila habang nagche-check siya ng papel.

"Sorry." paumanhin ni Kyu sa amin at umupo siya sa kanyang pwesto. Ang bait niya talaga dahil marunong siyang umintindi ng ibang tao.

"Ikaw Menopausal Prince tumigil ka na, hindi ka naman kasali sa usapan naming dalawa!" sigaw ni Jy kay Zean. Nakita ko rin na kumunot ng noo si Zean at sumeryoso ang kanyang mukha. Mukhang gusto ni Jy na galitin si Zean kaya inaasar niya ngayon. Sana hindi na away ang kinalabasan sa ginagawa niya. Ayokong sumaway sa kanila dahil hindi ko kaya ang kanilang matitigas na ulo.

"Paanong hindi ako makikisali sa usapan niyo? Kayong dalawa ang may kasalanan sa parusang ito, damay lang kami sa gulo niyo." sabi ni Zean kay Jy.

Mabuti naman, walang away na nangyari dahil maayos ang pagkasabi ni Zean sa kanila at hindi rin siya gumawa ng gulo. Okay rin pala ang mature na pag-iisip niya dahil alam niya kung ano ang tamang gawin sa mali. Hindi tulad ni Jy, puro away na lang ang hinahanap sa mga tao.

"Ganoon ba 'yun?" pagtatakang tanong ni Jy na may halong pang-aasar sa kanyang tono.

"Oo kaya!" singit na sagot ni Kyu na may halong inis sa kanyang tono.

"Simpleng team name lang hindi niyo pa nagawa kaya tayo natagalan." pangangatwiran ni Zean sa kanila.

"Sorry, it's his fault!" turo naman ni Kyu kay Jy tapos lumubo ang kanyang dalawang pisngi para ipakita na naiinis siya. Pansin ko lang kapag napipikon si Kyu sa isang bagay, lagi niyang ginagawa ang paglobo sa kanyang pisngi. Ang cute-cute niya lagi kapag ginagawa niya, asarin ko nga siya araw-araw. Joke lang!

"Anong ako? Ang yabang mo!" sigang sabi ni Jy kay Kyu at tinuro niya ang kanyang sarili. Para silang bata na nag-aagawan ng isang teddy bear, super gulo kasi nila. Sarap nilang pag-untugin sa lamesang ginagamit namin ngayon.

"Huwag na nga kayong mag-away, hindi na tayo matatapos sa ginagawa niyo!" pananaway ulit ni Zean sa kanila at pinalo ang lamesa nang malakas para tumigil sila. Mabuti naman na wala ang mga teachers dito dahil may meeting sila ngayon. Kung hindi, lagot na kami ngayon at baka guidance office pa ang diretso kapag natapos namin ito.

45315454 1351919175Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon