Chapter 29.5: His Birthday, Crazy Party, Go Crazy! (Part 2)
Lahat kami ay nasa dining room, at nakita namin na may maraming pagkain sa lamesa. Kukuha sana ng handa ang mga kaibigan ni Zean ngunit pinigilan sila ni Ate Ryn. Kailangan daw munang mag-blow ng candle si Zean bago kumain, ganito kasi ang tradisyon kapag may birthday celebrant na parang requirement ito. Halatang-halata sa itsura na patay-gutom ang mga kasama namin ngayon dahil kumukuha kaagad ng paper plate, at halos hindi na mapigilan sa kanilang balak. Ang mga kaibigan ni Zean ay makukulit talaga na parang nakawala lang sa kulungan.
Kumanta na kami ng Happy Birthday habang may mapait na itsura si Zean; obvious na ayaw niya ang ginagawa namin ngayon. Nang natapos na kaming mag-sing along ay sinabi naman ni Ate Ryn na kailangang mag-wish si Zean bago patayin ang umiilaw na kandila sa cake. Pumikit si Zean nang saglit at sinarili na lang ang kanyang hiling baka 'di raw matupad kung ipapagkalat ito.
Kumuha na kami ng pagkain sa table, at nang napuno na ang plato ay dumiretso na kami sa sala. Hindi kasi kami pwedeng kumain sa dining room, dahil hindi na kami kasya doon at siksikan ang magiging resulta. Punong-puno din ng handa ang nakalagay sa lamesa kaya wala na kaming pwesto para tumambay sa lugar.
Nang nandoon na kaming lahat ay humanap na kami ng sariling pwesto na pwedeng mauupan, at nagsimula na kaming kumain. Pagkatapos ubusin namin ang pagkain sa plato ay pumunta ulit kami sa dining room para kumuha ng matatamis tulad ng cake, brownies, at ice cream. Nagsimula ulit naming namnamin ang handa, at 'yung mga kasama naman namin ay nagsimulang mag-ingay sa kanilang pwesto.
Ganoon pa rin ang sitwasyon at nakita namin na pumunta rito si Ate Ryn na may dalang pitsel na tubig, plastic cups, bowl of chips, popcorn, at may bagong luto na cookies na pwede pa naming kainin mamaya. Napansin ni Ate Ryn na ang tahimik ng kanyang bunsong kapatid kaya sinumulan niyang kausapin ito.
"Oo nga pala Zean, bakit hindi mo inaya ang dalawa mong kaklase na kagrupo mo sa school?" pagtatakang tanong at nilapag ang tray sa center table ng sala nila.
"Si Kyu, naiirita ako sa kanya. Masyadong pa-baby na sarap itapon sa gitna ng maduming ilog. Hindi naman kami close kaya bakit ko naman isasama ang nakakairitang nilalang na 'yun?" naiinis na paliwanag ni Zean sa amin, at sumubo siya sa isang slice na cake.
"Halatang-halata na galit na galit si Zed kay Kyu na kulang na lang sunugin niya ito." pang-aasar ni Chael kay Zean, at kumagat siya sa kanyang brownies.
"Alam niyo naman na nagse-" sabi ni Ace na hindi tapos ang kanyang sasabihin dahil pinutol na ito ng birthday boy.
"Ano ang gusto mong sabihin?" pasupladong tanong ni Zean na may matalim na tingin kay Ace.
"Wala," sagot ni Ace, at narinig ko na lang na tumawa sa kanyang pwesto na parang may naiisip na masamang eksena na nasa utak niya.
"Si Jy, alam ko naman na hindi iimbitahin ni Zed 'yun. Malabo pa rin ang relasyon nila bilang magkaibigan." singit naman na sabi ni Uriel, at uminom sa juice na hawak niya ngayon.
"Wala, may pupuntahan daw siya. Kahit magkaaway kami hanggang ngayon ay sinubukan ko pa rin na papuntahin dito. Alam ko naman na gusto ni Ate na pumunta ang nilalang na 'yun. Ang resulta ay sinigawan lang ako, at puro matatalim na salita ang aking nakuha na kulang na lang mamatay na ako. Isa pa, malapit na akong masapak kung hindi lang nag-bell." paliwanag ni Zean na may hindi magandang tono sa kanyang boses.
"Masyadong mababaw na talaga ang pag-iisip ni Jy, hindi pa rin nakikipagbati dahil sinisisi niya ang inosenteng tao. Matalino na sana siya pero mahina naman humarap sa totoong mundo." diretsuhan sabi naman ni Uriel na may naiinis ang kanyang itsura.
BINABASA MO ANG
45315454 1351919175
Novela Juvenil- A Set of Numbers with Hidden Meaning Ano kaya ang matutuklasan sa bawat numero na makikita niya? May magandang pangyayari ba o masama? May sikreto ba siyang madidiskubre? Ano kaya? *** Genre: Teen Fiction (This is not a horror story) Thanks!