Chapter 17: Untold Story

9.3K 27 11
                                    

Chapter 17: Untold Story

Nagsimulang nagbukas ang pintuan pero walang nangyaring masama sa akin. Hindi ba ako papatayin ng multo? Ano na ang nangyari? Umatake na ba ang curse sa akin? Nalilito na ako sa sitwasyon ko, imbis na sinumpa ako ay nababaliw na ako sa harap ng music room. Habang nasa ganoon ang aking posisyon, may narinig akong sumigaw sa akin.

"Tuesday, anong ginagawa mo rito?" sigaw ng isang lalaki sa akin.

Parang pamilyar ang boses niya sa akin kaya tinanggal ko na ang kamay ko na nakatakip sa aking mga tenga, at dumilat na rin ako. Pagkatingin ko sa taong tumawag sa akin ay lumaki na ang aking mga mata dahil kilala ko ang kumausap sa akin. Isang ilusyon ba ito o totoong tao na ang kausap ko?

"Jy?" pagulat na tanong ko. Sa dami ng tao sa school, siya pa ang nakita ko sa loob ng music room. Isa sa mga kinaiinisan ko sa buong school. Ano kaya ang ginagawa niya sa loob ng music room? Na-curious tuloy ako sa ginagawa niya.

"Bakit ka nandito?" sigang tanong niya sa akin. Parang wala siya sa mood ngayon makipag-usap sa mga taong kakilala niya. Ibang Jy ang nakikita ko ngayon, hindi 'yung Jy na laging nanggugulo sa buhay ko. Mukhang may problema siya ngayon kaya ganyan ang pakikitungo sa akin, ang sungit niya kasi.

"Gusto kong tignan ang music room, dahil sa narinig kong kwento." paliwanag na sagot ko sa kanya.

"Ah, ang lakas din ng trip mo ngayon!" galit na sabi niya sa akin at nasa bulsa ang kanyang dalawang kamay.

"Natakot na ako, akala ko totoo ang curse room na pinagsasabi nila. Hindi pala siya totoo." nakaraos na sabi ko habang hinihingal sa nangyari, at nakahawak ako sa aking dibdib.

"Hindi totoo ang sumpa na sinasabi nila sa school, pero 'yung may namatay na babae sa music room ay hindi lang chismis-chismis. Wala nga lang dugo at pasa na pinagsasabi sa kwento." seryosong sabi niya at pumasok siya sa loob ng music room.

"Teka, kilala mo 'yung namatay 2 years ago?" diretsuhan tanong ko at sinundan ko siya sa loob ng music room.

Mukhang may alam siya tungkol dito, hindi ko pwedeng palampasin ito. Isang malaking sikreto ang malalaman ko sa music room. Mukhang malalaman ko na ang totoong pangyayari sa mystery ng kwarto na ito. Marami kasing gumugulo sa aking isipan sa daming chismis sa loob ng music room.

"Oo, kilala mo si Angelie na ka-batchmate natin?" tanong niya sa akin at umupo siya sa upuan na malapit sa piano.

"Siya ba 'yung magaling mag-piano na balita na namatay sa loob ng music room?" tanong ko at lumapit ako sa kanya para marinig ko ang kanyang kwento.

"Yep. She was my girlfriend before she died." sagot niya sa akin at tumawa siya nang mahina.

"What?" gulat na tanong ko sa kanya.

"Girlfriend ko ang namatay sa music room na ito." seryosong sabi niya at lumaki ang aking mga mata dahil sa aking narinig.

Hanggang dito ba naman ang lakas niyang magbiro, habang nasa seryosong sitwasyon kami ngayon. Hindi ko lang alam kung totoo ang sinasabi niya o April Fools' Day lang ngayon. Ang hirap kasing paniwalaan si Jy kapag dating sa mga seryosong usapan, puro biro kasi ang sinasabi niya sa akin kapag kausap ko siya. Ang galing din kasi niyang gumawa ng mga storya na nakakapaniwala, at nahulog ako sa mga kwento niya.

"Hindi na magandang joke ito!" inis na sabi ko sa kanya.

"Sad to say, I'm not joking right now." seryosong sabi niya sa akin. Hindi talaga siya nagjo-joke sa sinabi niya, dahil iba ang tono ng pagkasabi niya sa akin. Hindi 'yung pang-aasar ang kanyang tono o masaya na tono kapag kinakausap siya. Pati ang kanyang itsura ngayon hindi masaya at nakikita ko na nasasaktan siya sa nangyari sa kanyang girlfriend.

45315454 1351919175Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon