Chapter 23: Friday The Thirteenth

8.7K 25 10
                                        

Chapter 23: Friday the Thirteenth

Friday the 13th na ngayong araw, at nandito na ako sa may locker area ng school namin para kunin ko ang aking mga gamit na nandoon sa loob. Ang pinoproblema ko lang ay hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon, dahil sa mga nangyari kagabi na puro kalokohan lang ang nakuha ko. Habang kinukuha ko ang mga gamit sa loob ng locker ay lumapit sa akin ang isa sa mga kaibigan ko, at sinimulan niya akong batiin.

"Tuesday, magandang morning! May assignment ba sa Panitikan?" masiglang bati ni Rouie sa akin, at ako naman ay kumuha pa rin ng mga notebook at libro sa locker.

"Morning, walang assignment." matamlay na bati, at sagot ko sa kanya. Wala talaga ako sa mood na makipag-usap sa mga tao ngayon, hindi kasi maganda ang gising ko.

"Anong nangyari sa iyo? Para kang zombie kung kumilos ngayon, may nangyari ba sa iyo?" pag-aalalang tanong niya sa akin. Pinalo niya ang aking likod bilang pag-comfort, at ako naman may nararamdaman ng antok ngayon kaya napahikab na ako sa kanyang harapan.

"Hindi kasi ako nakatulog kagabi," pagdadahilan ko sa kanya. Sinara ko na ang aking locker, dahil nakuha ko na ang lahat ng gamit na kailangan ko.

"Bakit hindi ka nakatulog? Si Zean ba 'yan ang iniisip mo kaya puyat ka?" prangkang tanong niya sa akin at nasamid ako sa sinabi niya.

Hindi ko alam kung may nakaalala sa akin kaya nangyari sa akin ito, o nabigla lang ako sa sinabi ng kaibigan ko. Naguguluhan lang ako sa tanong niya, hindi ko kasi alam kung bakit naipasok sa usapan ang seatmate kong halimaw. Nagising na yata ako sa sinabi ng kaibigan ko na may malalim na imahinasyon sa kanyang isipan, nakakagulat kasi ang kanyang sinabi.

"Rouie Grace! Bakit si Zean na ang dinadamay mo sa chismisan natin?" pagtatakang tanong ko na may naiinis sa aking itsura, at tumatawa nang mahinhin si Rouie sa aming pwesto.

"Baka iniisip mo pa rin ang nangyari sa inyo sa garden, kaya nasabi ko sa iyo 'yun. Alam ko naman na kinikilig ka sa ginawa niya sa'yo." panunuksong sabi niya habang kinikilig siya, at tinusok-tusok niya ako sa braso, gamit ang index finger niya.

"Hindi naman big deal 'yun." malamig na sabi ko sa kanya at naririnig ko ulit siyang tumawa.

"Weh? Pero kinikilig pa rin ako sa kwento mo, ang cute-cute niyo kasi. Sana totoo na lang ang kwento ng kuya mo sa School Mysteries, para siguradong masama ka sa legend, at pwede ko rin itong ipagmalaki. Mas maganda rin kasi ang version ni Kuya Monday kaysa sa new version na mga multong nag-tea party sa garden, ang boring kasi ng isa." paliwanag niya sa akin at bigla niya akong niyakap. Masyado na siyang na-obsess sa topic ng School Mysteries, talagang pinagpilitan isama ako sa storya na 'yun.

"Kaya naman ako hindi nakatulog dahil nanood ako ng horror movie kagabi, at sobrang natakot ako sa pinanood namin. Isa pa 'yan si Mysterious Person, pinasakit din ang ulo ko sa binigay dahil related sa School Mysteries na tungkol sa Friday the 13th. Napaisip tuloy ako na kung anong mangyayari sa akin ngayong araw, baka masama ang makuha ko." paliwanag ko sa kanya habang nakayakap pa rin siya sa akin.

"Naks naman, nakikiuso ngayon si Myterious Person sa chismis na ito! Mabuti na sinabi mo ang importanteng event na ito, gusto ko rin abangan ang mangyayari ngayon kahit may halong kamalasan. Sana lang na may kakaiba akong makita, at pwede na ito ilagay bilang legend." tuwang sabi niya, narinig ko siyang kumanta ng kung anu-ano, at hindi pa rin niya binitawan ang pagkayakap sa akin.

"Hindi ko na alam ang magiging reaksyon ko sa iyo." komento ko sa kanya, at lalo na niyang hinigpitan ang pagkayakap sa akin.

Mayamaya, binitawan ni Rouie ang pagkayakap sa akin nang may lumapit sa amin. Si Uriel ang nagpakita sa aming harapan. Nagtataka lang ako kung bakit siya ang lagi naming nakakasalubong sa kahit saan kami magpunta. Stalker yata siya ni Rouie, lagi kasing nagpapansin sa kaibigan ko kapag nagkikita sila.

45315454 1351919175Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon